Chapter 24

190 17 3
                                    


Sa first five na maglalaro ngayon sa koponan ng kanagawa ay sila maki, akagi, sendoh, jin at sakuragi. While sa kabilang koponan naman ay si tsuchiya, iwata, minami, kishimoto at itakura na power forward nila.

Nasa gitna na ang lahat ng players maging ang referee na may hawak ng bola para sa jump ball na gagawin. Si akagi at iwata ang magja-jump ball nakaready na ang lahat ng players sa magkabilaang court, nang ihagis na sa ere ng referee ang bola sabay na tumalon ang dalawa ng makakuha ang mga ito ng tamang tiyempo sa pagtalon. Sabay silang nakakapit sa bola kaya buong pwersa rin nilang ibinubuhos ang lakas nila para doon. Pero mukhang mas malakas si akagi kaya lumipad ang bola patungo sa direksyon ni sendoh na nag aabang din kasama ni minami. Nakuha naman ito ni sendoh kaya nagsi bantayan naman ang lahat sa kani kanilang binabantayan, dinidribble na ni sendoh ang bola habang nakikipag titigan ng seryoso kay minami, ang sabi samin ni ayako, maruming maglaro si minami kaya tiyak akong gagawin din nito iyon kapag nadehado na sa laro. Nang makalusot mula sa pagkaka bantay ni minami agad niya rin itong pinasa kay maki na binabantayan naman ni tsuchiya. Mukhang may sinasabi si tsuchiya sa kanya dahil seryoso itong nakatingin dito at pagkaraan ay mabilis nitong inatake ang mahigpit nitong depensa. Dinidribble na nito papasok ang bola kaya ang ilang taga osaka ay mas naging alerto sa maaaring gawin ni maki. Ititira na sana ito ni maki ng easy lay up ng bigla itong supalpalin ni tsuchiya na kinagulat ni maki ng sobra. Tumilapon ang bola sa direksyon ng power forward nilang si itakura na mukhang pinag yayabangan si sakuragi dahil bakas sa mukha nito ang inis. Kaya mo yan sakuragi!

Nang makuha ng power forward ng osaka ang bola, agad itong nag dribble habang nakangisi kay hanamichi. Tss! Ang yabang.

" mukhang nagyayabang na naman ang isang yan!" Rinig kong saad ni takamiya kila mito na seryoso naman sa pinapanuod.

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ni sakuragi kay itakura na mukhang napipikon na dahil hindi man lang siya makalusot lusot sa ginagawang depensa ni sakuragi.

Ipapasa na sana ito ni itakura kay minami ng bigla itong madanggil ni sakuragi dahilan para tumalsik ang bola sa kamay nito. Naging alerto ang lahat at nag uunahan sa bolang nasagi ni sakuragi pero mas mabilis si minami dahil nakuha nito ang bola.

Dinidribble nito ang bola habang seryosong tinitignan si sendoh hanggang sa isang maliksing galaw, agad itong umatake sa depensang ginagawa ni sendoh na nagulat rin sa ginawa nito. Napatayo kami sa pagkagulat dahil agad huminto sa three point line si minami at walang pagaalinlangang itinira ito mula doon.

Pasok ang bola kaya ang lahat ng mga fans ng osaka ay nag iingay ng sobra at samo't saring komento ang naririnig mo na parang nanalo na kaagad sila sa laban kahit nag uumpisa palang naman. Tss!

" GO SAKURAGI! GO KANAGAWA, KAYA NIYO YAN!" Sabay na sigaw namin ni haruko na nagulat din dahil sabay namin na isinigaw iyon.

3-0 ang score. Muling nag umpisa ang laban, pinapasok na ni maki ang bola sa court nila habang binabantayan siya ng maigi ni tsuchiya. Pinasa ni maki ang bola kay sendoh na mabilis din ipinasa kay jin na binabantayan naman ni kishimoto. Ang magaling talagang dumepensa ang koponan ng osaka dahil kapag ipapasa nila maki ang bola mas dinodoble ng osaka ang pagbabantay sa mismong may hawak ng bola. Malapit na magkaroon ng 30 seconds violation ng bigla nalang ihagis ni jin ang bola palobo sa court dahilan para mag singhapan ang lahat. Maging kami ay nabigla sa ginawa nito dahil wala namang nagbabantay sa paghuhulugan ng bola.

