MITO POV
TSS!
NAKAKAINIS!
Bat ba kasi nagkanda letse letse ang araw na ito, nasabi ko tuloy na si hanna ang gusto ko. Paano kung masabi niya ito kay hanna or worst ay kay sakuragi pa, wala akong intensyong makagulo pa sa nangyayari sa kanila ngayon. Dahil Habang tumatagal palala ng palala ang nangyayari, hindi ko na alam kong saan patungo ito.
Muli kong tinignan ng seryoso si macy na ngayon ay gulat na gulat sa aking sinabi. Bakas sa mukha nito ang pagkalito habang nakatingin sakin, napahawak ako sa aking ulo bago ito nilapitan para hawakan sa magkabilaang balikat.
" Please.. macy! Nagmamakaawa ako sayo, Wala sanang makakaalam ng mga sinabi ko sayo ngayon, hindi dapat iyon malaman ni sakuragi. O ni hanna dahil baka lalo lang magkagulo ang lahat." Pagpapaintinding sabi ko. Pero tila binging nakatingin lang sakin si macy.
Nakatingin parin ito sakin ng deretso at pagkaraan ay iniyuko nito ang ulo. Inalis ko naman ang kamay ko sa balikat niya at dalawang beses na umatras. Maya maya pa ay bigla itong tumawa ng mahina kasabay ng dahan dahan nitong pag angat ng kanyang ulo. Gone the innocent face of her!
" Tignan mo nga naman ang pagkakataon oh! Hindi ko inaasahan na sakin papanig ang tadhana ngayon. Hinuhuli lang naman kita pero kumagat ka naman. Sa tingin mo ba ikaw ang gusto ko? Ha! Hindi no, bumalik ako dito para kay sakuragi dahil siya lang naman ang kailangan ko. I'm just using you para mapalapit sa hanna na yon, pero hindi ko akalain na ang pagkakagusto mo pala sakanya ang makakatulong sakin para malapit kay sakuragi.." Nakangising saad nito. Nablangko naman ang utak ko sa naging reaction nito at maging sa sinabi nito. Wala na kanina ang maamong macy na kausap ko kanina. Hindi ako makapaniwalang pinaglaruan niya ako, na ginamit niya lang ang paglapit sakin para kay hanna. Tss, alam ko naman talaga sa simula palang hindi na talaga maganda ang idudulot ng babaeng ito pero umasa parin ako na baka mabait siya at mapagkakatiwalaan. But I was wrong!
" Ano bang gusto mo?" Tanong ko.
" Ang kunin na ng tuluyan si sakuragi. Dahil sa una palang naman, sa akin siya. Dahil Matagal ko na siyang gusto, simula pa noong mga bata palang kami. Siya na ang tagapag tanggol ko at pinangakuan niya rin ako na ako lang ang babaeng mamahalin niya, pero nang mabalitaan ko na may girlfriend siya sa kanagawa. Lumawas kaagad ako at naghintay ng pagkakataon na makalapit man lang sa babaeng iyon."
" Bakit? Ano bang binabalak mo na masama kay hanna?" Ngumisi ito sakin kaya naiiritang hinablot ko ito sa braso niya.
" Oh! Oh! Oh! Wag masyadong magalit baka ako'y pumitik at masabi ko sa kanila ang lihim na pilit mong ipinatago sakin." Nakangising sabi nito sakin. Hinawakan ako nito sa pisngi kaya Galit na iwinaksi ko ito paalis saakin.
" Subukan mong saktan si hanna, dahil kahit babae ka, Papatulan Kita." Malamig ang boses na Saad ko. Sumeryoso naman ito at deretso akong tinignan sa mga mata.
" Don't threaten me! Dahil sa kasong ito ako ang may hawak ng alas sa ating dalawa. Isang salita ko lang sira ang pinakainiingatan mong pagkakaibigan. So, wag mo akong simulan." Matigas at may diing sabi niya dahilan para mas lalo lang akong makaramdam ng Galit para sakanya.
" Tss. Ang usapan ay titigilan mo si hanna." Saad ko, tumango ito.
" Sure. Pero may kapalit. Tutulungan mo akong mapalapit ng tuluyan kay sakuragi." Aniya. Na siyang kinalaki ng mga mata ko.
" Nasisiraan ka na ba ng ulo? Si hanna at sakuragi Mahal na Mahal Nila ang isa't isa. Nagkaproblema lang sila ngayon pero babalik sila sa isa't isa." Anas ko.
" Wala akong pakialam. Gawin mo ang inuutos ko para hindi Tayo magkagulo gulo dito."
Napahilamos ako sa aking mukha at wala sa sariling napatango.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanficKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...