(A/n: expect grammatical error at typos, votes and comments is highly appreciated.)
" Mom, dad!?" Bulalas ko ng makita kong kakatawid palang nila sa kabilang kalsada. Anong ginagawa nila dito? Akala ko ba nasa amerika sila dahil sa business.
" May problema ba?" Tanong ni sakuragi na may pag aalala sa boses. Tumikhim ako at umiling habang nakatingin sa papalayong bulto ng aking mga magulang. Tinignan ko ito at tipid na nginitian.
" Wala naman po, tara na." Saad ko bago muling naglakad at bahagya itong hinala. Naramdaman ko ang panaka naka nitong tingin mula sa aking gilid kaya napangiti ako sa kanya para hindi na siya mag alala at mag isip pa.
" Akala mo ba hindi ko alam na peke ang mga ngiti mong yan." Napapabuntong hiningang saad nito. Napaiwas ako nang tingin sakanya bago natahimik at hindi nalang umimik pa sa sinabi nito. Alam ko naman na mahahalata niya na peke lang ang ngiti ko eh, pero sinubukan ko parin dahil ayoko naman na mag alala pa siya sakin.
" Sorry." Tanging na sabi ko.
Nang makarating kami sa Inn. Na tinutuluyan namin, nakita namin ang ilan sa labas na mukhang naghihintay din sa pag dating namin. Unang nakapansin samin sila haruko at ayako.
" Hanna?! Okay kana ba?" Nag aalalang tanong ni haruko sakin.
" Hm. Opo, okay na ako." Ngiting sagot ko. Napatingin kami sa sliding door ng bigla iyon bumukas. At iniluwa non si coach anzai na nakatingin samin ni sakuragi.
" Pumasok na kayo at nang mapag usapan na ang nangyari." Saad ni coach na kinatango nalang namin. Bigla tuloy akong dinapuan ng kaba dahil doon, bakit parang may kakaiba akong pakiramdam sa oras na tumapak kami sa kwartong iyon.
" Hey baby, wag kang mag alala, nandito naman ako, hindi po kita papabayaan." Malambing ang boses na saad nito na siyang kinatili nila haruko at ayako na mukhang narinig ang sinabi ni sakuragi.
" Sana all hindi pinapabayaan." Pag paparinig ni koshino kaya natawa kaming lahat sa sinabi nito.
Nauna namang pumasok si sakuragi sa loob bago ako sumunod. Nang tuluyan ng makapasok, nakita ko sila coach anzai at sila tsuchiya maging si itakura na masama ang tingin kay sakuragi. Sinulyapan ko si sakuragi na matalim rin ang ipinupukol nitong tingin kay itakura, tumikhim naman si coach anzai para maalis ang namumuong tensyon sa dalawa. Nang makaupo kami, hinila pa ako ni sakuragi palapit sa kanya at malayo kila itakura.
" Okay. Bago natin pag usapan ang totoo talagang nangyari, itatanong ko lang sainyo tsuchiya kung bakit nalaman niyo ang tinutuluyan namin?" Panimulang tanong ni coach anzai. Tumikhim naman si tsuchiya bago ito nagsalita.
" Magkatabi lang po ang Inn na tinutuluyan niyo sa amin kaya nang makita naming pauwi na silang lahat, sumunod po kami para malaman kong saan din sila tumutuloy." Napatango naman si coach anzai.
" Ano ba talaga balak niyo kay hanna? Bakit niyo ito ginagawa?" Tila naguguluhan din tanong ni coach sa mga ito. Napalunok naman si tsuchiya, samantalang si itakura naman ay nakangisi lang.
" Ang totoo po kasi niyan, kay sakuragi lang po talaga kami may sama ng loob. Nadamay lang si hanna dahil nakikita naming siya ang kasiyahan ni sakuragi... b-balak po sana naming gamitin siya upang makalamang kay sakuragi." Hindi ko alam kong ano ba mararamdaman ko matapos marinig ang sinabi nito. Napaka immature nilang mag isip, ginagawa nilang big deal ang mga nangyari sa kanila sa laro.
" Kung ganon, alam niyo naman siguro kung ano ang kahihinatnan ng ginawa niyo." Saad ni coach anzai. Napatango naman si tsuchiya pero si itakura mukhang walang balak makipag areglo dahil sa nakangisi ito.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...