Pero ganon nalang ang tili namin dalawa ni haruko ng makita naming tumakbo si sakuragi patungo sa bolang pabagsak na. Malapit narin ito sa basket

" Isang alley oop dunk ang gagawin ni hanamichi?!" Gulat na bulalas ni mito na siyang kinaawang ng bibig namin. Nagsitayuan rin ang balahibo ko ng makuha nito sa ere ang bola at handa na sana nitong ipasok sa basket ng biglang sumulpot si itakura na power forward ng kabilang koponan. Nakipag sabayan ito mula sa ere habang hawak nilang dalawa ang bola, pero mas lamang at mas malakas talaga si sakuragi dahil wala ritong kahirap hirap na naipasok ang bola sa basket. Pumito rin ang referee marahil sa ginawang contact ng katawan ni itakura kay sakuragi.

Nag hiyawan naman kaming lahat dahil sa ginawa ni sakuragi. Wow! May isa pang free throw kaya tuwang tuwa kami.

" Galing mo talaga hanamichi sakuragi!" Sigaw nila mito. Nabigla kami dahil ang ilang fans ng kanagawa ay nag iingayan narin dahil sa ginawa nito. May ilang komento rin akong naririnig tungkol sa pagkapahiya ni itakura kanina.

" Ang galing ni sakuragi!" Saad ni haruko habang nakatingin sakin. Napatango ako habang masayang nakatingin sa ibaba kung saan magfi-free throw ito.

Nang itira nito ang bola, halos manginig kami sa kaba dahil tumalbog ang bola sa basket. Dahilan para mag atungal ang ilang manunuod, mawawalan na sana kami ng pag asa dahil sabay sabay na nagtalunan ang ilang matataas na player para sana kunin ang bola. Pero laking gulat namin ng makuha iyon ni akagi mula sa ere at agad na ginawa ang tinatawag nilang gorilla dunk nito. Napanganga kami dahil doon at sabay na tumalon talon.

" Kyaaaah! 4-3 na.." tili naming dalawa.

" Ang galing ng kuya mo haruko. Mabuti talaga nakuha niya ang bola dahil sayang talaga." Ani mito. Pero kahit na hindi iyon na ipasok ni sakuragi, masaya ako para dito dahil nakakasabay na talaga siya sa ilang magagaling na player din.

Hawak ng koponan ng osaka ang bola. Dinidribble ito ngayon ni tsuchiya, magaling itong mag ball handling pero hindi ko pa ito nakikitang magpashoot ng bola, habang binabantayan siya ni maki akala namin ay ipapasa na naman nito sa kakampi ang bola ng biglang mabilis na inikutan ni tsuchiya si maki mula sa kanan dahilan kung nakapasok ito sa depensa ni maki. Nagsihiyawan na naman ang lahat ng biglang humakbang paatras si tsuchiya at tumira ito ng paatras, nag fade away shot siya mula sa three point line. At tagumpay na ipasok nito ang bola!

Wow! Hindi ko akalain na ganito siya kakompyansa sa sarili niya. Idinidribble palang kasi niya ang bola ng bigla itong umatras at itinira ang bola, ang galing niya pala kung ganon.

" Ang bilis niya mag bitaw ng bola. Ang galing ng tsuchiya na yon" Rinig kong saad ng lalaking nasa likuran namin. Tss, manuod lang kayo at hintayin ang gagawin ng mga kanagawa, baka iyang pagkabilib niyo sa tsuchiya na yan mawala.

Lamang ng dalawang puntos ang osaka. Nag sisimula palang ang laban nila pero ang hihigpit na kaagad nila sa isa't isa, ang astig nilang lahat.

This time si sendoh na ang may hawak ng bola. Isa rin palang point guard si sendoh? Pero di'ba mas madali lang para sa kalaban na makita ang gagawin ni sendoh dahil matangkad ito. Binabantayan ito ng maigi ni minami at akmang susugod si sendoh mula sa depensa nito ng bigla nitong ipinasa kay jin na libreng libre dahil ang nagbabantay sa kanyang si kishimoto ay ini screenan din ni sakuragi. Itinira naman ito ni jin mula sa three point ng pagkaganda ganda kaya ng pumasok ito sa basket ay hindi man lang sumagi sa ring.

Nagtilian na naman kaming lahat dahil doon, waa, lamang kami ng isang puntos 7-6,

" ANG GALING NIYO KANAGAWA!" sigawan ng mga manunuod.

'Kanagawa!'

'Kanagawa!'

'Kanagawa!'

'Osaka!'

'Osaka!'

'Osaka'!'

Samot saring pagchecheer ang naririnig namin sa buong gym. Bilib na bilib silang lahat sa laban kahit na ilang minuto palang ang nakakalipas mag mula ng mag simula ang laban ng osaka at kanagawa. Ang galing nilang lahat.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon