Chapter 45

180 19 6
                                    

👉 ITAKURA POINT OF VIEW 😊 MAS MAGANDA PO KUNG MAKIKILALA NIYO RIN ANG UGALI NI ITAKURA PO! DAHIL LAHAT NANG GINAGAWA AY MERON PONG DAHILAN, MASAMA KA MAN O MABUTI! HAHAHAHA awit🥺🥺🥺 bear with me po!👈

Enjoy reading 😍🥰

******


ITAKURA POV

" anong balita?" Tanong ko sa aking kasamahan na napuruhan kahapon. Tinambangan daw sila ng kalalakihan kahapon nung patungo na sila dito sa hide out.

" Wala ritong kinalaman si sakuragi at ang mga kagang niya, nasa hospital nga iyon ngayon dahil sa injury sa likod." Napatango tango ako at Muling napaisip sa maaaring gumawa nito. Kung hindi si sakuragi? O ang mga kaibigan Niya? Sino?

" Anong plano mo ngayon?" Ngumisi ako sa tanong ni yuuto. Ano pa nga ba?

" Kuhanin ang dapat ay sakin." Nabigla ito sa sinagot ko dahil nanlalaki ang mga mata nito.

" Wag mong sabihin na hindi ka tutupad sa pinag usapan niyo ni sakuragi." Nginisihan ko ito bago tumango. Bakit naman ako susunod sa pinag usapan gayong wala na sila ni hanna ngayon, magagawa ko na ang gusto ko.

" Tol, Tumigil kana kaya. Wala namang ginagawa sayo ang girlfriend ni sakuragi ah?" Galit na ibinato ko sa kanya ang hawak na bola. Bago ito sinamaan ng tingin, tarantado pala siya e.

" Siraulo kaba? Wala nga siyang ginawa pero gusto ko siya. Gusto ko si hanna." Bulyaw ko dito. Hindi naman ito nakaimik. Tss

" Ibang magalit si sakuragi, itakura. Kung papalalain mo lang ang sitwasyon baka hindi na iyon mag dalawang isip ay patulan ka na non." Biglaang singit ni makoto sa usapan namin. Masama itong nakatingin sakin habang nakasandal ito sa pader.

" Sa tingin mo ba uurungan ko siya. Hindi ako natatakot sa kanya." Pero.. shit! Nakakatakot nga ang isang Iyon, isang suntok palang nga sakin non ay nagdilim na kaagad ang paningin ko ni hindi ko na nga alam nangyari pagkatapos.

" Mayabang ka sa salita pero uurong Karin naman kapag napuruhan kana. Wag mong ungusan ang taong iyon dahil hindi mo pa lubos na nakikita ang kakayahan non." Bigla akong kinilabutan dahil sa pagbibigay ibig sabihin nito.  Tsk! Alam ko na ang bagay na yan, at kailanman hindi ko minaliit ang kakayahan ni sakuragi.


" Tss. Alam ko ang kahinaan niya kaya bakit ako matatakot?" Nanunuyang tinignan ako nito bago nailing.

" Wag mong sabihin sa amin na hindi ka namin binalaan ha? Dahil sa oras na mapahamak ka dyan, hinding hindi ka namin tutulungan." Malamig ang boses na Saad ni mikoto.

Kainis! Tinignan ko si yuuto na nakayuko. Tss, mukhang walang tutulong sakin. Edi ako ang gagawa ng plano ko, mga duwag!

Tumayo na ako at lumabas mula sa bahay ni mikoto, maglalakad lakad nalang muna ako o dalawin si sakuragi sa hospital. Nah! Mamaya niyan makatanggap na naman ako ng suntok, haist? Gusto kong makita si hanna.

Habang naglalakad patungo sa maliit na convenient store ay may na aninagan akong babaeng nakaupo sa isang tabi. Hindi ko na sana papansinin kaso mukhang lasing na ito dahil ang hawak nitong bote at laman nito ay natatapon na. Tss! Kababaing tao lasenggera, naiiling na nilagpasan ko ito at pumasok sa loob ng mini convenient store, nagugutom ako kaya bibili nalang ako ng makakakain ko.

Pagkapasok ko palang ay agad silang napatingin sakin at tila automatic na napatago ang kani kanilang bag. Tangna! Seryoso? Mukha ba akong mandurukot?

Dumeretso nalang ako sa hilera ng mga cup noodles at tinapay, bumili narin ako ng isang bottled water. Tinungo ko na ang cashier at nag bayad na, halata sa kanila ang takot habang ibinababa ko ang mga pinamili ko.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon