Chapter 63

208 19 13
                                    

HANNA POV

KINA UMAGAHAN!

napapansin marahil ni kuya rukawa ang pagbabago sa aking kinikilos. Mag mula kasi kahapon na nakapag usap kami ni sakuragi ay nangingiti na ako na parang sira.  Alam kong napapansin iyon ni kuya pero never niya naman akong tinanong kung bakit masaya ako.

Basta patuloy lamang ito na nagmamasid sakin, naalala ko tuloy ang huling habilin niya bago kami mag hiwalay kahapon. Wag na wag ko raw ipapaalam kay kuya na okay na kami, dahil gusto niyang ipakita kay kuya na babawiin niya ulit ako.

At ang gusto niya ring mangyari ay kunwari Galit parin ako sakanya, naguguluhan nga ako sa gusto niyang mangyari pero ang rason niya, ayaw niya raw na makita akong kiniquestion ng iba sa pagiging marupok. Gusto niya raw na siya lang ang tatanggap ng paghihirap dahil siya ang lalake at siya daw dapat ang pumoprotekta sakin. Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto sakanya ng lahat ng nangyari samin. To think na ang matured niya na talagang mag isip, malungkot ako sa naging desisyon Niya, pero... Wala naman akong magawa dahil iyon ang gusto niyang mangyari sa set up namin bukas. Which means ngayong araw na.

Pero tiwala naman ako na magagawa niya ang gusto niyang gawin, ang mahalaga naman eh alam niyang sinusuportahan ko siya sa lahat ng bagay.

" Wala kabang balak kumain? Ngingiti ka nalang ba diyan hanggang sa mabusog ka?" Sarcastic na saad ni kuya. Mukhang hindi na nito kinaya ang nakikita kaya pinuna niya na ako. Napaka talaga ni kuya..

" Oo na po, kakain na. Bat ba ang sungit mo ngayong araw kuya?" Tanong ko. Gusto kong ngumiti sakanya pero baka mas lalo lang itong maasar sa ginagawa ko kaya itinikom ko nalang ang bibig ko at casual na lamang itong tinanong.

" Ano naman kinalaman non sa pangiti ngiti mo?"  Ngek! Ako dapat ang sinasagot niya sa tanong ko di'ba? Bakit kailangan ibato niya rin sakin ang tanong?

" Masama na bang ngumiti ngayon? Dapat ba sa twing mag uusap tayo nakasimangot ako at nakasinghal?" This time ako naman ang nagpaka sarcastic sakanya. Mukhang nakuha nito ang punto ko kaya nawala ang pagkakakunot ng noo nito, kaya hindi nakakahanap ng love life dahil ang sungit sungit niya.

" Tss. Nakakapanibago lang dahil kahapon naman ay nakasimangot ka talaga. Literal." Saad pa nito matapos idiin ang salitang literal.

" Iwan ko sayo kuya, lagi mo nalang napupuna mga kilos ko. Hindi na ako naging tama para sayo." Kunwaring Galit na saad ko. Dalawang beses akong sumubo bago tumayo mula sa pagkakaupo.

Nagulat ito sa ginawa ko kaya napangisi ako sa kaloob looban ko. Sige lang kuya, nakakainis ka talaga!

" Saan ka pupunta?" Tanong nito sakin. Nakatalikod ako sakanya kaya malaya akong napapangiti ng pilya. Inalis ko na muna ang ngisi sa mukha ko at pinalitan ng blangkong expression bago ito hinarap.

" Aalis na ako. Nawalan na ako ng gana." Malamig ang boses na anas ko bago dali daling lumabas ng pintuan.

Pfft... HAHAHAHA!

So priceless!

Nakakatawa pag mumukha Niya, para siyang nakakita ng multo dahil sa biglaang kong ginawa.
Hmm. Ano kayang ganap mamaya? Magiging masaya kaya o mahirap para samin dalawa..

Excited na akong makita siya ulit! Gusto ko ulit maramdaman ang pag aalala ng isang hanamichi sakuragi. Namimiss ko siyang lambingin at alagaan, bigyan ng pagkain at lutuan, o kaya naman ay punasan ng pawis sa likod dahil hindi niya maabot. Shit! I'm being retard! Naiimagine ko palang ay gusto ko ng humiyaw ng malakas.

Balik na naman sa panahon na nagkakilala kami at nililigawan niya ako. Ayy! Hindi nga pala niya ako non nilagawan dati dahil sinagot ko na siya agad matapos niya akong tanungin kung pwede niya ba akong maging girlfriend, doon mismo sa restaurant ni captain jun uozumi nangyari yon e. Yiiee!

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon