Chapter 47

158 19 12
                                    

Sakuragi POV

Napatingin ako kay rukawa matapos iyon sabihin, nakakagulat dahil ito ang unang beses na sinabi niyang tanggap niya ako para sa kapatid niya, naalala ko pa nga noon na ayaw na ayaw niya ako para kay hanna. Ayokong mag isip ng hindi maganda gayong wala naman akong nakikitang kakaiba sa kinikilos nila.

" Meron ba akong dapat malaman? Bakit pakiramdam ko may dahilan ang bawat salitang sinasabi mo sakin ngayon?" Saad ko na tila pinapaseryoso ang boses. Tumuwid naman ang pagkakatayo nito bago ako tinignan ng seryoso

" Gunggong. Hindi porket may sinabi ako na nakapag panibago sayo may dahilan na ako." Umiwas ito ng tingin sakin bago lumagok sa hawak na bote. "Gusto ko lang makitang masaya ang kapatid ko at sayo ko siya nakikita na masaya, anong magagawa ko pa sa bagay na yon? Di'ba wala?" Hindi ako nakaimik. Bagkus ay natahimik at hindi nalang nagtanong pa, tutal sinabi Naman nilang wala edi paniwalaan nalang.

Akala ko wala na itong balak na magsalita pa pero... Nahiwagaan ako sa sinabi nito..

" Handa ka ba sa lahat ng oras na kung dumating man ang araw na iiwan ka niya?"I got confused upon hearing those question. Ano ba ang gusto niyang iparating sa mga tanong niya? Mas lalo lang niyang ginugulo ang isip ko. Akala ko ba walang dahilan, bakit ngayon tila may laman na talaga ang lahat.


" Hindi ko pa sa ngayon masasagot ang mga tanong mo na yan, dahil sa una palang ay ayaw ko ng dumating pa ang araw na mangyayari iyon, iyong takot at sakit na iwan palang niya ay napakahirap na paano pa kaya kong aalis siya. Hindi ko maintindihan kong bakit tinatanong mo ang bagay na ito? Umamin ka nga sakin? Aalis ba si hanna at iiwan ako ulit?" Natigilan ito sa pagiging straight forward ko. Ngunit mabilis din nawala ang gulat sa mukha nito at napalitan na lamang ng blangkong expression.


" Kahit sabihin ko sayo ang lahat wala ka rin naman magagawa pa. Buo na ang desisyon niya." So? Totoo nga na aalis siya? Akala ko ba hindi niya ako iiwan?

Bigla kong naisip ang mga nangyari sa amin nung mga nagdaang linggo. Dahil kaya ito kay itakura kaya siya aalis at iiwan akong muli?

" May kinalaman ba si itakura dito?" Tanong ko. Umiling naman ito sa naging tanong ko.


" Walang kinalaman si itakura rito. Saling pusa lang Naman iyon sa kwento." Tss. Nonsense! Pinag sasabi nito?

" Kung gusto mong malaman ang lahat, tanungin mo ng deretsa si hanna. Pagod na akong maglihim at magbulag bulagan na Parang walang alam. dapat sinusolusyunan niyo ito, kaya mas magandang mag usap kayong dalawa. Pero sa oras na malaman mo ang lahat.. wag na wag mo siyang sasaktan." Umalis na ito matapos nitong sabihin iyon.


Napabuntong hininga ako ng malalim, sumasakit ang ulo ko sa samo't saring natatanggap ko ngayon araw na ito. Bukas babalik na kami sa kanagawa, sa oras ba na bumalik kami doon tuluyan na kayang mawawala sakin si hanna? Shit!


" Sakuragi? Okay ka lang ba?" Napatindig ako ng tuwid matapos marinig ang malambing nitong tinig. May dala sala itong inumin at halatang nakainom na rin ito dahil sa namumula nitong pisngi at namumungay na mga mata.


Hinila ko ito palapit sakin upang mayakap ng mahigpit. Sinuklian din naman nito ng pagyakap sakin, pero bakit ganon kahit sobrang lapit na namin sa isa't isa, bakit parang ang bigat parin ng puso ko.


" Baby?" Mahinang tawag ko. Tumingala ito sakin ng kaunti bago ako tinignan ng may namumungay na mata.


" Hmm?" Tugon nito at muling binaon ang mukha sa aking dibdib.


" Mahal na Mahal Kita. At sobrang natatakot ako na bumalik na naman Tayo sa dati, kung maaari lang na pagbawalan ka na gawin ang mga bagay bagay ay gagawin ko wag ka lang ulit malayo sakin. You already sacrificed. Baka pwede naman na isipin mo nalang muna iyong Tayo." I felt her stilled for a moment bago kumalas sa pagkakayakap sakin.



LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon