Chapter 5-
Napaungol ako ng magising akong sumasakit ang ulo ko. Dala ito marahil nang ininom kong alak kagabi, hindi ko na namalayan kong nakailang lagok ako ng bote kagabi, pinigilan nga din nila ako pero sadyang hindi ko mabitawan ang alak na kapit ko kaya i ended up like this. Look really messed up. Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa kama, napatingin sa wall clock maaga pa naman para sa pagpasok pero parang hindi ko kayang pumasok ngayon dahil pakiramdam ko nilalagnat ako kahit ulo lang naman masakit sakin.
Ano kaya nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala bukod sa uminom ako ay doon na tumigil ang naalala ko, sino kaya naghatid sakin pauwi? Ang daming katanungan sa isip ko ngayon, nahihiya rin ako sa pwedeng mangyari kapag nakita ko sila, baka isipin nilang napaka lasenggera ko. Waa! Ngayon nga lang ako uminom e.
Bumangon na ako sa pagkakaupo sa kama bago napagdesisyunang maligo. Ayaw ko nalang pumasok ngayon, magpapahatid nalang ako ng excuse letter para sa prof namin, hindi ko talaga kaya e. Kaya nahihiya rin ako.
Pagkatapos ko maligo agad akong nagbihis ng usual clothes na sinusuot ko ang pormal dress. Pagkababa ko mula sa hagdanan, naabutan ko si mr. Satoshi na striktong nag uutos sa mga katulong na bilisan ang pagkilos. Nang mapatingin ito sa gawi ko ay bahagya pa itong nagulat bago yumukod.
" Magandang umaga lady hanna. Bakit hindi po kayo nakapang uniform? Hindi po ba maganda ang pakiramdam niyo ngayon?" Malumanay na tanong nito.
" Ganon na nga po mr. Satoshi, medyo masakit parin po ang ulo ko." Sagot ko na kinatango nito sabay senyas sa isang maid na nakahilera sa gilid.
" Gumawa ka ng sopas at kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo." Tumango naman ito at yumukod bago umalis.
" Ako na hong bahala sa pag excuse niyo sa klase lady hanna. Maupo ho muna kayo dito." Pag aalalay nito sakin mula sa sofa sa sala kaya sumunod nalang ako dito. Nang makaupo ay nagpaalam ito sakin at aalis na sana ng maalala ko ang nangyari kagabi? Gusto ko lang tanungin kung sino nag hatid sakin pauwi dito!
" Sandali lang ho, mr. Satoshi?" Tawag ko dito, tumigil naman ito at lumingon. Magalang na yumukod bago lumapit sa gawi ko.
" Ano ho iyon lady hanna?" Tugon nito, tumikhim ako bago inisip ang magandang tanong para sa naguguluhan kong isip.
" ahm. Gusto ko lang po sana malaman kong sino po naghatid sakin pauwi dito?" Medyo nakaramdam ako ng hiya sa tanong na iyon. Medyo lang naman.
" Ah. 'Yun po ba lady hanna. Kagabi ho kasi ay may tumawag mula sa landline natin, mula raw iyon sa restaurant na nagngangalang uozumi. Nagtaka kami 'nung una kung bakit ito tumatawag, hanggang sa mabanggit nila ang kalagayan mo kaya napapunta kami doon para kunin ka." Ah. Napatango naman ako medyo umasa na si sakuragi ang nagdala sakin papunta dito. Waa, nag eexpect pa naman ako ng ala movie sa pagitan namin dalawa.
" Ganon po ba. Salamat po." Nakangiti kong sabi.
" Pero... may isa sa mga lalaki po ang nag buhat sa inyo para matulungan kaming maipasok kayo sa loob ng sasakyan. Ahm, hindi ako pwedeng magkamali.. kulay pula po ang buhok niya." Dumagundong naman ang puso ko matapos marinig iyon. Waa, si sakuragi iyon alam ko. Siya lang naman ang may red hair sa team nila. Kyaaah!
" talaga po!" Gulat na tanong. Nang maalala ang biglang excitement sa boses ko ay tumikhim ako at inulit iyon sa mababang paraan na ngayon.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...