MITO POV
*BOOOOGGHHSS*
gulat nalang kami ng bigla nalang napahiga si sakuragi matapos siyang suntukin ni rukawa ng malakas. Shit! Ano ba naman kasi naisip ni sakuragi at nagawa niyang saktan si hanna, kailanman ay hindi ko na isip na kaya niyang manakit ng pisikalan. Pero kapag tinitignan mo siya habang binubugbog ni rukawa ay hindi man lang siya gumaganti pabalik, hinahayaan niya lamang ito na suntukin siya.
" K-kuya tama na." Sigaw na awat ni hanna. Hinihila din nito sa braso ang kuya niya pero mukhang hindi talaga nag papatinag si rukawa.
" Hayop ka! Hindi ko kailanman naisip na magagawa mo ang bagay na ito sa kanya sakuragi. Sa lahat ng lalaking mananakit sa kanya, bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na iniingat ingatan niya." Galit na bulyaw ni rukawa na huminto na sa pag suntok ngunit hawak parin naman nito ang kwelyo ni sakuragi.
" Anong magagawa ko, tapos na eh." Walang emosyong anas ni sakuragi na siyang lalong nakapag pagalit kay rukawa. Muli kong tinignan si sakuragi na hindi man lang natinag kahit na nakatanggap na naman siya ng suntok.
" Ano ba kuya, sabing tama na eh!" Sigaw ni hanna. Buong pwersahan niya itong hinila paalis sa pagkakapatong kay sakuragi, wala namang emosyong umupo si sakuragi bago tinignan si rukawa na may ngisi sa labi.
" Tapos kana ba? Kasi kung oo' pwedeng ako naman?" Maangas na anas ni sakuragi na tumayo, na Parang hindi man lang nakakaramdam ng sakit. "Kapatid mo ang nauna, sinaktan niya ang girlfriend ko. Sa tingin mo hahayaan ko na mangyari yon? Hindi!" Nakangising panunuyang sabi nito na nagawa pang tignan si hanna na walang tigil sa pag iyak.
" Ano bang nangyayari sayo sakuragi?" Umiiyak na tanong ni hanna. Nailing naman si sakuragi sa naging tanong ni hanna sakanya bago pagak na tawa.
" Walang nangyayari sakin, actually masaya ako na sa wakas wala na ako sa toxic na relasyon nating dalawa. Nakakapagod din pala na mag panggap na masaya," napatiim bagang ako at hindi napigilang hindi masuntok si sakuragi. Hindi ko maattempt na makita si hanna na nasasaktan na naman dahil sa kasinungalingan ni sakuragi.
" Stop this nonsense, sakuragi! Akala mo ba maniniwala kami sa kasinungalingang sinasabi mo ngayon? Hindi ka magaling sa pagtatago ng nararamdaman, kaya alam kong ginagawa mo lang ito para makaiwas sa sakit--".
*Boooogghhss*
Napahawak ako sa aking panga ng bigla akong suntukin ni sakuragi. Mahilo hilo akong napaupo sa semento, siraulo ang sakit niya talagang sumuntok.
" Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Kaibigan lang kita, hanggang doon lang iyon. Wala akong pakialam kong maniniwala kayo sa sinasabi ko o hindi, ang akin lang wag na wag niyong idadamay si macy sa gulo natin." Anas nito. Mas lalo lang napahagulhol si hanna sa sinabi niya, agad siyang inilalayan ni rukawa na sobrang sama na ng tingin kay sakuragi.
" Hindi ko akalain na uto uto ka rin pala.. mabuti yan, para naman hindi na mahirapan si hanna na pakisamahan ka. Alam mo? Pinatunayan mo lang samin ngayon kung gaano ka kagago. Hayaan mo hindi ko na papalapitin pa sayo si hanna." Anas ni rukawa na inalalayan si hanna paalis, nagulat nalang kami ng bigla itong natumba, buti nalang maagap siyang nasalo ni rukawa.
Too much emotion for her!
Nang makalayo na si hanna, nanghihinang napaupo si sakuragi sa semento bago humagulhol ng iyak. Inalalayan naman siya ni macy na naiiyak din sa sitwasyon niya.
" Bakit mo naman ginawa yon? Hindi ko akalain na magagawa mong saktan si hanna, sakuragi?" Anas ni takamiya na naiiling pa. Kahit ako hindi rin makapaniwala sa ginawa niya, isang linggo na siyang lutang at mukhang may malalim na iniisip.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...