chapter 66

423 18 9
                                    

HANNA POV.

Matapos kong mag paalam kila mito at layla na aalis na agad akong nagtago sa mga halamanan, hinihintay na umalis ang isa sa kanila para sundan. Imposible kasi kung ako ang gagawa ng plano ko dahil alam naman natin kung gaano kaloyal ang mga kaibigan ni sakuragi, si layla may hinala ako na alam niya kung nasaan si sakuragi ngayon e. Kaya ito nalang ang susundan ko.

Nang makitang umalis na ito ay agad akong lumabas mula sa mga halaman, nagulat pa nga ang dalawang babae na napadaan dahil sa biglaan kong paglabas, hindi ko magawang tumawa dahil sa expression na ipinakita nila. Mas tinuon ko ang aking pansin sa papalayong si layla, ito ang dinadaanan namin pauwi e. Baka sa bahay ni sakuragi siya pupunta.

Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa mapatigil na ito sa paglalakad, dahan dahan rin akong lumapit sakanya at tinignan din ang tinititigan niya.

SAKURAGI!?

" Mabuti nalang talaga ikaw iyong sinundan ko, hindi ako nagkamali na si sakuragi talaga ang pupuntahan mo." Napatalon sa gulat si layla ng marinig ako na bigla nalang nagsalita mula sa likod niya. Halata sa mukha niya ang takot habang tinitignan ako at si sakuragi na papaliko na sa daan kung saan patungo sa mansyon namin.

Mas lalo lang ako na curious sa ginagawa niya ngayon. Napabayaan niya na ang pag aaral at ang pag lalaro dahil nandito lang pala siya.

" H-hanna, m-mali ang iniisip mo. Walang ginagawang masama si sakuragi nung mga panahong lagi siyang nagmamadali sa pag alis. A-actually, pakiusap niya sakin na wag ko raw sayo sasabihin ang mga pang araw araw na ginagawa niya. Please, wag kang magalit sakanya ginagawa niya lamang ito dahil Mahal na Mahal ka talaga niya." Napailing ako sakanya bago siya nginitian ng malumanay, sinong nagsabing Galit ako sakanya.


" Don't worry, layla. Wala akong balak na awayin siya, gusto ko lang talaga alamin kung saan siya pumupunta. Ngayong alam ko na, mas makabubuting kausapin ko siya at maging ang mga magulang ko para matapos na itong paghihirap na ginagawa niya.." nakangiting sabi ko. Hinawakan ko ito sa kamay bago pinisil ng mahina.

" Salamat sa pagiging loyal na kaibigan ni sakuragi, balang araw makakabawi din ako sa kabutihan mo sakanya." Sisiguraduhin ko na bago ko gawin ang mga bagay bagay ay dapat alamin ko muna kung ano ang dahilan, kaya kakausapin ko si sakuragi para alamin talaga ang nangyayari sakanya.


" Salamat hanna, hindi naman na kailangan pa na gawin iyon. Kaibigan ko si sakuragi kaya ginagawa ko ito para sakanya."


" Salamat. Sige na, aalis na ako. Pupuntahan ko na muna siya," nakita ko ang pag daan ng pag aalala sa kanyang mga mata.

" Inaalala mo ba na baka magalit siya sayo? Wag kang mag alala, mag dadahilan nalang ako para hindi niya malaman." Sabay kindat ko dito. Napanguso ito sabay tango sakin, nagpaalam din ito pagkatapos kaya sa huli ako nalang ang mag isa dito sa kalsada.


Naglalaban ang puso't isipan kung ano ba talaga ang gagawin ko. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa gagawin ko, though wala naman dapat akong ikakaba dahil bahay naman namin iyon, pero ang makitang nandoon rin si sakuragi ay mas nakadagdag lamang iyon ng kaba sakin. Bumuntong hininga ako ng malalim bago sinimulang maglakad patungo sa daan papasok sa village.

Natanaw ko mula dito ang bubong ng aming mansyon. Simulan ko na muling mag lakad, kada hakbang katumbas ng panlalamig ng buo kong katawan.

" Hanna, uuwi ka lang naman.. isipin mo nalang na wala siya dyan kunwari.." bulong na pahayag ng sarili ko.

" Miss hanna?" Napatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni butler Satoshi na kakalabas lang mula sa gate ng mansyon.

" H-hi mr. Satoshi, kamusta na po?" Kiming tanong ko na yumukod pa dahil sa kaba.

" Matagal na po namin kayong hinihintay. Mabuti naman ho at naisipan niyo ng bumalik, halika o kayo at pumasok na." Hesitant pa ako sa gusto nitong mangyari pero sa huli ay sumunod parin ako sakanya. Wala namang nagbago sa ayos ng mansyon, ilang linggo lang naman kasi akong nawala kaya imposibleng magbago itong mansyon sa maiksing panahon.


" Mr. Satoshi? Nandyan ba sila Mommy at daddy?" Tanong ko

" Nasa trabaho pa ho, gabing gabi na po iyon umuuwi at sa umaga naman ay tanghali na kung umalis, dalawang araw na rin nangyari yon ng magkasunod dahil..." Natigilan ito ng biglang lumabas ng garden si sakuragi na pawis na pawis at puno ng lupa sa damit.


" Sakuragi?!" Kunwari'y gulat na sigaw ko. Nagulat din ito ng makita ako kaya dali dali itong nagpunas ng pawis gamit ang face towel nitong nasa balikat

" Hanna? Anong ginagawa mo rito?" Ha? Di'ba dapat ako ang nagtatanong niyan sakanya?

" Nandito ako kasi gusto ko lang bumisita at mangamusta. Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito at bat ang dumi dumi mo?" Lumapit ako sakanya bago ibinaba ang bag ko sa carabao grass. Kinuha ko sakanya ang face towel sa kamay niya at ako na mismo ang nagpunas sa kanyang mukha.


" Nandito ako... D-dahil ito ang trabaho ko." Trabaho? Eh ang bata bata niya pa para sa trabaho? Hindi ba naisip nila daddy na baka ireklamo sila dahil underaged pa lamang itong si sakuragi.

" Trabaho? Para saan? Sakuragi! Wag na wag kang magsisinungaling sakin." Sabi ko sa nag babantang boses.

Bumuntong hininga ito ng malalim bago ako tinanguan

" Fine. Ginagawa ko ito dahil ito lamang ang nakita kong paraan para suyuin ang mga magulang mo. And guest what, mukhang epektibo naman dahil kinakausap nila ako." Napaface palm ako kasabay ng unti unting pagkirot ng puso ko. Pambihira, para sa relasyon namin handa talaga siyang gawin lahat maibalik at matanggap lamang siya ng mga magulang ko.


" Naiintindihan ko sakuragi, pero paano ang pag aaral mo. Ang paglalaro mo?" Frustrated na tanong ko. Nangunot Naman ang noo nito bago pinunasan ang kamay na puno ng mga dumi.

" Pwede naman akong bumalik next year." Natigilan ako matapos marinig ang kanyang sinabi. Nakaramdam din ako ng disappointment sa mga magulang ko, masyado na silang nabulag sa pag tatrabaho at pera na maging si sakuragi ay nagawa na nilang payagan sa ganitong sitwasyon, naiinis ako sakanila, imbes na matuwa ay mas nakaramdam lamang ako ng Galit sa mga magulang ko. At naaawa ako sa kalagayan ni sakuragi


" Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha? Sakuragi? Uunahin mo pa ba ang bagay na ito kesa sa pangarap mo? Ang future mo ang nakataya dito, wag mo naman sanang sayangin, naglaro ka ng basketball dahil gusto mo, wag mo naman talikuran ng basta basta." Pagpapaliwanag na sabi ko. Hinawakan ko ito sa mukha bago tinitigan ng mariin.

" Please baby, kung gagawin mo lang din ito para sa relasyon natin, wag na lang... Ayokong masira ang buhay mo dahil lang sa mga magulang ko. Kung talagang ayaw nila na tanggapin ka, Sige bahala sila pero di ibig sabihin non ay magiging maayos pa kami." Anas ko sa buong boses. Nakita ko ang pag daan ng saya at panghihinayang sa mga mata nito.


" Hindi mo na kailangan gawin pa yon, baby.. sabi ko naman sayo diba? Dapat ako ang gumagawa ng mga bagay dahil ako ang lalaki. Pagkatiwalaan mo lang ako dito please." Pakiusap na saad nito.


" Pero babalik kana sa pag aaral?" Saad ko pa. Tumango ito sakin kaya napangiti ako, mabuti naman


" Hanna?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon mula sa gate ng mansyon.

" Kuya rukawa?!"

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon