Chapter 29

191 18 4
                                    


"Hey? Galit ka ba hanna?" May pag aalalang tanong ni ayako sakin habang nakatungo ang ulo para masilip ang mukha ko.

Bumuntong hininga ako bago kiming ngumiti sa kanila. Wala rin naman akong magagawa kong iyon ang maiisip nila samin di'ba? Naging over acting lang siguro ako sa naging tanong nila kanina, pagkarating namin. Hindi ko na dapat iyon pinuna.

" Nah. Okay na yon, wag niyo ng isipin. Wag lang sana maulit dahil masakit talaga na ganon pala iniisip niyo samin." Aniko sa malumanay na boses. Umaliwalas naman mukha ni ayako bago ako dinamba ng yakap kaya natawa ako. Yumakap rin si haruko kaya napangiti ako, ang cute nila bigla.

" Sinabihan ko na kasi yan si ayako eh." May bahid na pang aasar na saad ni haruko kaya natawa ako,  dahil sa biglaang pag sibangot ng mukha ni ayako.

" sorry naman." Tanging na sabi  nito, nakangiting ibinaling ko ang tingin sa harapan kong saang nakakumpulan ang mga kalalakihan na mukhang nagkakaasaran dahil nakapalibot sila kay sakuragi.  Tanging si kuya rukawa lang ang malayo sa kanila pero batid ko sa itsura nito na mukhang galit ito. Napakunot tuloy ang noo ko dahil doon, bakit kaya?

Isang oras pa bago magsimula ng tuluyan ang fireworks display, marami narin mga taong mga naka postura, mga pamilya at magkasintahan na nagkakasiyahan. Napatingin kami sa mga kasamahan naming patungo sa gawi namin kaya napatayo narin kaming tatlo.

" Hey!" Bati ko kay sakuragi na mukhang umiiwas sakin ng tingin. Napabaling ang tingin ko sa iba na parang naiilang din akong tignan pabalik. Ano ba talaga ang nangyayari?

" Guys! Doon nalang tayo sa may gitna ng park, mas makikita natin ng maayos ang fireworks." Saad ni fujima na dala na ang ilang gamit namin. Napatango nalang kami at sumunod sa kanila. Nahuli kaming dalawa ni sakuragi kaya napatikhim ako para makuha ang atensyon nito.

" May problema ba sakuragi?" May pag aalalang tanong ko. Napaubo ito ng mahina bago ako inilingan. Napabuntong hininga ako dahil doon.

" Please! Ano ba kasi nangyari? Dahil ba yon sa pagdating natin kanina?" Tanong ko, dahilan para mapatingin ito sakin na may gulat na kasama. Napalunok ito kasama ng panlalaki ng mata.

" I-im sorry baby, sinabihan ko na silang tigilan na nilang magtanong at mag isip ng ganong bagay tungkol satin." Napanguso ako at nakaramdam ng irita biglaan, bakit ganon sila mag isip samin?

" ganon din sila ayako kanina pagkarating palang natin, tinanong nila ako ng ganon." Mababa ang boses na saad ko. Namumula naman ang mukha nitong malamlam na tinignan ako sa mga mata. Huminto ito kaya napahinto na rin ako sa paglalakad.

Hinawakan ako nito sa magkabilaang balikat bago ako tinignan ng deretso sa mga mata ko.

" Sorry kung naeexperience mo pa ang ganitong bagay, baby. Hindi ko rin naman akalain na tatanungin nila ako ng ganon. Sorry talaga!" May pag susumamong anas nito, Napabuntong hininga ako at pagkaraan ay ngumiti ng matamis dito.

" Naiintindihan ko, aaminin ko nairita ako sa mga malisyosong pagtatanong nila satin. Pero sa tingin hindi ko na dapat yon pinansin pa." Anas ko, umiling ito bago nito hinaplos ang aking magkabilaang pisngi. Malamlam itong nakatingin sakin bago ako hinalikan sa noo ko.

" Mahal na mahal kita, baby. At sobrang nirerespeto kita kaya hinding hindi ko magagawa iyon sayo. Nahihiya nga ako sayo dahil kahit napaka basagulero ko noon, tinanggap mo parin ako kahit na ganon ako. Gusto ko ibalik sayo ang respetong nararapat talaga para sayo, dahil karespe-repesto ka naman talaga." Nangilid ang luha ko sa magkabilaan kong mga mata bago ito yinakap ng mahigpit.

" Mahal na mahal din kita baby ko. At hinding hindi iyon magbabago, salamat dahil nagbago ka dahil sakin. Sobrang proud ako sayo sakuragi." Lumuluhang saad ko, nakita ko ang pamumula ng buong mukha nito kasabay ng paglandas ng luha sa mga mata nito.

LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon