chapter 72

191 7 1
                                    


Chapter 72

...

Hapon na ng mga oras na iyon, uwian na rin ng mga students habang ang mga player ng basketball team ay naiwan para pag usapan ang nalalapit na laban sa buong kanagawa district.

Muli kasing mag kakaroong laro at iyon ay ang winter tournament kung saan doon na ipapakilala ang team na mananalo sa laban na iyon. Isasagawa ang larong iyon sa Tokyo kaya halos lahat ng mga player sa buong Japan ay required sumali. Depende na rin sa mga representative ng kani kanilang prefecture.

At dahil kabilang ang shohoku na kilala ng pinaka kinakatungguli ng mga manlalaro expected naman nilang lahat na makakasama ang grupo ng shohoku.

Iniannounce na iyon ni ayako kaya si akagi ay agad ng klinaro sa team na magkakaroon sila ng puspusang practice para sa laban nila upang makasama sa laban ng panglahatan sa Tokyo.

Sumang ayon naman ang lahat at napag pasyahan na din sanang umalis para umuwi. Subalit ang hinihingal na si kogure ay napahawak sa pintuan ng gym.

"T-teka lang, may sasabihin pa ako bago kayo umalis." Hinihingal paring ani to bago tinaas ang kamay.

"Kagagaling ko lang sa office ng dean kanina, ang sabi niya magkakaroon daw ng renovation ang buong locker room. At ang team natin, magkakaroon ng panibagong uniform. Si Mr. lee mismo ang gagastos ng mga iyon maging ang sapatos, pagkain, at kung anu pa man." Napaawang ang labi ng lahat ng marinig ang magandang anunsyong iyon.

"Shit?! Ayos to! Mas lalo tuloy akong ginanahan na maglaro." Nakangiting ani mitsui.

"Tsk! Umuwi na nga tayo, Pwede naman iyan sabihin bukas e." Masungit na panayam ni sakuragi bago nagpatiuna sa paglalakad palabas ng gym.

Tinawag pa siya ng ilan pero aburido lamang itong nagpatuloy sa paglalakad. Susunduin niya pa kasi si hanna sa classroom nito kaya dali daling tumungo doon si sakuragi.

Nasa second floor na siya ng makita niyang may kausap si hanna na lalaki at nagkakangitian pa ang mga ito sa isa't isa.

Napatiim bagang si sakuragi ng makitang hahawakan sana ng lalaki ang braso ni hanna ng umatras ang girlfriend niya.

"Sorry hanna, btw. Bukas pwede ka diba? Need ng group natin na pag usapan ang gagawing experiment para sa science subject natin."

"Ahm. Mag papaalam lang ako sa boyfriend ko if Pwede akong doon nalang sa bahay niyo.. but knowing sakuragi, hindi iyon papayag kaya mas mabuting sa bahay nalang namin kayo pumunta." Suggestion ni hanna na kinangisi naman ni sakuragi.

"Love!" Malamig ang boses na tawag pansin ni sakuragi na ikinalingon ng dalawa sa gawi ni sakuragi.

"Ikaw pala, love. Classmate ko nga pala si Trevor. May gagawin kaming group project para sa science subject namin bukas, ang sabi niya kung pwede sa bahay nalang nila but I think di ka naman papayag kaya sa bahay nalang namin ni kuya rukawa." Ani hanna, hindi natinag si sakuragi sa pakikipag titigan sa lalaki na nakikipag titigan din kay sakuragi ng matalim.

"Siraulong to, mukhang may gusto pa yata sa girlfriend ko. Tsk!" Ani sakuragi ng makita niya kanina kung paano nito gustong mahawakan si hanna.

"Sa bahay nalang kayo ng kuya rukawa mo. Mas safe kapag doon ka kasama ang mga kagroupmates mo." Tunog istriktong ani sakuragi bago tinignan ang lalaki ng masama.

Nabigla si hanna sa kasintahan at sa biglang ugali nito kaya nahihiya niyang tinignan si Trevor.

"Pasensya na Trevor, sa bahay nalang ni kuya rukawa tayo maggroup study. Baka rin kasi hindi ako payagan ni kuya." Tumango si Trevor bago tumingin kay sakuragi.

Nang makaalis si Trevor, nakasimangot na humarap siya kay sakuragi.

"What was that behavior, sakuragi?" Ani hanna kay sakuragi

"Ano? May ginawa ba akong mali? Sinabi ko lang naman na doon kayo sa bahay ng kuya mo ah!.. teka nga? Kinakampihan mo ba iyong lalaki na iyon?" Asik ni sakuragi na nakakunot noong pinag mamasdan ang magiging reaction ni hanna.

Nagitla si hanna sa naging akusa ni sakuragi sakanya bago napaface palm.

"Hindi. Of course not! Bakit ko naman kakampihan iyon eh, hindi ko naman iyon boyfriend. Ang akin lang, wag ka masyadong halatang nag seselos ka." Ngising balik na laban ni hanna kay sakuragi. Halata ang pamumula ng mukha ni sakuragi sa sinabi ni hanna bago tumalikod

"Hindi ako nag seselos sa taong iyon no, tsaka Mahal na Mahal mo ako kaya imposibleng iwan mo ko." Maangas na saad ni sakuragi na kinatawa ni hanna

"Wow, bakit ikaw? Di mo ba ako Mahal?" Panunudyong ani hanna sa kasintahan, inis namang tumigil sa pag lalakad si sakuragi bago tinignan si hanna ng masama.

"Nakakainis ka na, kailangan ko pa bang sabihin sayo iyan ng paulit ulit. Mahal kita okay?" Ngumisi si hanna bago tumango

"Fine. I'm just teasing you lang naman kasi ngayon nalang ulit kita nakitang mag selos."

"Kailan naman ako nag selos ha?" Balik tanong na ani sakuragi

"Hmm. Remember, itakura?" Tila natahimik si sakuragi ng marinig ang pangalang iyon ni itakura.

"Tsk! Fine. Nag seselos na ako.. tsk! Wag ka kasing masyadong malapit sa kahit na sinong lalaki.."

"Hindi naman ako ang lumalapit ah! Sila ang lumalapit sakin." Sagot ni hanna

"Mayabang kana ngayon ah! Nahawa kana sakin." Tila proud pa na saad ni sakuragi kay hanna

"Iwan ko sayo.. tara na nga, sure akong hinihintay na ako ni kuya rukawa sa bahay."

"What if! Mag date tayo today?" Ani sakuragi kay hanna

"Gustuhin ko man pero maaga kayo bukas Diba? Ayoko namang mapagod ka pa, kaya imbes na magdate tayo ilaan mo iyang oras mo sa pagpapahinga para bukas." Ani hanna sa malambing na paraan.

"Bukas naman, pag hahandaan ko kayo ng masarap na pagkain kasi sure ako na hindi na kayo makakapag handa ng food para sa sarili niyo." Malambing na saad ni hanna dito

"Salamat love, you always like that.. napakalambing at sweet mo.. I love you so much.." ani sakuragi bago yinakap si hanna ng mahigpit na ginantihan din naman ni hanna pabalik.

"Mas Mahal kita. Kaya no worries ako na bahala sa inyo para bukas. At ikaw, galingan mo sa paglalaro ha? Ako ang magiging number 1 fan mo.. forever!" And after, inilapit ni sakuragi ang kanyang mukha palapit kay hanna bago ito hinagkan ng magaan na halik.


LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon