Chapter 55

167 16 19
                                    

HANNA POV

Nang makarating sa school agad akong dumeretso sa room namin. Wala pa masyadong estudyate kaya mas minabuti ko nalang na maglakad lakad na muna sa labas, karamihan sa mga estudyate ay mga freshmen.

" Hi!" Napatigil ako sa paglalakad ng may bumati sakin na mga kababaihan. Ngumiti ako sakanila bilang bati.

" Hello!" Bati ko rin sa kanila pabalik.

" Di'ba ikaw ang girlfriend ni sakuragi? P-pwede mo bang ibigay ito sa kanya. A-ano, mga fans niya kami na sumusuporta sa kanya.. s-sana po maibigay niyo sakanya." Ngumiti ako sa kanila bago kinuha sa kanila ang mga dalang bulaklak at pagkain.

" Sige. Makakaasa kayo na makakarating ito sa kanya." Nakangiting pag aassure ko sa kanila. Tumili sila sa sobrang kaya natawa ako ng mahina. Ang cute nila!

" Salamat po. Ang ganda ganda niyo po." Tanging pag ngiti nalang ang iginawad ko sakanila pabalik bago nag paalam. Subukan kong sumilip sa gym nila, baka nandoon na din siya eh.

Habang naglalakad sa hallway patungo sa hagdanan pababa ay nagtataka ako kung bakit nakatingin sakin ang ilang estudyate na may awang nakabalatay sa kanilang mukha. Ano ba ang nangyayari?

" Di'ba siya iyong girlfriend ni sakuragi di'ba? P-pero sino iyong babae kanina?" Hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinag sasabi nila dahil busy ako sa dinadala kong regalo. Bakit kasi ang layo ng gym mula sa mga classroom eh.

"Hanna!?" Napapitlag ako sa sobrang pagkagulat dahil sa narinig kong sigaw ni haruko at ayako na mukhang nagmamadali.

" Opps! Relax lang kayong dalawa. Bakit ba kayo tumatakbo? May problema ba?" Tanong ko na nakangiti.

Umiling sila habang habol habol parin ang hininga.

" A-ano.. d-doon muna Tayo sa garden, m-may a-ano.. may i-kekwento kami sayo." Kanda utal na saad ni haruko na nagawa pa akong hilahin kaya halos mabitawan ko na ang dala dala ko.

" Hep! Ano ba talaga ang nangyayari sainyo? Kanina ko pa napapansin ang ilang estudyate na nakatingin sakin. May problema ba?" Natatawa kong tanong sakanila.

" Ayaw ka namin mas masaktan pa kaya inilayo ka namin doon." Ha? Hakdog? Hindi ko maintindihan sinasabi nila. Anong ayaw nila ako na mas masaktan pa? Bakit? Saan? Kanino?

" Ilayo saan? Kanino?" Natigilan ako ng biglang sumagi sa isip ko ang imahe ni sakuragi.  Napatingin ako sa kanila na may pagaalinlangan sa naisip na posibleng dahilan ng pagkakaganyan nila.     "Si sakuragi ba ang tinutukoy niyo?" Lakas loob na tanong ko na kinatambol naman ng puso ko sa sobrang kaba.

Dahan dahan silang napatango kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nanghina. Nanginginig ang buo kong kalamnan, maging ang tuhod ko ay nanlalambot.

" A-ano ba kasi talaga ang nangyari?" Tanong ko.

" Si sakuragi, kahapon pumasok na siya kahit late na late na, tapos hindi na rin siya naglalaro ng basketball at palagi narin niyang kasama sila mito.. bumalik na rin siya sa pagiging bully at mapaghanap ng gulo." Tuluyan na akong napaluha matapos marinig ang sinabi nila sakin. Bakit ganon ang nangyari? Bakit niya ginagawa ito sa sarili niya?

" Bukod sa mga ginagawa niyang iyon kahapon, ano pa ang nagbago sa kanya?" Tanong ko

" S-si macy, a-ang sabi niya samin, sila n-na raw ni sakuragi." Kinilabutan ako sa narinig ko at halos manlamig ang buo kong katawan. Imposible yon! Ako ang mahal Niya eh! Nagpapalamig lamang siya ng ulo niya.. paanong magiging sila.

" HAHA stop joking around. Imposible naman kasi sinasabi niyo no, ako lang ang mahal ni sakuragi. Nag iisip lang siya ngayon dahil sa nangyari. Pero alam kong hindi niya ako magagawang saktan." Anas ko nagulat nalang ako ng sabay nila akong niyakap ng mahigpit.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon