Chapter 19

198 13 7
                                    


Mula sa pwesto ko busy ang lahat sa pagwawarm up para sa continuation na pag practice nila, ilang days nalang kasi laban na nila sa pagitan ng osaka. Kinakabahan ako para sa lahat ng mga manlalaro ng kanagawa, ang sabi ni ayako malakas ang team ng aiwa mas lalo na si moroboshi at ang power forward na si morishigi (pakitama nalang po name nila if ever na mali po. Thanks)

" Ayos ka lang ba, hanna?" Bungad na tanong ni mito ng mapansin na nag iisa lang ako. Ngumiti lang ako sa kanya bago tumango, hindi ko kasi magawang sabihin dito na hindi naman talaga ako masaya. Kaibigan kasi nila eh! Basta basta nalang nagiging cold ng hindi ko man lang alam ang naging dahilan.

Pero naisip ko na baka narealise lang nito na hindi pala ako ang gusto niya talaga. Amp! Nakakapanakit talaga, sana nag sabi man lang siya sakin kung bakit biglaan nalang nagbago pakikitungo niya sakin para hindi ako nahihirapan ngayon dito.

" A-ah. Ayos ka lang ba talaga?" Nagtaka ako sa pangalawang tanong nito. Nakatingin ito sa pisngi ko kaya nagulat nalang ako ng hawakan niya iyon at may kung anong pinahid.

" Mito!!" Natigilan at natulos sa kinatatayuan si mito dahil sa narinig na boses ni sakuragi. Kahit ako ay nagulat dahil sa pagiging malamig ng boses nito.

Maya maya pa ay ngumisi si mito sabay iling. Anyare?

" Wassup, hanamichi!" Ngising bati ni mito ng makalapit. Masama ang tingin ni sakuragi sakanya.

" Anong ginagawa mo?" Matigas at madiin na tanong ni sakuragi. Napalunok si mito ng bahagya bago tumawa ng may kabang kasama.

" A-ahaha. W-wala naman, may tinanggal lang sa pisngi niya." Pisngi? Ako iyon di'ba? Nawala naman ang malamig na tingin ni sakuragi ng mapunta iyon sa akin.

" Bakit ka umiiyak?" Malumanay na tanong nito sakin. Automatic naman na napaluha ako dahil sa tanong nito. Walangya! Manhid nga ang isang 'to, nagtanong pa gayong alam naman nitong siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Pambihira sakuragi, napakamanhid mo.

" Hindi mo kasi a-ako pinapansin" saad ko. Nanlalaki naman ang mata nito at pagkaraan ay napalunok sabay hampas sa sariling noo bago tumalikod ng hindi na naman nagpaalam. Waa, sira ulo! Pambihira iniwan na naman ako.

" Argh! Tumahan kana, hanna" puno ng frustration na pakiusap ni mito. Pero paano ako tatahan gayong sinaktan ako ng kaibigan niya.

" Salbahe i-iyang k-kaibigan m-mo" sumisinok sinok na saad ko. Natawa naman ito ng mahina kaya napasimangot ako. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman na salbahe kaibigan niya. Paasa na, pafall pa!

" Hahaha. Hindi, may tinatapos lang siya na importante. Papansinin ka din niyan," pagbibigay assurance na sabi nito sakin. Umingos naman ako dito at hindi nalang nagkomento.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang practice. Lahat sila naka assemble na kaya tinignan nila coach taoko at coach anzai kung sino pwedeng magkakampi sa araw na ito.

Team A
Sakuragi,rukawa,fujima, akagi, jin

Team B
Maki,sendoh,mitsui,hanagata,nobunaga

Nagsimula na ang laban, hawak ng team ni maki ang bola kaya tinataas na nito ang bola patungo sa basket nila. Habang dini-dribble ni maki ang bola, mahigpit namang dumedepensa ang koponan ni sakuragi kaya walang ibang mapasahan si maki. Kaya ang ginawa niya ay umatake siya mula sa pagkakabantay sa kanya ni jin. Agad naman itong nakalusot kaya hinabol ito ni jin na nagulat pa sa nangyari. Malapit na ito sa basket nila kaya nabantay siya ni akagi. Pero mabilis din naman nitong naipasa sa kakamping si mitsui na libreng libre, akmang isho-shoot na sana nito ang bola ng harangan siya bigla ni jin na naging kapalitan ni fujima. At si fujima naman ngayon ay mahigpit na binabantayan si maki.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon