Chapter 40

332 21 6
                                    

MIYAGI POV

Seryoso na ang lahat ng makabalik na sa loob ng court, si sendoh ang pinapasok ni coach dahil sa nangyaring alitan ni rukawa at sakuragi, pero kahit na ganon ay naging mabuti rin ang kinalabasan kalaunan. 10-13 ang score, lamang ang aichi samin ng tatlo, mababawi din Naman namin iyon dahil samin ang bola ngayon. Hawak ito ni fujima na binabantayan naman ni moroboshi ng maigi, sa isang mabilis na pag dribble kasabay ng pag atake sa depensa. Nakalusot siya mula sa pagbabantay ni moroboshi, ipinasa Naman ni fujima nang bola kay sendoh na mabilis namang binantayan ni sawakita.

" Ang lupet." Anas ni ikegami na katabi ni mitsui.

Habang dinidribble ni sendoh ang bola, pansin ko ang nagbibigayan tingin nilang dalawa ni fujima at jin, hindi iyon mapapansin ni sawakita dahil abala ito sa pag babantay kay sendoh na mabilis na nag didribble. Changing pace ha? Gumana kaya ang tactics na yan kay sawakita?

Sa isang mabilis na pagdribble ay agad na inatake ni sendoh ang depensa ni sawakita. Pinasa itong muli ni sendoh kay fujima na pinasa Naman kay jin, nang makitang walang masyadong nagbabantay kay jin ay agad nitong iniumang sa pag tira ng tres, subalit huli na para maiblock ito ni kengo dahil maayos na nairelease ni jin ang bola.

" Sablay yan.. rebound!!" Sigaw ni jin na siyang kinaalerto ni morishige at sakuragi sa ilalim ng ring. Nagsi takbuhan Naman sa ilalim ang iba, tumalon Naman si sakuragi at morishige ng mag bounce na ang bola sa ring. Kitang kita kong paano nagkabungguan si sakuragi at morishige, mas malaki ang pangangatawan ni morishige pero... Mas malakas naman ng di hamak si sakuragi, dahil kahit sabay silang nakahawak sa bola mabilis namang isinupalpal ni sakuragi ito kaya tumalsik ito pababa.

Nakuha ito ni hanagata, na ipinasa Naman agad kay fujima. Nagdribble ito at isang mabilis na cross over mula sa pagbabantay ni sawakita ay nakalusot ito. Nang makalusot ay agad nitong inirelease ang bola patungo sa kanilang basket, matagumpay nitong naipasok ang easy lay up.

12-13 na ang score, isa nalang ang lamang ng aichi sa amin. Muling nagsimula ang laro, hawak hawak na ngayon ni moroboshi ang bola, magaling ito sa ball handling at mabilis din ang bawat kilos nito. Ngunit mukhang seryoso na sa paglalaro ang buong team ng kanagawa dahil sa higpit ng pagbabantay ng mga ito. Mabilis na inigaw ni fujima kay moroboshi ang bola ng makitang ipapasa sana nito kay sawakita, naghiyawan Naman ang mga sumusuporta sa kanagawa. Samo't saring sigawan ang naririnig, maging ang pangalan ni sakuragi ay naririnig naming isinisigaw ng mga ito.

Mas naging determinado tuloy ang buong kanagawa na matalo ang aichi dahil sa hiyawan nila. Pinasa ni fujima kay hanagata ang bola na binabantayan naman ni kengo, subalit mas matangkad na di hamak si hanagata dito kaya madali para kay hanagata'ng ihead pass ang bola patungo sa direksyon ni sendoh, nang masalo ni sendoh ang bola wala na siyang sinayang na pagkakataon at agad na nitong itinira ang bola pagkatapos nitong tumalon paatras sa tres.

Subalit nagulat nalang kami ng maabutan parin ito ni sawakita mula sa ere, kaya nawala ang tamang tiyempo sa pagpasok ng bola sa basket. Nakaabang naman si sakuragi sa ilalim, pero tila wala ito sa wisyo dahil nakatulala lang ito at hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Nagsigawan na kami dahil sa bolang tumalbog palayo sa basket, ngunit wala parin sa wisyo si sakuragi, nagsitakbuhan naman sila hanagata at sendoh sa ilalim para makipagsabayan kay morishige na nakatalon na at kukunin nalang Sana ang bola ng...

" REBOUND SAKURAGI!! IREBOUND MO ANG BOLA." natigilan kami at napatingin sa pinanggalingan ng boses na yon. Teka? Si hanna ba yon o si haruko? Medyo malabo ito dahil nakasiksik ito sa mga tao. Tsaka, imposible din na si hanna yon dahil ang balita namin, isinama na siya patungo sa amerika.

" si hanna ba yon?" Tanong ni mitsui. Nag kibit balikat nalang ako at Muling ibinalik ang tingin sa court. Hawak na ito ngayon ni morishige at itinatakbo na nito sa kanilang basket, ngunit mas nagulat kami ng mabilis na tumakbo si sakuragi pahabol dito.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon