Chapter 17

207 17 2
                                    


" Hanna?" Patakbong lumapit sakin si kiyota kahit na nasa tabi ko parin naman si ayako na nakaalalay rin sakin. Napakagat labi ako ng maalala na naman ang ginawa ni sakuragi kanina, bakit ganito pakiramdam ko? Nakakadurog at nakakatakot.

" Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni kiyota sakin. Dinungaw pa ako nito kaya ngumiti ako dito ng pilit bago tumango, kailangan kong maging okay.

" Oo naman, naiyak lang ako dahil sa kwinento ni... h-haruko kanina." May lumandas na namang luha sa mata ko kaya napayuko na ako.

" Hanna? Wag kang mag isip ng kung ano... tanungin mo nalang siya mamaya pag dumating siya!" Dadating pa ba siya? Babalikan niya parin ba ako?

" Ano ba nangyari, ayako?" Tanong ni miyagi, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakin.

" A-ano.. hinabol ni sakuragi si haruko na tumakbo paalis." Anas ni ayako na medyo nahihirapan pa sa pagsasalita. Marahil iniisip parin nito ang nararamdaman ko kaya nag iingat lang siya sa sinasabi.

" Okay lang po ako, wag na kayong mag alala. Isang oras nalang magpa-fireworks na, dapat masaya lang tayo ngayon." Pinapasiglang sabi ko, tumayo pa ako para maglakad patungo sa pinakamadilim na parte ng park. No! Hindi ka iiyak hanna? Hindi ka ganito kababaw!

" Narinig ko ang pinag usapan niyo kanina. Alam kong mali ang makinig sa pinag uusapan niyo... pero kasi nacurious ako bigla kaya nakinig na ako." Napatingin ako kay fujima na kasama si maki at sendoh! Umiwas ako ng tingin sa kanya bago tumingala sa langit, napakaganda nilang pagmasdan mas lalo na kapag kumikinang sila. Dapat nakakagaan sa pakiramdam kapag nakakakita ako ng ganito pero bakit parang mas bumibigat sakit ng puso ko.

" hanna? Tama si ayako kanina, wag ka muna mag isip ng kung ano.. baka may sasabihin lang si sakuragi kaya siya sumunod kay haruko." Alam ko naman iyon eh. Pinipilit ko na isiksik sa isip ko na baka nagiging over acting at madrama lang ako kahit wala naman ipag aalala.

" Ano ba nararamdaman mo ngayon?" Mahina at nag iingat na tanong sakin ni fujima. Napapikit ako kasabay pagtulo ng luha sa mata ko.

" N-naguguilty ako. K-kung hindi siguro ako dumating sa buhay nilang dalawa, siguro sila na ngayon ang masaya. Masaya nga ako dahil gusto rin niya ako, pero... bakit parang nahihirapan na akong paniwalaan pa ang sarili ko na ganon rin nararamdaman niya para sakin." Humagulhol na ako ng iyak. Nakakahiya dahil naririnig nila ako na umiiyak at nagiging miserable ngayon. Naramdaman ko naman ang marahang pag haplos ng kung sino sa likod ko.

" Hush now, hanna! Nasasaktan ka lang ngayon kaya mo nasasabi yan ngayon. Pero alam ko na alam mo deep inside in your heart na gusto ka ni sakuragi. Nararamdaman mo naman na totoo ang isang tao sayo kapag masaya ka, kasi kung hindi... mararamdaman mo rin naman iyon na parang mabigat at hindi mo ramdam iyong saya. " Naiintindihan ko ang sinasabi ni fujima. Masaya ako kapag kasama si sakuragi, ramdam ko naman na totoo pinapakita niya sakin.

" Atsaka kung mahal mo talaga siya, hindi mo pagdududahan nararamdaman niya para sayo. Kasi kung naririnig yan ngayon ni sakuragi tiyak ako na masasaktan mo siya." Napalunok ako at naisip ang posibleng mangyari kapag nangyari iyon, tama sila, baka masaktan ko pa si sakuragi dahil sa pagiging paranoid ko.

Marahil nag over acting lang ako kaya ko nararamdaman ito ngayon. Pinunasan ko ang luha  ko bago bumuga ng marahan na hininga bago ngumiti, bagamat namamaga ang mata sa pag iyak ay pinilit kong pinasigla ang sarili.

" Salamat fujima. At sainyo rin maki at sendoh! Hangad ko rin ang kaligayahan niyo. Sana makahanap rin kayo ng babaeng magmamahal sainyo ng tapat at hindi kayo lolokohin." Natigilan naman ang tatlo sa sinabi ko at pagkaraan ay natawa kaya nahihiyang yumuko ako.

" Mukhang okay kana nga, haha!" Anas ni maki kaya natawa ako. Tumingin akong muli sa kalangitan bago inisip ang posibleng gawin ni sakuragi ngayon? Iniisip ko ang positibo dahil tama sila, dapat hindi ako mag isip ng kung ano.. nadala marahil ako ng takot na baka iwan ako at ipagpalit ni sakuragi kay haruko.

Nagiging selfish na naman ako. Napayuko nalang ako at bahagyang natawa sa sarili.

" Hanna?" Nagitla ako ng marinig ko ang boses ni sakuragi.  Nang tignan ko ito nakatayo ito malapit samin kaya nataranta ako at biglang naisip ang pinag usapan namin kanina..

" haha. Don't worry, kararating niya palang kaya hindi niya tayo narinig." Mukhang nakita ni sendoh ang pagpa panic sa mukha ko. Napalunok ako at pagkaraan ay napatango.

" Salamat."

Nakita ko naman kung paano sumimangot si sakuragi habang tinitignan kaming dalawa ni sendoh. Nagulat pa ako ng lumapit ito samin at hilahin ako palapit dito. Narinig ko ang pagtawa nila fujima, maki at sendoh kaya namumula ang mukha kong yumuko.

" Napaka possessive at territorial  mo naman sakuragi? Siguraduhin mo lang na hindi mo siya sasaktan ha?" Biglang sumeryoso ang boses ni fujima na kanina ay mahinahon lang at magaan ang pananalita.

" Sino ba naman iyong tanga na sasaktan iyong taong mahal nila? Sino?" Mayabang na saad ni sakuragi

" IKAW?" sabay na react ng tatlo kaya napangiti ako. Ang cute kasi bigla ni sakuragi dahil namula ang mukha nito kahit na magkasalubong ang mga kilay nito.

" Hindi ko naman s-sinasadya." Rinig kong bulong nito kaya nagtaka ako. Narinig niya ba kami kanina?

" Sinabi ni ayako kanina kung bakit ka umiiyak ngayon." Mukhang nabasa niya ang pagkakataranta sa mukha ko. Napanguso ako dahil sa nalaman, si ayako talaga ang daldal. Amp!

" Sorry kung naisip mo na kaya ako umalis ay siya na ang pinili ko. Hindi ganon iyon hanna! Kinausap ko lang siya.. at sinabi ang totoo kung nararamdaman para sakanya at sayo." Natigilan ako bigla. Talaga bang sinabi niya iyon para sakin?

" N-nasaan na si haruko?" Tanong ko na medyo nag aalangan pa. Pakiramdam ko tuloy napakaplastic ng dating ko.

" Hinatid na ni gore pauwi sa kanila." Napatango nalang ako at hindi nalang umimik pa.

" Sakuragi? Sorry sa inasal ko kanina." Nakangusong sabi ko, ngumiti naman ito sakin sabay iling.

" Okay lang, masaya nga ako kasi talagang nakikita ko na natatakot kang mawala ako... takot rin ako na mawala ka hanna. Takot na takot!" Bulong na anas nito.

*boom*

*boom*

Napatalon ako sa gulat ng marinig iyon. Nagsisimula na pala ang fireworks display, ang ganda!

Ilang minutong katahimikan ang namutawi samin dalawa. Hanggang sa...

" I love you hanna!" Rinig kong bulong nito bago ako nito hinalikan sa pisngi.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon