chapter 27

187 18 0
                                    


Nagkayayaan nga ang lahat na lumabas kaya kaming mga babae ay excited at todo effort sa pag luluto para sa dadalhin na pagkain mamaya. Ang mga boys naman ay nandoon sa labas at mukhang nagkakatuwaan dahil ang lalakas ng hiyawan at tawanan, ang ilan sa kanila may dalang mga alak kaya bahagya akong kinabahan dahil baka mapagalitan sila ng mga coach.

" Okay lang ba sa kanila na uminom?" Tanong ko na halatang halata sa boses ang kaba at takot. Napaharap naman sakin si ayako na busy sa paghuhugas ng mga gulay na hihiwain naman ni haruko at ako naman ang taga luto.

" No prob, hanna. Tiyak naman akong hindi sila magpapakalasing," mukhang siguradong sigurado ito sa sinabi kaya napatango ako kahit na hindi parin ako mapakali.

" Girls, gusto niyo ba ng tulong?" Napatalon kami sa gulat sa biglaang pag sulpot ni sendoh kasama si fujima na nakangiti samin.

" Ah. Hindi na, salamat nalang. Mga pagod pa kayo kaya dapat magpahinga o kaya naman ay makisaya nalang kayo sa labas kasama ng iba pa." Nakangiting saad ni ayako na kinatango naman namin. Nagkamot naman sa ulo si sendoh.

" Ayaw naman talaga namin doon. Tsaka nakakahiya dahil napakarami ng lulutuin niyo para samin, tapos hindi man lang kami makakatulong." Anas ni sendoh na sinang ayunan naman ni fujima. Tuluyan na silang nakapasok kaya wala narin kaming nagawa pa.

" SENDOH!!!" pigil ni fujima sa biglaang kilos ni sendoh. Balak kasi nitong kunin ang kaldero na paglalagyan ng kanin, kaya nataranta si fujima na pinagtaka naman namin.

" Bakit pre?" Nakangiting tanong ni sendoh. Bayolente namang napalunok si fujima bago kinuha ang kaldero, bago kiming ngumiti kay sendoh.

" A-ako na ang bahala sa bagay na ito. A-amh! K-kunin mo nalang ang sakong bigas sa labas." Kahit naguguluhan si sendoh ay sumunod pa rin ito.

" bakit namumutla ka, kenji?" Tanong ko. Ngumiti naman ito at marahang binitawan ang kaldero na hawak.

" Pasensya na sa biglaang sigaw ko. Baka kasi kapag nahuli ako at nahugasan na ng tuluyan ni sendoh ang bigas ay baka deretso hospital tayo." Nagkatinginan kaming tatlo bago kunot noong binaling sa kanya ang atensyon.

" Ano ibig mong sabihin?" Tanong ni haruko na naghihiwa na ngayon ng carrots.

" E-err. Tradisyon na kasi ng buong basketball team kapag first year ito ang magluluto para sa lahat. That time si sendoh ang nag iisang first year at nagluluto para saming lahat, kaya akala namin okay lang kahit walang gabay na kasama ito dahil mukhang kaya naman nitong mag isa. 'Nung nagsimula na itong mag asikaso, ilang minuto rin ang natapos ng bumalik ito mula sa kusina. Nagtataka kami kung bakit putlang putla ang mga palad niya. Ang sabi niya ang dali man lang raw hugasan ang bigas na gamit a-ang... b-bleach! Halos lahat kami nakakain non matapos malaman ang sinabi nito." Napanganga kami sa narinig kasabay ng paglunok. M-may lason ang bawat detergent diba? Hindi rin ako makapaniwalang magagawa iyon ni sendoh, sa itsura kasi nito mukhang may alam siya sa lahat ng bagay.

Natahimik lang kami ng hinihingal na dumating si sendoh na buhat ang sakong bigas.

" Ano? Bakit namumutla kayong lahat?" Takang tanong nito. Lumunok naman kami bago umiling.

" Ah. H-haha, pambihira.." natatawa at kinakabahan ani ayako.

" Maghuhugas na ba ako ng bigas?" Tanong nito. Nataranta kami at sabay sabay na sumigaw ng 'wag' kaya halos kitang kita namin ang gulat na expression nito habang bahagyang nanlalaki ang mata nitong singkit.

" O-oh! O-okay!" Utal na sagot nito. Si fujima na ang naghugas ng kaldero at naglagay ng ilang takal ng bigas. Hindi naman mahirap magluto ng bigas dahil may rice cooker naman kaming gamit.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon