Chapter 52

249 19 4
                                    

MITSUI POV

Nauna na kaming nakauwi nila sakuragi at ang mga barkada niya patungo sa kanagawa. Akala ko pwede kong makausap si hanamichi ng masinsinan ngayong nakalayo na rin kami sa iba, ngunit nang maabutan ko sila ay umiiyak ito pero wala naman kaemo emosyon ang kanyang mukha. Tanging ang luha lamang nito sa mga mata na walang tigil na bumubuhos, tinignan ko si mito at ang iba pa na mukhang nahihirapan din para sa kaibigan. Sila takamiya na hindi magawang makapag biro dahil sa kaibigan nilang nasasaktan.

Nafefeel ko rin kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon, yung tipong ginawa mo na ang lahat para maisalba lamang ang relasyon na binuo nila ng magkasabay tapos mauuwi lang sa ganito. Sa bagay hindi mo naman masasabing pag mamahal yon kung hindi ka nasasaktan di'ba? Mas mauunawaan mo lang ang ibig sabihin ng pag ibig kung nasaktan kana.

Parihas pa silang bata para mag seryoso ng ganito na halos parang ikaguguho na ng kanilang mundo. Madami pang maaaring mangyari sa kanila, maraming pwedeng mag bago pero bakit parang sa kanilang dalawa ay Parang umiikot ang mundo nila sa isa't isa.

Nakakatawa di'ba? Ako na walang kasintahan pero nagagawang mag salita ng ganito kalaman. Well, Hindi ko pa na sasabi sainyo na may minahal na din ako pero hindi naman ako ang ginusto, as in ang komplikado niya para maintindihan ng iba o nang mga kaibigan ko. Hindi ako palakwento tungkol sa buhay ko, mas gusto ko kasi iyong sinarili ko nalang para wala nang madamay na iba. Ayoko maging pabigat at alalahanin pa, kasi sa huli rin naman ako't ako parin ang makakaresolba ng problema ko.

Ang kaso kasi sa dalawa sobrang minahal nila yong isa't isa na hindi man lang nag tira para sa sarili nila. Kaya tuloy sobra silang nahihirapan ngayon kasi binigay na nila ang lahat ng pag mamahal e.

" Wag niyo na munang kukulitin si hanamichi, hayaan niyo na muna siyang makapag pahinga." Anas ni mito ng makarating kami sa tapat ng bahay ni hanamichi, inihatid na namin baka kasi kung saan pa ito pumunta.

" Sige hanamichi, aalis na kami. Magpahinga ka ha?" Saad ng tatlo niyang kaibigan na hindi man lang pinansin ni sakuragi bagkus ay nag dere deretso na ito sa pag lalakad papasok sa kanilang bahay.

Malungkot akong napailing sa kanya bago sumunod sa paglalakad nila mito. Tutal gusto ko rin makapag isip isip ay maglalakad na muna ako, hindi naman ako hinahanap sa bahay eh! Palagi nalang silang walang pakialam sa akin.

" Uuwi kana ba mitsui?" Tanong sakin ni mito. Nauna na sa paglalakad iyong tatlo habang may malalim na pinag uusapan.

" Hindi na muna. Gusto ko mag lakad lakad bago umuwi, sa daming nangyari ngayong araw pakiramdam ko matutumba ako sa sobrang pagod at pag iisip." Anas ko na natatawa. Natawa rin ito bago tumango sa akin.

" Sasama nalang ako sayo, wala namang espesyal sa uuwian ko." Anas nito. May komplikado din kaya siyang pamilya?

" Sige." Tanging nasabi ko, hindi ako umimik sa kanya ng magsimula na ulit  kaming mag lakad patungo sa ibang direksyon.

" Sana maging maayos lang siya, ngayon ko nalang ulit nakitang nasaktan si sakuragi, ang hulng beses kasi ay nung namatay ang papa niya dala ng atake sa puso na hindi niya nadala sa ospital dahil tinambangan siya ng mga lalaking siga na nakaaway niya. Sinisi niya ang sarili niya sa nangyari kaya nga nag bago siya, naging mas matakaw sa gulo at mayabang pa na akala mo magaling... Pero kahit
Na ganon, ang nakakatuwa sa pagkatao ng kaibigan kong iyon, hindi siya sumusuko sa gusto niyang makuha ng hindi pinag hihirapan. Tignan mo Ngayon isa na siya sa magaling na manlalaro ng basketball. Nakakaproud." Masaya ako para sa pag kakaibigan nilang kasing solid ng bato na hindi na sisira. Sana maging part din ako ng pagkakaibigan na yan. *smile*

ni minsan hindi pa ako nakaranas ng pagkakaibigan na handang gawin ang lahat para sa isat isa. Gusto ko katulad ng pagpoprotekta nila.

" Ang swerte niyo pala sa isa't isa kung ganon? Buong buhay ko kasi wala akong matawag na kaibigan bukod kay tetsuo na mukhang iniwan na rin ako. Sila iyong nakilala ko matapos kong mainjured at matigil sa pag lalaro ng basketball, akala ko nung una sa pagbubulakbol ako magiging masaya, pero ang hindi ko alam mayroon parin palang puwang sa puso ko na hindi ko pa noon alam kong ano, kung baga indenial pa ako dahil sa Galit na nararamdaman ko noon dahil sa nangyari sakin. Pero nung muli kong nakita ang dati kong nakasama sa paglalaro na sila akagi at kogure, bumalik iyong kasabikan ko sa paglalaro. Iyong butas sa puso ko pakiramdam ko biglang natakpan ng tanggapin akong muli ni coach anzai sa team. Masasabi ko na may porpuse pa ako sa mundo kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataong iyon." Ito ang  unang beses na nag open up ako sa nangyari sa buong buhay ko. Nakakagaan din pala ng puso.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon