Chapter 31

185 13 4
                                    


Nagulat ako at napaatras sa kaba ng makita ko silang dalawa dito, anong ginagawa ng mga ito dito? Paano nila nalaman na dito ang tinutuluyan namin?

Muli akong napaatras ng makitang humakbang pa silang dalawa patungo sakin. Napansin siguro nila ang takot na nararamdaman ko dahilan para mapatigil sila sa paghakbang, subalit si itakura ay nakangisi parin habang nakatingin sakin.

" Anong kailangan niyo?" Nauutal na tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa na tila nag uusap sa pamamagitan ng titigan nilang dalawa. Mas dumoble ang kaba ko ng ngumisi lamang si itakura samantalang si tsuchiya ay wala namang emosyon subalit hindi nakaligtas sakin ang pagdaan ng takot.

" Nandito kami para makausap ka sana." Makausap? Bakit?

" Anong pag uusapan natin? Hindi na rin naman kailangan kaya.. wag na.." sabi ko, nanlambot na ng tuluyan ang tuhod kaya napahawak ako sa dingding.

" Hindi. Hihingi lang sana kami ng tawad sa ginawa namin sayo--." Hindi na natuloy ni tsuchiya ang sasabihin ng galit na hinawakan siya ni itakura sa braso bago marahas na hinarap sa kanya. Napalunok ako sa tindi ng takot sa kanilang dalawa.

" Anong ginagawa mo tsuchiya?  Ang usapan natin kukunin natin siya at hindi hihingi ng tawad." Asik ni itakura, napatingin si itakura sakin at walang pang limang segundo ay nasa harapan na ako nito.

Napatili ako sa takot at agarang lumandas ang luha ko sa aking mga mata dahil doon. Nataranta naman silang dalawa at narinig ko ang mabibilis na yapak sa kong saan, nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni itakura samantalang si tsuchiya naman ay mukhang kinakabahan na.

" HANNA!?" Rinig kong sigaw ni sakuragi mula sa aking likod. At isang iglap lang ay nakawala na ako sa pagkakahawak ni itakura na ngayon ay nakalumpasay na sa sahig. Halos lumipad din ito sa lakas ng pagkakasuntok ni sakuragi kaya ng mahiga ito ay tuluyan itong nahimatay.

Nakarinig ako ng mga yapak, hanggang sa makita ko ang buong team ng kanagawa na mukhang kakagising lang, maging sila haruko at ayako ay gulat at takot rin sa nakita.

" Anong nangyayari dito?" Tanong ni coach anzai na kakarating lang din. Hinawakan naman ni sakuragi ang kamay ko at itinago niya ako sa likod niya, napaluha ako at napatungo.

" Ang tarantadong yan, tatang. Binastos ang girlfriend ko. Kung hindi ko lang narinig ang sigaw ni hanna hindi ko pa malalaman ang nangyayari dito." Galit na galit na sabi ni sakuragi na masamang nakatingin kay itakura. Nasa gilid si tsuchiya na bakas ang kaba at takot, mas lalo na ng makita siya ni sakuragi.

Akmang lalapit ito ng pigilan siya ni kuya rukawa at fujima. Tinignan pa muna nila ako bago nila sinulyapan si tsuchiya na nakayuko na.

" Wala akong balak na masama kay hanna, ang usapan namin mag uusap lang.. pero hindi ko naman akalain na ganon ang gagawin niya." Saad ni tsuchiya na nakatingin kay sakuragi na masamang masama parin ang tingin sa kanya pabalik.

" Ayos lang na mawala ako sa laro, basta malumpo ko lang ang tarantadong yan. Binalaan ko na siya kahapon pero mukhang wala siyang balak na pakinggan mga sinabi ko, kaya pasensyahan nalang tayo sa mangyayari sakanya." Malamig at walang emosyong saad ni sakuragi. Kinilabutan ako at ang ilan sa nakarinig ay bakas rin ang takot sa sinabi ni sakuragi,  si sendoh na nanlalaki ang mata, na maging si maki ay nakaawang ang bibig marahil sa narinig nitong sinabi ni sakuragi.

" Huminahon ka sakuragi, hindi maganda iyang sinasabi mo. Para kang nagbabanta ng masama sa kanya, mamaya na tayo mag usap sa oras na magising na si itakura. Mag palamig ka muna ng ulo mo." Anas ni coach anzai sa mahinahon na paraan.

Kahit labag sa loob niya ay napatango ito bago ako tinignan ng mahinahon. Nakangiti na ito sakin habang hinahaplos ang ang aking pisngi.

" Hush now, baby. Wala na ulit makakapanakit sayo, tandaan mo yan." Anas nito sa malambing na tono bago ako nito hinila paalis. Wala siyang tinignan ni isa sa mga kasamahan namin, tanging tipid na pagtango lang ang nagawa ko kila haruko at ayako ng may pag aalala itong nakatingin sakin.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon