Gaya nga ng inaasahan nanalo ang koponan ng kanagawa laban sa osaka. At si sakuragi ang nakapag panalo sa team na kinagulat talaga namin ng sobra, hindi ko lang talaga ineexpect na sa lahat ng manlalaro siya iyong hindi sumuko kahit na dalawang segundo nalang ang natitira. 79-78 ang score at lamang sila ng isa.
" Grabe, napakagaling talaga ni sakuragi." Naluluhang saad ni haruko na sinang ayunan ko naman dahil totoo naman ang sinabi nito. Habang tumatagal pagaling ng pagaling si sakuragi.
Nakakaproud siya sobra, aayain ko silang lahat na sa mansyon nalang mag celebrate kapag nakauwi na kaming lahat. Hindi pa kasi kami makakauwi dahil may laban pa silang susunod, im not sure kung anong koponan ang mga iyon.
Naghihiyawan ang lahat sa sobrang saya dahil ang koponan na sinusuportahan nila ay nanalo, pero ang mas sikat at kinaguguluhan nila ay si sakuragi na nagtataka rin sa mga nangyayari, samantalang ang mga kateam niya ay natatawa sa nagiging reaction ni sakuragi hanggang sa makita niya ako, umaliwalas ang mukha nito bigla kaya napangiti ako dahil doon. Nang makalapit ito sakin, bigla itong nag alangan kong yayakap ba siya o hindi dahil sa pawis sa buong katawan nito. Ngumiti ako sa kanya bago tumingkayad at hinalikan ito sa pisngi.
" Congrats baby, proud na proud ako sayo." Matamis na ngiting saad ko. Pero nakatulala parin ito habang nakatingin sakin habang bahagyang nakaawang ang bibig kaya natawa ako ng mahina, kinuha ko ang towel sa bag ko bago ito pinunasan sa mukha at leeg.
Nagulat ako ng dambahin ako nito ng yakap. Nanlalaki naman ang mata ko dahil sa ginawa niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko, napatingin ang iba sa gawi namin habang may mga mapang asar na tingin, namumulang isinubsob ko ang mukha ko sa leeg nito. Hindi alintana ang pawis na nagmumula dito, nahihiya ako.
" Mahal na mahal kita, hanna. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko." Napangiti ako at mas yinakap ito ng mahigpit. Ako ang swerte dahil minahal niya rin ako ng tunay at pinasaya niya rin ang malungkot kong buhay.
" Mahal na mahal din kita, sakuragi." Ngiting saad ko kahit hindi naman nito nakikita ay alam kong nakangiti rin ito.
" tama na ang yakapan. Nakakaumay!" Biglang singit ni kiyota na nakasimangot pa habang nakatingin samin. Napayuko naman ako dahil lahat sila nakatingin sa gawi naming dalawa.
" Inggit ka lang. Palibhasa kasi wala kang jowa." Ganting balik ni sakuragi na kinasimangot naman ng huli.
" Magkakaroon na sana, inagaw mo lang." Natigilan lahat sa sinaad ni kiyota. Maging ako hindi ko inaasahan na sasabihin nito ang mga iyon.
" Tsk. Pare, alam ko naman nararamdaman mo. Pero kasi... kami talaga ang itinadhana." Malumanay at seryosong saad ni sakuragi kay kiyota na hindi nakaimik.
" Alam ko. Kaya nga, magmo move on na ako," tinapik naman siya ni maki sa balikat.
" Tama yan, kiyota. Gawin mo nalang lesson ang nangyari sayo para matuto ka." Pangangaral na ani maki. Ngumiti naman kami dahil doon, tumango naman si kiyota bago nag paalam na mauuna na sa changing room ng mga pang players lang.
" Pag pasensyahan mo na siya hanna ha? Crush ka kasi ng lalaking iyon." Namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi ni jin.
" O-okay lang. Tsaka sorry dahil nasaktan ko si kiyota." Nakatungo ang ulong saad ko. Hinapit naman ako sa bewang ni sakuragi.
" hindi mo naman kasalanan hanna, sadyang hindi lang napigilan ng loko ang magkacrush sayo dahil mabait, maalalahanin at bonus pa na maganda ka." Nakangiting sabi ni sendoh na sinang ayunan naman nila.
" Salamat." Nahihiyang sabi ko.
" Tara na. Kailangan na nating magpahinga, sa inupahang apartment nalang tayo magpahingang lahat. At congratualions sa atin lahat." Masayang masaya na sabi ni fujima sa lahat. Ngumiti naman silang lahat bago sabay sabay tinungo ang changing room nila, nagpahuli si sakuragi kaya tinignan ko ito.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...