Chapter 16

64 3 0
                                    

Beautiful Dream

Nadya's POV

Paano ba ako nakauwi sa bahay?
Ano ba'ng nangyari kagabi? Paggising ko kasi nakahiga na ako sa aking kama... Kapag ba nalalasing ang isang tao, makakauwi ba siya ng maayos sa bahay niya?

Paano nga ba ako nakauwi??

"Oh anak buti naman at gising ka na, may itatanong sana ako..."

"Ano po 'yon nay?"

"Saan ka ba nanggaling kagabi? Nakatulog na kami ng itay mo kakahintay sa'yo..." nag-aalalang tanong ni inay

"Ahh, may ginawa lang po kaming project ng mga kaklase ko. Pasensya na po kung hindi ako nakapag-paalam at pinag-alala ko pa po kayo...." masama magsinungaling pero kailangan, kapag kasi sinabi ko na uminom at naglasing ako ay mas lalo silang mag-alala....

"Ganoon ba? Sa susunod anak magpaalam ka ah? Hindi yung nag-aalala kami dahil di namin alam kung saan ka nagpunta..."

"Opo, pasensya na po talaga..."

"Kumain ka na, marami tayong gagawin ngayong araw..." paalala ni inay

Linggo nga pala ngayon... Maraming gawain sa mansyon.

Pumunta ako sa kusina at saka nag-almusal.

Habang kumakain ako ay iniisip ko pa rin kung paano ako nakauwi...

Ang naaalala ko ay naglakad ako pauwi dahil malapit naman yung lugar kung saan ako naglasing....

Tapos.... Ano nga ba??

"Where have you been last night?"

"Ayy kabayooo!!!! Ikaw lang pala, nagulat ako sayo ah!" sagot ko kay Cyrus

"Sagutin mo ko!" sigaw niya

" Bakit kita sasagutin? Nanligaw ka na ba??"

"A-ano kamo?"

Naku! Mali pa yung nasabi ko. Akala ko kasi nanliligaw siya eh, teka kausap ko ba si Cyrus kagabi? Patayy!!! Baka nasabi ko na may gusto ako sa kanya!!

"Ang sabi ko naliligaw ka yata dito, kusina 'to ng mga maid!" muntik na ako dun!

" Excuse me, bahay ko 'to kaya pwede akong pumunta dito..."

Oo nga pala, siya nga pala may ari ng mansyon na 'to at isang hamak na katulong ako. Kaya hindi pwede na magkagusto ako sakanya.... Amo ko siya eh, hindi tinatalo ng amo ang mga katulong na tulad ko.

"Uhmm Cyrus, magkasama ba tayo kagabi?" tanong ko

"N-no! Of course not!"

"Talaga ba??" kung ganoon panaginip lang na hinalikan ko siya at nagtapat ako sa kanya na may gusto ako sa kanya?

"Thank you Lord at panaginip lang!!"

"Bakit mo ba naitanong kung magkasama tayo kagabi?"

"Wala naman. Wag mo ng alamin baka mapatalsik pa ako dito! Sige na, didiligan ko pa yung mga halaman."

Cyrus' POV

Oo Nadya, isipin mo na lang na panaginip ang nangyari kagabi. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman mo na hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi....

----

Nadya's POV

Kasalukuyan kong dinidiligan ang mga halaman nang biglang sumagi sa isip ko yung panaginip na hinalikan ko si Cyrus. Para kasing totoong nangyari ehh... Sana pala hindi na muna ako nagising para makasama ko pa ng mas matagal si Cyrus....

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon