(A/n: Kakatapos ko lang manuod kanina ng boruto episode 218, hindi ko inexpect na yon na pala ang katapusan ni kurama. T__T parang may bahagi sa pagkatao ko ang namatay matapos mapanuod yon. Edad 13 ako nagsimulang manuod ng naruto, sobrang GANDA niya na halos paulit ulitin ko na ang panunuod. Pero dito lang ako sa boruto sobrang nasaktan, nawala na ang bestfriend ni naruto. We will miss you, kurama! T.T
(Naruto shippuden is the best)
#nagluluksapaako
#Waa,kainis___
Ramdam ko ang naguumapaw na galit na nararamdaman ni sakuragi habang hila hila niya ako palayo. Ang hawak rin nito mula sa pulsuhan ko ay medyo mahigpit kaya napapangiwi ako, hindi ko nalang pinansin pa iyon dahil mas nag aalala ako sa maaaring mangyari. Paano kong tutuhanin niya ang banta niya kanina, marami na siyang pinag daanan, matitigil ba yon dahil lang sakin?
Bahagyang sumikip ang dibdib ko, nang mapagtanto na baka ganon nga ang gawin niya at hindi ako makapapayag sa gusto niyang mangyari kung sakali, kaya buong pwersa kong hinila ang kamay ko sa kamay nitong mahigpit parin ang kapit sakin. Bahagya itong nagulat sa biglaang hila ko kaya...
Salubong parin ang kilay nito ng harapin ako. Napalunok ako bago ito tinignan ng diretso sa mga mata nito.
" Hanna? Uuwi na tayo, tara na." Utos nito sakin, napakagat labi ako bago umiling. Ayoko! Baka kasi tutuhanin niya sinabi niya kanina.
" Wag kang gagawa ng gulo sakuragi. Wag mo itong gawin para lang sakin, madami ka ng pinagdaanan sa paglalaro mo." Anas ko, seryoso ang boses na saad ko. Nakita ang pagdaan ng galit sa mga mata nito at tinignan ako na parang hindi makapaniwalang nasasabi ko ito sakanya.
" Naririnig mo ba mga sinasabi mo, hanna? Ikaw ang mahalaga para sakin, hindi ko maintindihan kong bakit inaalala mo parin ang paglalaro ko." Tila nahihirapang saad nito habang naiiling na nakatingin sakin.
" Okay lang naman ako eh! Wala naman nangyari sakin--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magulat ako ng hablutin ako nito sa magkabilaang balikat. Hindi naman mahigpit iyong pagkakakapit niya pero nakaramdam parin ako ng takot. Takot sa maaari nitong gawin.
" Bakit mo sakin sinasabi ang bagay na yan sa harapan ko na parang bang hindi ka mahalaga para sakin. Hanna? Desisyon ko ang protektahan ka kahit na kapalit non ang paglalaro ko ng basketball. Dahil... nang makilala kita alam ko sa sarili ko kung saan talaga ako magiging masaya." Umiling ako sa kanya bago inalis ang pagkakahawak nito sa balikat ko. Nakita ko ang gulat na dumaan sa mukha nito bago ako tinignan ng mariin.
" Hindi ka aalis sa paglalaro sakuragi. Hindi ka makikipag away dahil lang sakin, naiintindihan mo ba ako?" Pinalidad na saad ko na kinailing nito. Umatras ito ng dalawang beses bago nito inihilamos ang palad sa mukha. At pagak na natawa!
" Hanna, GIRLFRIEND kita. Wag mo naman sanang alisin sakin ang responsibilidad bilang boyfriend mo. Alam mo, hindi ko alam kong saan na patungo itong pag uusap na ito, kaya mas mabuting itigil na natin ang pag uusap na ito." Anas nito. Bago ito naglakad palayo at iniwan ako, sorry sakuragi, mas importante para sakin ang kasiyahan mo, kesa isipin ang kapakanan ko.
" Hindi mo dapat sinabi iyon sakanya na galit siya. Dahil mas dinagdagan mo lang ang problema." Napalingon ako kay mito na seryosong nakatingin sakin. Napaluha ako at napayuko, kasalanan ko ba?
" Ginawa ko lang yon para hindi siya maalis sa laro." Saad ko. Bumuntong hininga naman ito bago ito lumapit sa gawi ko.
" Kilala ko si sakuragi, kapag sinabi niya gagawin niya talaga iyon... mas lalo na kapag may importanteng tao para sa kanya ang involved gagawin niya ang lahat para doon. Kahit na maubos pa siya, mahalaga ang basketball para sakanya dahil kaligayahan niya yon eh. Pero nang dumating ka sa buhay niya, nagbago ang pananaw niya sa buhay.. dahil hindi lang sa paglalaro ng basketball umiikot ang buhay niya, kundi sayo na rin hanna." Mas lalo lang akong napaiyak matapos marinig iyon mula kay mito. Yun na nga ang inisip ko kanina, mas priority ko ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...