Chapter 1:Lunch time
Nasa labas na ako ng classroom, at urong sulong sa pagdedesisyon kung aalis ba sa pwesto o hindi. Nagugutom na ako pero pinangungunahan ako ng kaba ko, hindi ko alam kong kaya ko bang makita si sakuragi o hindi. Paano kung kasama niya na naman si haruko?
Eh! Bakit kaba nagkakaganyan hanna, nagsisimula ka palang naman sumusuko kana agad. Pagsita ko sa sarili kaya para akong tangang atras at abante kaya nagmumukha akong sumasayaw dito. Waaaa, nakakainis.
" Natuluyan na nga." Napatingin ako mula sa likod ko ng marinig ang boses ni rukawa. Anong ginagawa ng isang to' dito?
" anong ginagawa mo dito? Wala kabang practice?" Tanong ko, hindi naman ako nito sinagot kaya napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Bastos ang isang to? Walang manners.
Nagsimula na itong maglakad at nakakatatlong hakbang palang ay bumalik ito sa pwesto nito kanina kung saan malapit ako at sabay hila sakin mula sa kamay ko. What the!?
" Ano ba?!" Gulat na sabi ko sabay hila ng kamay ko. Pero mahigpit ang kapit nito sa pulsuhan ko kaya napangiwi ako.
" sumama ka nalang sakin." Okay? At bakit? Close ba kami para sumama ako sa kanya. Atsaka, iniiwasan ko nga na magkasulubong kami ni sakuragi, tapos ito naman si hila. Kainis!
" Bakit mo ba ako kinakaladkad?" Inis na talagang tanong ko dito. Natigilan ito ng ilang segundo bago nagkibit balikat.
" Wala lang." Ay ang galing. Matapos akong hilahin, wala naman palang dahilan. Ayoko nga ring sumama sakanya ehhh.
" Aware ka naman siguro na maiksi lang ang binti ko. Kung makakaladkad ka naman diyan akala mo kasing tangkad mo ako." Inis na sabi ko pa kaya narinig ko itong ngumisi kaya mas nakaramdam ako ng irita. Ano ba iyan?
" Hindi pa kita kilala, pero napukaw mo na agad ang atensyon ko." Sabi nito na kinatigil ko. Ano ba siya dito? Espesyal sa school?
" Oh! Sinabi ko bang pagkainteresan mo ako. Atsaka, pwede ba? Tigil tigilan mo ako sa kakahila sakin." Sabi ko, tumigil naman ito at laking pasasalamat ko rin dahil doon. Nang tignan ko kung nasaan kami ay halos takasan ng dugo ang buo kong mukha ng makitang puros lalaki ang nasa gym. Waaa!
" Rukawa?" Takang tanong ng lalaking maliit at kulot ang buhok. Tumingin ito sakin na may pagtataka sabay tingin uli kay rukawa. Inilibot ko ang paningin sa loob at nakita ko si haruko na may gulat na expression habang nakatingin samin. Lihim naman akong napalunok ng makitang nakatingin sakin si sakuragi, nakakunot noo parin ito sabay sulyap kay rukawa kaya tinignan ko rin ito. Nakangisi siya?
" Nakakagulat? Ngayon ka lang naming nakitang nagdala ng babae." Sabi ng lalaking matangkad na katabi 'nung kulot ang buhok. Gwapo sila parihas, pero mas... mas gwapo para sakin si sakuragi.
Malungkot akong napangiti ng makita kong parang walang pakialam si sakuragi at nagsimula na itong kinausap si haruko. Tumikhim ako at tatalikod na sana ng pigilan ako ni rukawa. Ano ba kasing problema ng isang to?
" Pasensya, nalate ako. Kasama ko kasi iyong bago naming kaklase. Siya si hanna hayashi," pagpapakilala sakin ni rukawa. Nagsilapitan naman ang mga lalaki sa harapan ko. Higit nasa kinse siguro sila, ang dami talaga nila.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...