chapter 59

170 13 4
                                    

HANNA POV

nagsimula na akong maglakad ng makalapit na yong dalawa sa gawi ko. Nagulat pa ako ng kunin ni fujima ang gamit ko mula sa aking balikat, nakangiti ito sakin habang pinapauna ako sa paglalakad nasa harapan si mito pero alam kong nakikiramdam siya sa aming dalawa. May kakaiba akong pakiramdam ngayon dito, may kung anong planong naganap bago nangyari ito.

" Hanna?" Pukaw na saad ni fujima sakin. Napatingin ako sakanya na may pagtatanong.

"Hmm?" Tugon ko bago binalik sa daan ang paningin. Nakita ko kung paano humina ang paglalakad ni mito na hindi naman napansin ni fujima.

" Sorry nga pala sa inasta ko nung nasa tokyo tayo, hindi ko intensyon na gawin iyon para ipressure ka. N-nagipit lang talaga ako sa sitwasyon na ginawa ng mga magulang mo samin." Alam ko na mabait talaga si kenji, noon pa man ay mapapansin mo na talaga ang pag aalaga sa mga taong nasa paligid niya. Bukod doon ay napanuod ko rin ito sa pag lalaro noon ng basketball at masasabi ko na napakagaling niya talaga, nag babago din ang mood nito kapag usapan ay ang pag lalaro.

Kung hindi ko lang nakilala si sakuragi at minahal, mayroon chance si Fujima para sakin. Pero.. sadyang si sakuragi talaga ang nakapag puno ng puso ko, siya lang ang nakapag patibok ng puso ko ng mabilis.

" Naiintindihan ko Naman, Ken. Pasensya na ha? Kung pakiramdam mo ay iniiwasan kita. Sadyang mahirap lang talaga para sakin gawin ang gusto nila mommy." Pagpapaliwanag na sabi ko. Napangiti naman ito sakin bago nahihiyang napakamot sa ulo.

" Ang totoo niyan, gusto talaga kita. Kaya lang alam ko naman na wala akong pag asa kaya... Gugustuhin nalang kita kahit sa malayo. At paunti unti ay makalimot din ako. Sana... Magkaibigan parin tayo kahit umabot pa ng ilang taon." Huminto ako sa paglalakad bago siya nginitian.

Yinakap ko ito bilang isang kaibigan. Nag papasalamat din ako na hindi niya na pahihirapan pa kaming dalawa.

" Thank you so much! Ken, pangako kaibigan mo parin ako kahit na umabot pa ng matagal." Nakayakap parin na saad ko.

Nagulat nalang kami ng bigla nalang may dumanggil sa braso ni fujima. Nasama ako sa lakas ng pwersa non kaya muntikan na kaming mapahiga.

" Hanna? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Ken sakin matapos nitong kumalas sa pag kakayakap ko.

" U-uhm. O-oo, okay lang ako." Saad ko sa nauutal. Nakita ko si sakuragi na masamang nakatingin sa gawi namin bago umalis at nag lakad na palayo.

" Tss.. napaka..." Singhal na anas ni fujima bago tinignan ng masama si sakuragi na sobrang layo, na halos hindi na namin matanaw.

" Ayos lang naman ako.. salamat." Nakangiting sabi ko. Bago muling tinanaw ng tingin ang direksyon na dinaanan ni sakuragi subalit ni anino nito ay hindi na nakita.

Sakuragi? Wag mo naman sana akong pahirapan pa sa mga ginagawa mo. Kung talagang mahal mo si macy... Dapat hindi kana nag papakita ng dahilan upang mas lalo lang akong maguluhan.

" Ken? Ano ba talaga plano niyo ng kuya ko?" Curious na tanong ko. Mukha naman nito ay tila naguluhan sa sinabi ko kaya imposible na wala itong alam sa planong nagaganap o sadyang magaling lang ito na mag tago.

" Wala naman sinasabi si rukawa sakin na kakaiba. Ang alam ko lang ay pinapapunta niya ako dito para ihatid ka." Oh! Ihatid ako? Akala ko ba si mito ang gagawa ng bagay na yon? Naku naman kuya!

" Pasensya na sa pag singit sa usapan niyong dalawa. Pero narinig ko kasi iyong huli mong sinabi na ikaw ang mag hatid kay hanna. Pero ako ang sinabihan niya na gawin ko yon." Pagpapaalam ni mito kay fujima.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon