chapter 68

169 11 8
                                    

Pagkapasok ni hanna sa opisina ng kanyang ama ay agad siyang dumeretso sa swivel chair, pinatong niya ang baso sa lamesa at nagtingin tingin ng mga papeles na nakakalat sa lamesa ng kanyang daddy.

Kumuha ito ng isa at binuklat ito, halos maduling ito dahil iba sa inaasahan niya ang makikita nito, ang daming numbers at graphs na nasa papeles, halos maduling si hanna dahil doon kaya imbes na halungkatin pa ang ibang papers ay isinauli niya na lamang. Hanggang sa magawi ang paningin nito sa isa pang table, may mga album Doon na mukhang silang family ang laman kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Bakit naman may album si daddy dito? Ang alam ko ayaw na ayaw niyang nakalabas mga ito dahil importante ito sakanya." Pagtatakang Anas ni hanna bago kinuha ang isang itim na album at tila slow motion'ng binuksan ito.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makitang si...

"HANNA!!" Napabitaw si hanna sa pagkagulat mula sa amang sumigaw kaya ang hawak nitong album, ay nahulog mula sa sahig, Dali Dali namang lumapit ang ama para pulutin ito bago tumingin sa anak.

"Bakit mo pinakialaman ang bakit ko, diba sinabi ko nang wag kang hahawak ng kahit na anong bagay na nasa loob ng opisina ko?" Gulat na gulat si hanna sa inaasta ng ama ngayon, ngayon lamang kasi nito nakita ang galit sa mga mata nito.

"Daddy, what's wrong? Bat kinagagalit mong binuksan ko ang album na yan, album lang naman yan." Anas ni hanna dahilan para makatanggap siya ng malakas na sampal mula sa ama.

Napahawak si hanna sa pisngi dala ng kirot at gulat dahil sa kauna unahang beses na ginawa ito ng kanyang ama sa kanya.

"A-anak! P-patawad.. Hindi ko sinasadya!" Garalgal na sabi nito, hahawakan niya na sana si hanna ng umatras ito palayo sa ama.

"Dad, Hindi ko maintindihan kung ano ba iyong Ikinagagalit mo, tinignan ko lang naman iyong album, ano bang masama sa ginawa ko?" Lumuluhang anas ni hanna sa harapan ng ama, tila lumambot ang expression ng ama bago muling hahawakan si hanna ngunit umatras ulit ito palayo.

"H-hindi sa ganon anak, importante lang talaga ito sakin. Lahat ng mga gamit na nandito ay importante sakin." Pagak na natawa si hanna bago nailing.

"Talaga ba dad? Importante? Bakit balak niyo bang saktan si sakuragi ha? Nakita ko ang litrato niya sa loob ng album na yan. Dad! Iyong taong balak niyong saktan, mahal iyon anak niyo. Mahal na mahal ko iyon." Umiiyak na Anas ni hanna

"Matagal ko nang sinabi sayo, tigilan mo ang lalaki na yan. Wala siyang magandang idudulot sayo. Anong mahal mahal na pinag sasabi mo, bata ka pa para maramdaman ang bagay na imposible para sa edad mo." Anas ng ama na medyo tumataas na naman ang boses. Naiiling na pinunasan ni hanna ang pisngi bago ngumiti sa ama.

"Mali ka po, dahil itong taong kinamumuhian niyo ay ang taong bumubuo sa pagkatao ko. Siya iyong pumupuno ng pagmamahal na Hindi niyo maibigay ng tama ni mommy, siya lang iyong nandyan sa twing kailangan ko ng karamay. Kaya daddy, sa oras na malaman ko na sinasaktan niyo ni mama si sakuragi, ako na anak niyo ang gagawa ng paraan para pabagsakin kayo." Malamig at punong puno ng kaseryosohang Anas ni Aki.

"Aba't, talaga bang harap harapan mo akong babastusin, ako na ama mo nang dahil lang dyan sa basagulero mong kasintahan. Anong pinagmamalaki mo ha? Eh wala ka pangang kakayahang buhayin sarili mo tapos kakalabanin mo na ako." Galit na sigaw ng ama

"Hindi na ako bata daddy, at mahal na mahal ko rin kayo ni mommy pero oras na siguro para ipaalam sainyo na bata pa lang ay alam ko na meron akong sariling pera na ipinamana sakin ng Lolo at Lola, Hindi niyo iyong pwedeng pakialamanan dahil sakin lahat iyon nakapangalan. Hindi ko ito sinasabi sainyo dahil gusto ko ng marebelde mula sa pamilya natin, sinasabi ko ito dahil... Mahal na mahal ko ang taong balak niyong ipahiwalay sakin. Kaya patawad!" Anas ni hanna, gulat na gulat naman ang ama sa narinig at halos Hindi makapag salita dahil sa narinig mula sa anak.

"Aalis na po ako, daddy." Anas ni hanna bago tumalikod at naglakad na palabas ng opisina. Nakita niya ang secretary ng ama na nag aalala ang expression.

"Okay lang ba kayo, ma'am?" Nag aalalang tanong nito kay hanna.

"Wag niyo po akong alalahanin, dalhan niyo nalang po sa loob si daddy ng maiinom na gamot.. Pakitawagan din si mommy. Sige po, aalis na alo." Anas ni hanna bago naglakad ng mabilis palayo.

[ RUKAWA POV. ]

'Talaga naman oh! Hanggang ngayon ay wala parin ang batang iyon.' Anas ni rukawa sa kanyang isipan.

Hanggang sa marinig niya ang pag bukas ng gate ng kanilang bahay, nakapamulsang inabangan niya ang kapatid mula sa pintuan ng bahay.

"Anong oras na bat ngayon ka lang? Diba sinabi ko sayong umuwi kana?" Bungad na Saad ni rukawa

Napansin niya na mukhang wala sa mood ang kapatid, napatingin din siya sa namumula nitong pisngi ng dumaan ito sa gilid niya na parang Hindi man lang siya nakita.

Hinawakan niya sa braso si hanna upang matigil ito sa paglalakad, automatic na napatingin si. Hanna sa kanya ng walang kaemo emosyong mga mata kaya bahagya pang nagulat si rukawa doon.

"Sinong may kagagawan nito sayo?" Seryosong tanong ni rukawa sa kapatid.

"May magagawa ka ba sa oras na sabihin ko sayo kung sino?" Walang ka buhay buhay na Saad ni hanna.

"Wag mo akong sagutin ng isang pang tanong, seryoso ako. Sino ang may kagagawan niyang nasa pisngi mo?" Malamig ang boses na Saad ni rukawa, napabuntong hininga na lamang si hanna at pagkaraan ay sabay sabay na bumulusok ang luha sa mga mata nito.

Nagulat si rukawa doon kaya agad niyang itinaas ang mukha ng kapatid pa harap sa kanya, napatiim bagang na lamang siya sa nakitang pangingitim non.

"Hanna! Isang tanong, isang sagot. Sino. Ang. May. Kagagawan. Niyang. Nasa. Pisngi. Mo?" May kadiinang Saad ni rukawa sa kapatid na humihikbi hikbi na lamang sa harapan niya.

"Si sakuragi ba?" Napailing si hanna

"H-hindi niya iyon magagawa sakin kuya." Saad ni hanna

"Then, Sino nga?" Naiinis nang sigaw ni rukawa sa kapatid

"Si... Daddy, si daddy kuya ang may kagagawan niyan sakin."

****
(A/n: bukas nalang ulit or sa susunod na bukas.. Thanks sa support guys!)

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon