HANNA POV
buong pwersahan ko itong tinulak mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Ramdam ko parin ang panginginig ng kamay nito at maging ang buong katawan nito ay ganon din. Inilalayan ko itong makaupo sa upuan bago ako naupo sa tabi nito. Ilang minuto lang bago nangyari ang agresibo nitong halik kanina, ngayon ay tila wala lang para sakanya ang nangyari, dapat ako iyong nagagalit dito, pero bakit ganon.. imbes na patulan pa ay iniintindi ko nalamang ito. Tanging isang bagay nalang ang gusto kong mangyari ngayon, iyon ay...
Gusto ko nang malaman kung ano na ba talaga ang balak niya amin ngayon.Napatingin ako sakanya ng bigla ako nitong hinawakan sa kamay. Nanginginig parin ito kaya kahit ayaw kong hawakan ang kamay nito ay hinawakan ko rin ito pabalik.
" I'm sorry.. I'm sorry baby.. please! Patawarin mo ako." Pagputol nito sa katahimikan naming dalawa. Umiiyak na rin ito habang nakatingin sakin, hindi ako makatingin sakanya ng diretso ng hindi rin nakakaramdam ng awa kaya imbes na titigan ay napapikit ako ng mariin bago bumuntong hiningang inalis ang pagkakahawak nito sakin. Minulat ko ang aking mga mata bago ito tinignan.
Nagulat ito sa ginawa ko pero tanging blangkong tingin lang ang ginawad ko pabalik sakanya bago iniangat ang dalawang palad patungo sa pisngi nito. Hinaplos ko yon bago siya pinakatitigan ng maigi.
Ang lalaking pinakamamahal ko, kahit siguro gaano kalaki ang naging kasalanan niya sakin nagiging marupok parin ako.Ngayon na rin siguro ang tamang oras para tanungin siya o malaman ang totoo talagang dahilan kung bakit niya ito ginagawa.
" Gusto ko lang alamin ngayon din kung ano na ba ang plano mo sa relasyon natin." Tho, bigla kong naalala iyong sinabi ko kanina sakanyang malaya na siya. Wala na kasi akong ibang maisip, dala narin marahil ng matinding sakit, selos at galit... Pero kahit na ganon, kalaunan ay pinag sisisihan ko na sinabi ko pa yon sakanya.
Hinawakan naman ako nito sa mga kamay ko na hanggang ngayon ay nasa pisngi parin nito. Pumikit ito na tila dinadama ang bawat init sa aking kamay. Maya maya pa'y muli na namang pumalong ang luha sa mga mata nito kasunod ng pag hagulhol nito nang iyak. Tiim bagang akong pinilit na wag mag padala sa emosyon niya.
" Gusto kong ibalik i-iyong dati nating pag sasama baby.. please!! Patawarin mo ako sa ginawa ko sayong pananakit.. s-sorry kasi nasaksihan mo ang bagay na hindi ko naman talaga ginagawa.. sorry kung tinitikis kita para makita lamang na nasasaktan ka.. baby, nung mga araw na nauna na kaming umuwi nila mito galing sa tokyo, balak ko lang talaga na mag palamig at alisin ang bigat na nararamdaman ko sa aking puso, iyong sinabi ko na mag uusap tayo pag balik mo sa kanagawa. Totoo din iyon na gusto kitang makausap talaga.. p-pero nung araw ring iyon ay dumating ang mga magulang mo sa bahay namin, si miyuki ang nakausap ng mga magulang mo dahil umalis nga ako para puntahan ka sa bahay niyo pero..." Muli itong napaiyak kaya yinakap ko na ito ng mahigpit bago hinaplos haplos ang likod. Mahigpit naman itong gumanti sa pagyakap sakin.
Paunti unti ay tila natutunaw ang yelong binalot ko para sa sarili ko. Sa minutong ito gusto kong maiyak sa sakit dahil hindi patas ang nangyayari saming dalawa, bakit palaging kami nalang ang nagkakaroon ng mabigat na problema?
" H-hush baby.. hindi mo naman kailangang pilitin pa ang sarili mo na sabihin sakin ang lahat, dahil ngayon, alam ko na kung ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit mo nagawa iyon sakin.. may kutob na ako nung una na may kinalaman sila sa nangyayari pero binalewala ko parin." Umiling ito sakin bago ito umalis mula sa pag kakayakap sakin.
" Baby.. sorry, hindi ko intensyong saktan ka at iwan.. pero mapapahamak si miyuki kapag ginawa ko pa ang pakikipag kita sayo.. matapang ako sa lahat ng bagay at kaya ko ring ipaglaban ka, pero sa pag kakataong iyon hindi ko kaya ang kalaban ko.. mahina ako pagdating sa inyong dalawa at hindi rin ako makapili pero sa huli inisip ko na marami namang umaalalay sayo at mag babantay, kumpara sa kapatid ko na nag iisa nalang na pamilya ko. Sorry baby, I'm so sorry." Humihikbing paghingi nito ng tawad sakin. Inalis ko ang luha sa mga mata nito bago ito nginitian, umiling ako bago ito yinakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...