Chapter 23

195 22 4
                                    

Para sayo po itong update CheskaSabihon

[Osaka vs kanagawa]

Makalipas ang ilang araw, ito na ang araw na pinakahihintay nila na laban sa pagitan ng osaka. Hindi pa naman nag sisimula ang laro ay puno na kaagad ang court kung saan idadaos ang laro ng wintercup tournament. Kasama ko sa bench sila haruko, at ang mga barkada ni sakuragi na full support talaga dahil may dala pang banner, nandito rin pala ang mga kaibigan ni mitsui na may mga banner din na dala.

Wala pa naman ay kinakabahan na ako sa laban na magaganap, ito iyong laban sa pang lahatan, nandito iyong mga pinagsamang manlalaro sa iba't ibang eskwelahan. Ngayon makikita kung sino nga ba talaga ang totoong hari sa larangan ng basketball.

" Kinakabahan ako," rinig kong anas ni haruko. Hindi man kami gaano nakakapag usap mag mula ng sinagot ko si sakuragi, ay pakiramdam ko nagkakahiyaan lang kami kaya walang naglalakas loob na makipag usap.

" Gusto mo ng maiinom? May dala akong inumin," anas ko. Though, bawal dito ang pagkain..

" Talaga? Salamat ha? Kinakabahan kasi talaga ako" medyo garalgal nga ang boses nito. Ibinigay ko naman sa kanya ang inuming itinago ko sa pinaka ilalim ng bag ko. Habang umiinom ito bigla kong naisip ang kalagayan ngayon ng mga players at ni sakuragi, gusto kong makita kong ayos lang ba siya o silang lahat dahil uminom sila kagabi baka makaapekto iyon sa pag lalaro nila. Kahit na alam kong malalakas silang manlalaro sa buong kanagawa nandito parin iyong takot ko na baka...

Naipilig ko ang ulo ko para maalis ang mga walang kwentang bagay na sumasagi sa utak ko ngayon. Mananalo sila!

" Kinakabahan ka rin ba?" Nag aalalang tanong ni haruko. Medyo nagulat pa ako sa biglaang pagsasalita nito.

" A-ah. Oo, di'ba nakainom sila kagabi matapos iannounce kahapon kung sino ang unang lalaban. K-kasama doon si sakuragi kaya medyo, natatakot ako sa pwedeng mangyari" tumawa naman ito ng mahina kaya napanguso ako. Hinawakan ako nito ng marahan sa kamay bago tipid na ngumiti sakin.

" Walang mangyayari na hindi maganda. Alalahanin mo, si sakuragi ang pinag uusapan natin ngayon. Malakas siya at hindi papatalo, madami na kaya siyang pinag daanan at lahat ng iyon walang nakapag pahinto sa kanya" ngayon na nasa harapan ko si haruko habang sinasabi ang mga bagay na ito sakin. Parang may kakaiba akong nararamdaman sa mga iyon.

" H-haruko? Salamat.. tama ka, dapat hindi ako nag iisip ng kung ano. Mananalo sila!" Pagpapalakas sa sariling sabi ko. Ngumiti ito sa sinabi ko, tinignan namin ang natitirang minuto sa board bago mag simula ang laban nila. Two minutes nalang.

[RYOTA MIYAGI POV]

KANINA pa namin pinagmamasdan si hanamichi na hindi mapakali at para rin itong galit dahil sa itsura nitong blangko at seryoso, hindi naman ito kanina aburedo pero 'nung mahuli ito kanina sa labas dahil may kinakausap siguro, pero pag pasok iba na ang timpla ng mukha. Tss, kung kailan may laban may ganito siyang mood, baka maapektuhan ang laro namin dahil sa kanya. Hindi naman pwedeng hindi siya papasukin dahil siya lang talaga ang makakapanalo sa buong team ng kanagawa, aminado ako sa sarili ko na namamangha ako sa galing ni sakuragi, habang tumatagal kasi mas lumalakas ito sa karaniwang nag uumpisa lang din na kagaya niya paglalaro.

" Kausapin mo na kaya, hindi natin pwedeng ipasok si sakuragi kung gaganyan ganyan siya" mukhang napansin din pala ng iba dahil lahat sila'y nakatingin din.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim bago ako lumapit sa gawi nito. Nang maupo sa tabi nito ay marahan kong tinapik ang balikat nito para makuha ang atensyon nito. Binalingan naman ako nito pero sa seryosong mukha naman.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon