Chapter 4

333 23 5
                                    


Chapter 4

Uwian na ng lahat ng estudyante, ang naiwan nalang ay ang basketball team ng shohoku at maging ang kabilang koponan na mag cecelebrate daw sa resto mismo nila uozumi. Nandito ako ngayon sa loob ng gym, pinapanuod ang limang minutong natitirang practice game nila, lahat sila napakagaling na talaga. Si sakuragi, hindi pinalaro ni kuya takenori at miyagi sa di malamang dahilan kaya si sakuragi ay nasa gilid habang nag babasic training na mag isa. Kasama ko si ayako, busy sa pagsigaw. Gusto ko sanang makisigaw at mag cheer kaya lang wala doon si sakuragi. At nakakahiya naman kung mag che-cheer ako sa iba e, hindi naman nila ako kilala at ganon din naman ako sa kanila.

" Hindi kaba susundiin ng driver niyo hanna?" Nag aalalang tanong ni ayako sakin. Nabaling sakanya ang atensyon ko bago sinagot ang tanong niya.

" Hmm. Hindi naman, nakapag padala na ako ng message kay mr. Satoshi na mamaya na nila ako sunduin." Napatango naman ito habang nakangiti sakin. Muli naming itinuon sa panunuod ang tingin namin, gaya ng dati ay nangunguna parin sa score board ang grupo ni sendoh, pero dahil magaling din si rukawa ay nahahabol nito ang score pabalik.

Nasa team sendoh na ang bola, dinidribble niya na ito habang sinusubukan makalusot sa pagbabantay ni rukawa sa kanya, mula sa gilid ay kita ko ang lihim na tango ni shinichi maki kay sendoh kaya nag fake cross over si sendoh at iyon pala ay ipapasa lang kay maki na ngayon ay mabilis na kumilos patungo sa basket nila. Nalusutan din niya ang pagkakabantay ni hanagata sa kanya kaya isang mataas na pagtalon ang ginawa ni maki bago nirelease bola patungo sa basket. Another points sa team ni sendoh score ay 63-65 lamang ng dalawang puntos sila sendoh.

Mula sa labas hawak ni ryota miyagi ang bola, dinidribble at may kung anong sinasabi sa team niya bago nagsabay sabay sa pagtugon ng 'OO', nagbabantay sa kanya si nobunaga, samantalang kay sendoh naman ay si rukawa, kay maki naman ay nakatapat si fujima kaya parang naka man-to-man defense sila dahil sa higpit ng pagkakabantay ng bawat isa. Kada kasi mabilis na tatakbo si fujima ay agad na nakakasunod si maki kaya wala rin itong lusot sa higpit ng bantay sa kanya.

" Go miyagi, kaya mo iyan." Biglaang cheer ko kaya nagulat pa sila sa pagsigaw ko. Napangiti naman si ayako sakin bago tumango.

At ganon nalang ang pagkamanghang nakita namin ng pabulusok nitong sinugod ang pagbabantay sakanya ni nobunaga, dinidribble niya ito at  isang mabilis na pasa kay rukawa.

" Waaa, kaya mo iyan rukawa.. ishoot muna." Sigaw ko pa kaya ang ilan sa mga naglalaro ay natatawa kahit na dapat ay seryoso lang. Kaya ng nag fake cross over ito mula sa pagkakabantay ni sendoh ay agad siyang nag dribble palapit sa basketball at tira dito subalit agad siyang binantayan ni akagi at sendoh, pero ang mas nakakamangha doon ay inilusot niya sa pagitan ng dalawa ang bola sabay release dito, tagumpay na nahulog ang bola kaya napapalakpak ako. Ang galing pa talaga niya. Napatingin siya sakin ng blangko pero ang mga mata niya ay may kasiyahang nakarehistro.

" Uyy... hindi ka paba tunaw?" Bulong na saad ni ayako sakin kaya napatigil ako sa pagpapalakpak. Tumingin ako sa kanya ng nakakunot noo.

" Huh? Bakit?" Naguguluhang tanong ko. Matutunaw?

" Kanina pa nakatingin si sakuragi sayo, magmula ng mag simula kang magcheer. Nakasimangot ito." Nagulat pa ako ng marinig iyon mula kay ayako at mabilis na naibaling ang tingin kay sakuragi na ngayon ay nakatingin sakin ng seryoso. Napalunok ako at dali daling umiwas, bakit kaya mukhang galit siya.

" Nice! Ang galing mo palang mag cheer hanna. Ginanahan mag laro ang mga loko kaya natalo kami." Natatawang saad ni maki kaya natawa rin ang iba. Ngumiti naman ako sa kanila bago kino-congratulate ang grupo nila rukawa. 69-71 lamang ng dalawang puntos sila rukawa, magaling naman talaga silang lahat. Kaya tiyak akong mananalo sila sa laban na paparating.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon