HANNA POV
Gising na gising ang diwa ko pero hindi ko kayang imulat ang mga mata ko. Ayaw kong makita sila dahil sigurado akong iiyak na naman ako, ang mga sinabi ni sakuragi ang siyang tumatak sa isip ko, ang pag aalala niya at pag poprotekta kay macy na dati naman ay sakin niya ginagawa. Mahirap para sakin na tanggapin na wala na talaga siyang pakialam pa sakin.
" Alam kong gising ka hanna. Wag kang mag tulog tulog dyan." Boses yon ni kuya rukawa. Marahil nasa school clinic ako dahil sa amoy palang ng gamot sa loob ng kwarto.
" Gusto ko munang mapag isa kuya." Anas ko. Ang totoo niyan gusto ko lang talagang umiwas sa maaaring ipagawa sakin ni kuya, at ang ikinakatakot ko ay baka ipalayo niya ako kay sakuragi. Hindi ko kaya, hindi ko pa kaya.
" Bakit? Galit kaba sa ginawa ko kay sakuragi?" Puno ng sarkastimong tanong nito. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko bago siya tinignan.
" Dapat ba akong magalit kuya? Dapat ko bang ipagpasalamat na sinaktan mo siya, dahil sinaktan niya din ako? Kuya... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na rin ako pero hindi naman kaya ng puso ko na sumuko." Nag simula na namang mag unahan sa pag tulo ang luha ko sa aking mata. Napakainit init nito, mahapdi na rin mga mata ko pero hindi naman maubos ubos luha ko.
" Nakakatawa. Dapat ko bang sisihin sarili ko dahil pinayagan ko si sakuragi na mahalin ka? Kasi... Kung ginawa ko yon baka hindi ka nasasaktan ngayon." Pagak itong natawa bago ako marahang hinawakan sa aking kamay.
" Please, hanna! Sumuko kana.. isuko mo na lahat, hindi pa kaya ng puso mo na mag mahal ng sobra sobra. Wag mo namang hayaan na sayangin ang pagkakataon na ngayon ay bata ka pa. Dapat nag eenjoy ka ngayon eh." Si Kuya minsan Parang matanda na kong mag salita.
" Madali lang naman sabihin yan kuya eh! Hayaan mo po muna ako sa mga gusto kong gawin, baka pag tumagal po ay mapagod na ako at kusa na akong sumuko. Atsaka... Gusto ko lang din malaman kong bantay sarado parin ba ako nila mommy? Wala na kasi akong balita sa kanila." Saad ko. Natahimik naman ito at ilang saglit pa bago sumagot.
" Wala rin akong napapansin na kakaiba sa kanila. Tinatanong ko rin si kuya aki kung ano na ang ganap sa loob ng mansyon. Sabi niya wala parin daw pag babago sa mga magulang mo. Business pArin ang inaatupag." Ano pa nga aasahan ko sa kanila. Mabuti nalang din yon para hindi na mila pakialamanan ang buhay ko.
" Sa tingin mo? May kinalaman kaya ang magulang mo sa pag babago ni sakuragi?" Out of nowhere na tanong ni kuya. Bigla tuloy akong napaisip sa bagay na yan. Paano nga kung may kinalaman na naman ang mga magulang ko sa nangyayari ngayon.
" What if? Puntahan ko nalang kaya sila mommy ngayon kuya? Makikiusap ako na itigil na nila ang ginagawa nila." Suggestions na sabi ko.
" Sa tingin mo ba pakikinggan ka nila? Eh puros business lang naman ang importante sa kanila e. Hindi ka nila tinuturing na anak kung wala kang pakinabang sakanila. Ganon ang mommy at daddy mo." Punong ng pait na saad ni kuya rukawa.
" Anong gagawin ko?" Tanong ko
" Hayaan mo nalang muna, ako nalang ang maghahanap ng paraan para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Sa ngayon, dumistansya ka muna kay sakuragi. Pasasaan pa at magpapakarupok na naman yan para sayo. Trust me ." Sabay ngisi nito. Napanguso nalang ako bago tumango sa gusto nitong mangyari.
" Sabi mo eh." Sagot ko nalang at tuluyan nanahimik.
RUKAWA POV
"Pwede niyo ba akong tulungang alamin kung ano ang nangyayari kay sakuragi ngayon?" Paunang bungad ko ng makarating ako sa pinag usapan naming lugar nila miyagi, sendoh at maki. Kahit mag kakalayo ang school namin, willing parin naman silang tumulong sa akin.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...