chapter 67

129 10 3
                                    

"Kuya!?!" Tawag ko. Nagulat ako dahil sa biglaan nitong pagpasok sa gate, mukhang nagulat din ito nang makita ako. Nang mapatingin siya kay sakuragi ay doon kumunot ng todo ang noo niya.

Dumeretso din ito sa gawi namin, halata sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nakikita.

" Anong ginagawa mo dito? Di'ba dapat nasa bahay kana?" Malamig ang boses na saad ni kuya sakin, ngunit nakatingin naman kay sakuragi ng matalim.

" Kuya, uuwi rin naman ako maya maya.. pinuntahan ko lang talaga dito sila mr. Satoshi para mangamusta, tapos... Nakita ko si sakuragi." Sagot ko. Eh sa totoo naman ang sinabi ko ah! Nakita ko si sakuragi kaya ako pumunta dito.

" So.. kailan pa kayo naging close ulit? Nagkabalikan na ba kayo?" Pasarkatismong tanong ni kuya. Bat ba Galit na Galit siya kay sakuragi?

" Kuya, ano ba! Wala naman kaming ginagawang masama ah! Ano naman kung kami na ulit?" Matapang na saad ko. Pero sinamaan lang ako nito ng tingin, wag niyang sabihin na katulad din siya nila mommy at daddy na against sa aming dalawa?

" Tigilan mo ako hanna, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang padalos dalos sa mga desisyon mo. Kaya ka madaling nasasaktan e." Ouch Naman! Alam ko naman na mali ito, pero kasi.. anong magagawa ko, handa namang magbago si sakuragi para akin. Ginagawa niya nga ang lahat para matanggap lang siya nila mommy.

" Kuya, Mahal ko si sakuragi at kailanman hindi iyon nagbago.. tsaka nandito siya dahil totoong gusto niya ng magbago para samin. Para matanggap siya nila mommy at daddy. Wala na ba siyang karapatan magbago?" Humarang ako mula sa gitna nila dahil malapit na si kuya rukawa kay sakuragi.

" Pinoprotektahan lang kita na wag masaktan ulit." Laban pa niya.

" Alam ko kuya, kaya nagpapasalamat ako sayo ng sobra. Pero malaki na ako at alam ko na ang ginagawa ko." Mas lalo lamang kumunot ang noo nito. Muli nitong tinignan si sakuragi ng masama kaya mas hinarang ko sarili ko.

" Kung ganon... Patunayan niya mismo sakin iyang pinag mamayabang niyang pagbabago. Madami akong alam sayo sakuragi at sa oras na malaman iyon ni hanna.. sa tingin mo hindi mo siya masasaktan?" Matigas at buong buo ang boses na sabi ni kuya.

" Wala na akong tinatago sakanya rukawa, kung ano man iyang sinasabi mo na may alam ka tungkol sakin. Sige, sabihin mo sakin o kay hanna ngayon din, kung ano man ang magiging desisyon niya matapos marinig ang sinabi mo. Pangako rerespetuhin ko yon. Pero sa oras na matanggap niya parin ako, Sana respetuhin mo rin ang nararamdaman ng kapatid mo.. kahit iyong sa kanya nalang.."

Ngumisi si Kuya bago nailing.

" Gunggong. Parang pinapahiwatig mo tuloy ngayon na ako na ang pinaka masamang tao. Tss. Ginagawa ko lang ito dahil mahal ko ang kapatid ko."

" Alam ko. Hindi ka naman magkakaganito kung hindi dahil kay hanna. Parihas lang Tayo, ginagawa ko ito para kay hanna."

" Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo.." bumaling si kuya rukawa sakin
" Umuwi kana." Malamig ang boses na utos nito sakin. Tumango Naman si sakuragi ng tumingin ako sa gawi niya.

" Sige na. Umuwi kana at mag pahinga, bukas babalik na ulit ako sa school." Ngumiti ako sakanya bago tumango.

" Kuya, tigil kana ha?" Paalala ko pa.

" Tss. Mas pinagkakatiwalaan mo talaga siya kesa kapatid mo no?" Err. Ngumisi lang ako bago nagpaalam na aalis na.

Sa huling pagkakataon, tinignan ko sila bago naglakad palayo. Huminto ako at nag abang ng taxi, dederetso ako work nila daddy, makikiusap ako na wag nilang pahirapan si sakuragi.

" Saan po tayo ma'am?" Tanong 'nong driver sakin.

"Hayashi corporation po, kuya." Sagot ko pabalik. Tumango naman ito at nag simula na sa pag mamaneho.

oras na rin siguro para kausapin ang mga magulang ko sa bagay na ito, hindi na ako matatakot na harapin sila dahil katulad ni sakuragi ipinag lalaban niya rin ako kahit alam niyang ayaw sakanya ng mga magulang ko. Hindi ako makakapayag na hindi siya matatanggap nila mommy at daddy.



Nang makarating sa hayashi corporation ay agad siyang nakita ng mga empleyado doon at agad na binati at niyukuan, ramdam din ng mga ito na hindi maganda ang mood niya kaya agad itong lumabas sa elevator.


mula sa 38th floor kung saan nandoon ang office ng kanyang mga magulang, nakita niya pa ang secretary ni daddy na abala sa computer nito marahil ay may ini'encode na naman ito doon dahil sa panibagong investment na gustong makipag merge samin.


Nang makita siya ng secretary ng kanyang daddy ay agad itong napatayo at napayuko bilang pagbati sakanya.



"Magandang hapon miss hanna!" Bati nito


"Hello po, nasa loob ba si daddy?" Tanong niya dito



"Paumanhin miss hanna, ngunit sa kasalukuyang ito ay nasa loob siya ngayon ng conference room dahil sa ka business meeting nito." Napatango si hanna at nag paalam sa secretary na mauupo nalang siya sa waiting louge na malapit sa pintuan ng opisina.


Malawak ang buong 38th floor na opisina ng kanyang daddy, black,white and gray ang kulay ng dingding at maging ang mga furniture ay ganon din.


"Miss hanna? Gusto niyo po ba ng maiinom?" Tanong ni ateng secretary


"oh! Yes please, iced tea nalang po." Sagot nito sa secretary, habang nag hihintay si hanna ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad lakad doon.


Malawak ang salamin kaya kitang kita ang nag lalakihan din nabuilding mula sa kabila, skycraper na nagdudugsong sa magkabilaan, napaka ganda nitong pagmasdan mas lalo na kapag magdidilim na dahil tila christmas light itong kumukuti kutitap sa taas.


Ang alam ko sa may ari ng dalawang magkadugsong na building na ito ay may nawawala silang anak na lalaki, at itong building na pinagawa nila ay iginuhit pa ng kanilang anak bago ito mawala.


Hanggang ngayon ay hinahanap parin nila ang anak nila kaya nakakaawa lang dahil ilang taon marahil iginugugol nila ang oras sa pag tatrabaho para sa kanilang anak.



"miss hanna, ito na po ang iyong inumin." Anas ng secretary na pinutol ang kanyang momentum.


"Salamat." Tugon niya rito bago tinungo ang upuan kung saan may glass table doon.. sa kabila naman ay may mahogany table and chairs din kaya napaka ganda talaga ng disenyo ng opisina ng kanyang daddy.



"Ate, anong oras ba matatapos ang meeting ni daddy?" Tanong ni hanna dahil hindi na talaga siya mapakali.



"30 minutes pa po miss hanna, pwede naman po kayong pumasok sa loob ng opisina at doon na lamang mag hintay." Tumango si hanna at tumayo na mula sa pagkakaupo nito..


Doon ko nalang nga hihintayin si daddy, matagal pa naman matapos ang bawat meeting non.



****
(A/n: HI! SA NAPAKATAGAL NA PAG HIHINTAY, NAKAPAG UPDATE DIN SA WAKAS.. AKALA KO HINDI KO NA ITO MADADAGDAGAN PA. HAY! ANYWAY! THANK YOUUU. GODBLESS YOU)

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon