A/N: Hi, sorry po kung late ang update ko. ^^, sana po'y magustuhan niyo parin ang chapter na ito :)Enjoy reading po!
------
Chapter 9
'Nagsimula na ang lahat sa pagkain, katabi ko ngayon si ayako at kuya dahil hindi talaga ako nito nilulubayan. Nagtataka na nga ang iba sa pinaggagawa niya e. Gusto ko na ngang sabihin na kapatid ko si kuya pero ang kulit niya dahil sinasabi niya sa lahat na nililigawan niya ako kahit hindi naman. Ano ba kasi talaga ang gusto niyang palabasin sa sinabi niya. >_<
" Hindi nga, totoo bang nililigawan ka ni rukawa hanna?" Hindi makapaniwalang tanong ni ayako sakin. Napapakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko, kapag susubukan ko namang gawin e, inaakbayan ako ni kuya tapos bubulong ng 'wag daw muna'
" A-ah. H-haha. Isipin mo n-nalang na n-nagbibiruan lang kami." Nakakabahang sagot ko sabay kagat sa labi ko. Naman oh! Napatingin ako sa gawi ni sakuragi na ngayon ay may lungkot na expression sa mukha, napayuko ako ng maramdamang kumirot ng bahagya ang puso ko. Gusto ko siyang puntahan at kausapin, pero natatakot ako na baka mauwi na naman sa wala iyong effort ko na pagtitiis na wag muna itong kausapin.
" Sakuragi?" Naluluhang bulong ko sa kawalan, hindi ko na magawang ngumuya dahil sa pagbabara ng lalamunan ko. Kainis! Nakakainis.
" *sigh* sis? Minsan kiniquestion ko rin ang sarili ko noon kung bakit ako nakakaranas ng lungkot samantalang wala naman akong ginagawa, alam mo ba ang dahilan kung bakit? Iyon ay dahil ako mismo ang nagpaparamdam non sa sarili ko, alam ko na ngang mahihirapan ako pero pinipigilan ko parin ang totoo kong nararamdaman. Hindi naman kasi masamang sumugal sa taong sa tingin mo ay worth it." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon. Ganon ba ako? Pinapahirapan ko lang ba talaga ang sarili ko kaya ako nagkakaganito? Hindi ba si sakuragi ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko. O kasama siya doon pero mas pinapalala ko lang ang situation.
" Anong gagawin ko? Natatakot ako sa maaaring mangyari? Natatakot akong masaktan na naman." Bumuntong hininga naman ito sa sinabi ko bago ako seryosong tinignan sa mata. Hinaplos din nito ang buhok ko kaya kahit papano ay nagiging kalmado rin ang pakiramdam ko.
" Hanna, makinig kang mabuti, okay." Tumango naman ako sa kanya.
" Alam kong kaakibat sa pagmamahalan ay takot, hindi naman iyon nawawala e. Iyong takot na nagbibigay satin lalo ng negatibo imbes na dapat ipush natin ang sarili natin na maging mas matatag para lumaban. Ikaw, para sayo? Worth it bang bigyan ng pangalawang pagkakataon si sakuragi? Na handa kabang babaan ng kaunti iyang pride mo para lang sa kanya. At kung sakali namang masasaktan ka dahil sa malalaman mo, atleast ginawa mo parin kung alin iyong tama. Ginawa mo parin iyong bagay na kahit panget ang kinalabasan, nakahinga ka naman ng maluwag. At doon, makakapag isip kanang tama na at oras ko naman para mahalin ang sarili ko at mag move on na ako." Lahat naintindihan ko. Maging ang ilang mga nadagdag niya ay nakatulong rin sakin para mas malinawagan ako. Tama naman kasi si kuya, dahil sa takot na nararamdaman natin imbes na mas tumatag tayo ay nagiging negatibo ang iniisip natin. Napangiti naman ako sa sinabi ni kuya, alam kong tinutulungan niya lang ako na mas malinawan sa lahat.
" thanks kuya." Tipid na ngiting saad ko. Tumango lamang ito. Muli akong tumingin sa gawi ni sakuragi na ngayon ay walang ganang tumayo mula sa pagkakaupo, hindi ko pa nga ito nakikitang kumuha man lang ng pagkain kaya nakaramdam ako ng pag aalala para dito. Wala sa sariling tumayo ako sa pagkakaupo mula sa lapag at tinungo ang mga pagkain na nandoon, nagtaka nga sila ng makita nila akong kumukuha pa akala siguro nila ay para sakin pa iyon, kaya nag iinit ang mukha kong umiling sa kanila.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanficKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...