Chapter 60

185 16 1
                                    

HANNA POV

umaga palang nakapag handa na ako ng makakain namin ni kuya rukawa. Nakapag usap na rin kami kahapon pero hindi ko masyadong iniintindi ang gusto niyang ipagawa sakin. Hindi nalang ako umimik dahil alam kong mas kukulitin niya ako na sumunod sa gusto niya. Magalit na siya sakin, bahala na.

Paalis na ako ng hapagkainan dahil tapos na rin naman akong mag agahan ng makasalubong ko siya na bagong ligo. Blangko lamang itong nakatingin sakin bago ako nito nilagpasan.

" Bakit ka umuwi ng mag isa? Di'ba sabi ko sayo mag pahatid ka?" Nahihimigan ko ang kaseryosohan sa boses nito kaya malungkot akong napangiti sa sinabi nito.

" Kuya, alam ko po kung ano ang gusto mong mangyari, dahil sa ginagawa mo palang mas pinapakita mo kay sakuragi na wala rin akong pinag kaiba sa ibang babae. Yes, alam kong ginagawa mo ito para sakin dahil mahal mo ako. Pero kuya, pwede bang wag sa ganitong paraan.. nahihirapan din kasi ako." Saad ko bago ako naglakad palabas ng pintuan ng bahay namin.

Hindi naman ako inis sa ginawa niya pero sa pagkakataong ito parang sumusobra na siya.

Pagkarating ko sa school, agad na akong dumeretso patungo sa room. Kukunti pa lamang ang mga estudyateng dumadating at may mga ibang club member na rin na maagang nag papractice. Nakakalungkot na mag isa na naman ako ngayon, parang katulad lang nung dati na hindi pa ako pinapansin ni sakuragi.

Hay! Alisin mo na nga sa isip mo ang bagay na yan hanna. Mag focus ka nalang muna sa goal mo ngayon.

Habang naglalakad sa hallway, biglang rumagasa sa kaba ang dibdib ko ng makita si sakuragi na kasama si macy na nagkakatuwaan. Automatic din na kumirot ang puso ko dahil sa nakikitang eksena ng dalawa, mukhang napansin nila ako kaya agad silang mas naging malapit sa isa't isa.

Kaya mo 'to hanna! Gaya ng napag desisyunan mo na, gawin mo ang goal mo ngayon.

Bumuntong hininga ako ng malalim bago unti unting inalis ang emosyon sa aking mukha. Mga tingin na walang kabuhay buhay, maging ang expression ko ay blangko, na kapag may nakatingin sakin ay hindi nito talaga mababasa kong ano man ang emosyon na nasa mukha mo.

Nang magkasalubong kaming tatlo. Walang emosyon ko silang tinignan bago sila nilagpasan at dere deretsong nag lakad na parang wala akong pakialam sa naging presensya nilang dalawa. Nang makaliko ako, doon ko lang naibuga ang hangin na pilit ko na palang pinipigilan sa aking bibig.

Dumadagundong din sa sobrang kaba ang puso ko at halos hingalin ako dahil doon. Ito ang kauna unahang beses na ginawa ko iyon, kaya tiyak ako na magtataka si sakuragi sa ginawa ko. Kung may pakialam pa siya sakin.

Bumuntong hininga akong muli bago napagdesisyunang mag patuloy na sa pag lalakad patungo sa room. Papaliko na ako ng makita ko si layla na mukhang aligaga, hindi mapakali sa kinatatayuan kaya tinawag ko ito.

" Good morning, layla?" Nakangiting bati ko. Napatalon ito sa gulat at agad na napatingin sakin habang hawak ang dibdib.

" Jusko naman hanna, aatakehin ako sayo puso niyan. Bigla bigla ka nalang nagsasalita dyan." Natawa ako sa sinabi nito kaya sinamaan ako nito nang tingin.

"At talagang tumawa ka pa ha?" Nag susungit sungitang saad nito. Umiling naman ako bilang sagot sakanya

" Bakit ba kasi hindi ka mapakali dyan, ang aga aga ng kakaganyan kana agad," sabi ko. Pumasok naman na ako sa room namin, sinundan naman ako nito hanggang sa upuan ko.

" Girl, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Hindi talaga." Exaggerated na saad nito. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

" Hindi talaga ako maniniwala kung hindi mo sakin sasabihin ngayon kung ano ba yong ibabalita mo sakin?" Kunwa'y na iinis na sabi ko. Pero kalaunan ay natawa kaya napanguso ito.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon