Chapter 54

124 15 1
                                    

SENDOH POV

maaga palang nakagayak na ako para sa pag alis patungo sa bahay ni rukawa. Napag usapan kasi namin na doon nalang mag usap tungkol sa nakalap namin na information, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nasaksihan ko kahapon. Alam ko na wala ako sa lugar para mangialam sa lumalabong relasyon nilang dalawa ni hanna, pero ang nasaksihan ko mismo kahapon ay hindi ko nagustuhan. Naging kaibigan ko silang pareho at pumapanig ako sa tamang gawain, ni minsan wala akong pinanigan para lang masabing naging mabuti ako.

Sa napapansin ko, mukhang tuluyan na talagang sumuko si sakuragi sa relasyon nila ni hanna. Isang linggo din siyang hindi nag paramdam at nag pakita tapos makikita ko nalang na may kasama siyang ibang babae. Alam kong nakita niya ako dahil huminto siya eh! Pero ang nakakagulat ay hinalikan niya mismo sa harapan ko iyong babae. Kung hindi ako nag kakamali, si macy yon na kababata niya eh!

Buti nalang talaga at tinawagan ako ni rukawa dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga nakita't nalaman ko. Sakto na humihingi rin ito ng tulong sa paghahanap kay sakuragi. Yun nga lang mukhang may masasaktan ng sobra kapag binalita ko ang aking nalaman.

Lumabas na ako sa bahay at naglakad nalang gusto kong makapag isip isip. Pambihira! Pakiramdam ko ako iyong nagkasala dahil kay sakuragi, anong sasabihin ko? Sa anong paraan ko ipapaalam ang nakita ko kahapon. Haist!

" Sendoh?!" Nagitla ako sa biglaang pag sigaw ng kung sino sa pangalan ko. Nasa kabilang kalsada ito kaya tinignan ko kung sino, si maki ito na mukhang kanina pa nag lalakad dahil sa pawisan nitong noo at damit.

" Saan ka pupunta?" Tanong nito

" Kila rukawa," anas ko na kinatango nito.

" Sasabay na ako dahil doon din naman ang tungo ko." Nagtaka ako kaya tinignan ko ito

" May gusto lang alamin si rukawa sa akin." Tungkol naman kaya saan iyon?

" Pre?" Untag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

" Bakit?" Balik na sagot nito. Bigla akong nakaramdam ng pag aalinlangan sa sasabihin ko.

" A-ah. W-wala." Sagot ko bago bumuntong hininga ng malalim. Bat ba ang hirap sa sabihin?

" Kamusta na kaya ang lahat? Isang linggo na rin mag mula ng bumalik tayo dito sa kanagawa at sa isang linggong pahingang iyon madami akong nabalitaan na pagbabago. At karamihan sa pagbabagong iyon ay ang shohoku at sa namamagitan kila sakuragi at hanna." Kahit si maki pala ay hindi nahuhuli sa balita. Sabagay hindi naman na kataka taka ang bagay na ito dahil sikat na rin si sakuragi bilang isang manlalaro.

" Tama ka pre! Nagbago na ang lahat matapos mangyari ang bagay na yon. Maging si Fujima nga ay nagbago na rin, naging malamig na raw ang pakikitungo nito sa mga kateammates at maging sa kaibigan nitong si hanagata." Pagsasaad ko. Naiiling na suminghap ito bago bumuga ng hangin.

" Hindi ko tuloy alam kung kanino ako papanig, dahil parihas ko naman silang naging kaibigan. Kay hanna ako naaawa, dahil alam kong siya ang mas naiipit sa kanilang tatlo, isama mo pa ang relasyon niya sa kanyang magulang tanging si rukawa nalang ngayon ang masasandalan niya." Tama siya, kahit pa sabihin natin na nasaktan si sakuragi sa nalaman niya, hindi naman ginusto ni hanna na mangyari yon sa kanila eh! Sadyang binigyan lamang sila ng pagsubok na dapat nilang mapagtagumpayan na magkasama.

" Hmm. Kaya siguro mas makabubuti---." Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko ng biglang huminto sa paglalakad si maki. Kaya napatingin ako sa kanya na may pagtataka.

" Bakit maki?" Tanong ko

" Di'ba si sakuragi yon? Bakit may iba siyang kasamang babae at mukhang nagkakamabutihan na rin sila ah? Paano na si hanna?" Napatingin ako sa direksyon kong saan nito nakita si sakuragi at tama nga siya si sakuragi nga na tumatawa habang kasama ang macy na kababata niya.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon