Chapter 10

79 3 0
                                    

Bestfriends!

"Hey Nads! Kanina pa kita inaantay, saan ka nanggaling?" utas ni Keet ng hindi ko siya napansin dahil out of reach yung utak ko sa kaiisip sa taong nakalaan sa akin.

"Ah wala naman, may pinuntahan lang ako saglit." pagsisinungaling ko

"Nanggaling ka dun sa pribadong building? Sino naman pinuntahan mo? May kaibigan kang multo no?" pananakot niya sa sarili niya

"W-wala, anong pribadong building. May mga tao naman dun no saka wala akong kaibigang multo." seriously? Ako makikipag kaibigan sa multo, sa takot kong to?

"Napaka-defensive hah! Tara na nga at baka malate pa tayo sa klase..." pang-aalok niya sa akin

Habang naglalakad kami papunta sa CBA building ay di siya mapakali.

"Uhh Nads, napansin mo ba si Allison?" sabi na nga ba't kaya hindi siya mapakali ay hinahanap niya si Allison

"Hindi eh, hayaan mo na makikita mo naman siya sa classroom." sabi ko. Pansin ko na mahal na mahal naman talaga ni Keet si Allison pero mas mahal ni Allison si Cyrus. Kawawa naman siya, nandito naman ako eh! Chos!

Pumasok na kami sa classroom at nakatingin nanaman sa akin ang mga kaklase ko. Parang may ginawa nanaman akong masama kay Allison eh sa totoo lang ay tinulungan ko pa nga silang magkabalikan ni Cyrus.

Hinayaan ko na lang sila sa mga titig at bulong nila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagkabalikan na sina Allison at Cyrus baka malaman pa ni mam Andrea na ako pa mismo ang tumulong sa dalawa na magkabalikan.

At kung sakali mang malaman ni mam Andrea ay paniguradong patay ako! Hindi naman literal pero parang ganun na rin yun!! Haayyyss! Ano bang pinasukan kong gulo? Dahil lang naaawa ako sa kalagayan ni Allison ay tinutulungan ko siya? Pero pangaral nga ni inay na tulungan ko daw ang mga nangangailangan.

Hindi na pumasok si Allison sa first subject, mukhang nag-usap muna sila ni Cyrus... Kailangan na kailangan nila yun, di ko na siya masisisi.

"Nads sabay na tayong mag-lunch hah?" ani Keet ng umalis na ang teacher dahil lunch time na.

"Sure, libre mo ah?" pagbibiro ko sakanya

"Sige ba! Ano bang gusto mo?" tanong niya

"Pwede bang lahat?" pagbibiro ko ulit kaya nabigla naman siya "Joke! Kahit ano lang." sagot ko

"Okay! Tara!" sabay na kaming umalis ni Keet sa classroom

Paglabas namin ay nakita namin sina Allison at Cyrus na nag-uusap, ngumiti naman si Allison sa akin at tinanguan ko lang siya. Wag lang silang masyadong magpahalata at baka malaman ng mga tao dito sa school na nagkabalikan na sila.

Kumain lang kami ni Keet at pagkatapos ay pumunta kami sa may garden ng school at nagkwentuhan kami.

"Mukhang maayos na ulit sina Allison at Cyrus ah.." panimula ni Keet

"Oo, nagkabalikan na sila tinulungan ko sila. Pasensya na Keet." paumanhin ko sakanya

"Tinulungan mo sila? Pero bakit?" nagtatakang tanong niya

"Ako kase nahihirapan sa sitwasyon nila, mahal nila ang isat isa pero wala silang magawa kaya ako na mismo ang tumulong." paliwanag ko

"Sabagay, wala naman akong mapapala kay Allison diba? Mahal na mahal niya talaga si Cyrus, hindi siya sumuko." ani Keet

"Anong feeling ng one sided love? Hindi ko pa kasi nararanasan yan." tanong ko

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon