KENJI FUJIMA POV
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nahihirapan ng ganito. Hindi ko naman talaga intensyon na saktan si hanna pero kailangan, ito ang bilin sakin ni tita na bantayan si hanna ng hindi muna dito pinapaalam ang totoo. Aaminin ko, meron narin akong nararamdaman para kay hanna, ang masakit lang doon hindi niya iyon napapansin dahil si sakuragi palagi ang nakikita niya.
"Uminom ka na muna ng tubig hanna!" Sabi ni kuya aki na isa sa mga bodyguard ni hanna. Ako na ang umabot sa baso na hindi nito kinuha, patuloy parin ito sa pag iyak.
" hanna? Uminom ka na muna. Ma-Dehydrate ka nyan." Kanina pa Kasi ito umiyak, magang maga narin ang mga mata nito.
" a-ang s-sakit sakit. B-bakit ganon." Paos na anito na humihikbi pa. Hinaplos ko ang buhok nito bago tinap ang balikat ng mahina.
" Shh. Tama na, wag kana umiyak, please." Mahinahon na pakiusap ko dito. Hinila ko rin ito palapit sakin bago yinakap ng mahigpit, ngunit naging hudyat lamang iyon ng pag iyak nito lalo. Napatiim bagang ako bago ito yinakap ng mas mahigpit.
" M-mahal na Mahal ko siya. A-akala ko minahal niya rin ako, akala ko totoo lahat ng ipinakita niya sakin. H-hindi pala." Humagulhol na pag iyak nito.
"Please, wag mo nang saktan pa ang sarili mo. Narinig mo Naman ang sinabi Niya di'ba? Hindi ka niya kailanman minahal." Sorry hanna, kung hindi ko ito gagawin baka mas lalo ka lang mahirapan.
" Narinig ko iyon, Ken. Narinig ko ang mga sinabi Niya. Ang sakit sakit non, sobrang sakit na halos ikadurog na ng puso ko." Nagulat ako ng sampalin Niya ang sariling pisngi. Bago sumigaw, sigaw na punong puno ng sakit.
" Kuya aki, pakitawag si rukawa." Utos ko kay kuya aki na naaawa sa kalagayan ni hanna. Hinawakan ko ito sa pisngi bago hinaplos ito.
" hanna, makinig ka sakin. Si sakuragi ang nawalan, hindi ikaw. Sinayang Niya ang isang tulad mo na wala ng ginawa kundi ang mahalin siya ng tapat. Hindi karapat dapat si sakuragi sa isang tulad mo." Pagpapaintinding sabi ko. Umiling iling ito sakin habang humihikbi hikbi, bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluawa non si rukawa na masamang nakatingin kay hanna.
" mag impake kana. Uuwi na kayo ngayon din." Saad ni rukawa sa walang kabuhay buhay na boses. Blangko rin ang expression ng mukha nito bago tinungo ang bag ni hanna.
" ayoko Kuya." Anas ni hanna, inis na binalingan Naman siya ni rukawa.
" Tigilan mo ako sa katangahan mo hanna. Wag mong sabihing susuyuin mo pa ang gago na yon?" Galit na sigaw nito kay hanna. Hinarang ko Naman ang sarili ko sa posibilidad na masaktan Niya si hanna.
" B-baka nabigla lang siya o kaya Naman ay binibiro niya lang ako." Pilit na pagkumbinsi nito sa sarili, at gaya kanina muli na namang tumulo ang luha sa mga mata nito.
Bumuntong hininga ng malalim si rukawa bago nilapitan si hanna na umiyak na naman.
"Kuya? S-si sakuragi?! Kausapin m-mo siya please." Humihikbing pakiusap ni hanna. Naiiling na napatingin ako kay rukawa na ngayon ay masamang nakatingin.
" Magalit kana sakin, pero hindi ko lalapitan ang lalaking iyon para lang makipag balikan ka pa sakanya. Mamamatay na muna ako bago ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo." Malamig at seryoso ang boses na Saad ni rukawa.
"Kahit ako ganon din ang gagawin ko hanna. Para sayo rin Naman ang ginawa namin eh. Hilingin mo na ang lahat wag lang ang bagay na yan." Sabi ko bago naisipang tumayo mula sa pagkakaupo.
Lalabas nalang muna siguro ako. Magpapahangin upang makalimutan ang nangyari kanina.
Habang naglalakad patungo sa likod ng Inn kung saan may playground, may naaninag ako na dalawang bulto sa 'di kalayuan. Hindi ko na sana papansinin ng makita kong hindi lang pala dalawa ang nandoon kundi nasa lima silang lahat, pero Teka?!
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...