Believe
Cyrus' POV
Ang totoo ay tapos na ako sa pagrereview. Gusto ko lang makasama si Nadya sa kanyang review lessons. Hindi ko kasi siya matiis eh. Bahala na kung ano man ang mangyari, basta hanggat maaari ay gusto ko siyang makasama.
The truth is I wasn't sleeping. Gusto ko lang ipikit ang mga mata ko. Pero inakala ni Nadya na natutulog ako kaya nagpanggap na lang ako na tulog talaga.
"Mukha kang mabait kapag tulog ano? Pero sa totoo lang ay mabait ka naman talaga. Ramdam ko." hinaplos niya ang aking buhok at mukha na siyang ikinabigla ko. Hindi tuloy ako mapakali!
"Sana ako na lang. Ako na lang sana yung minahal mo... Kung naging mayaman lang siguro ako baka malaki ang pag-asa na mahalin mo ako... Pero siguro ang mapansin mo lang ay masaya na ako."
Bigla na lang siyang napahikbi at umiyak. Gustuhin ko man na yakapin siya at punasan ang mga luha niya ay hindi ko magawa. Wala akong sapat na lakas ng loob para sabihin sa kanya na mahal ko rin siya.
Paghahandaan ko ang posibleng mangyari kung sakaling magtatapat ako sa kanya.
Sana mahintay mo ako...
Bigla na lang tumahimik si Nadya kaya napasulyap ako at nakatulog na pala siya...
Ang sarap sa pakiramdam kapag pinagmamasdan ko na natutulog si Nadya. Gumagaan ang loob ko at nakakalimutan ko mga problema ko.
"Sir Cyrus! Sir!"
Mabilis kong inalis ang mga mata ko kay Nadya dahil sa sumisigaw.
"Bakit ho?" Ang mama pala ni Nadya....
"Pasensya na po kung naistorbo ko kayo sa pagrereview, pinapatawag po kayo ng mama niyo." Pinapatawag ako ni mama? Bakit naman?
"Ganoon po ba, sige po maraming salamat."
"Naku! Nakatulog pala si Nadya. Nakung bata ito oo...."
---
"Cyrus, ano na? Aalis pa ba tayo papuntang France o hindi na?" tanong ni Allison sa akin habang kausap ko siya sa telepono.
Napagkasunduan namin nung nakaraang araw ni Allison na magbabakasyon kami ngayong sembreak sa France. Gusto niya daw kasi makita yung Eiffel tower. Ano ba kasing meron sa tower na 'yon at dinarayo ng mga turista?
Nagdadalawang isip pa kasi ako, parang hindi kaya ng konsensya ko na makasama si Allison dahil si Nadya naman talaga ang laman ng isip ko.... Pero iniisip ko din na iyon ang tamang panahon para masabi kay Allison na may pagtingin ako kay Nadya at ayoko na lokohin pa siya.
"Uhmm, okay we're going.."
"Really? Yess!! Thank you Cyrus! I love you talaga!!" masayang tugon ni Allison
Hindi naman kailangan na sagutin ang isang tao kapag nag- I love you siya sayo dahil hindi naman tanong iyong hindi ba? Tumahimik na lang ako at pinatay ko na ang telepono.
--
Nadya's POV
"Talaga Keet? Isasama mo ako sa France?"
Nandito ako ngayon sa boutique nina Keet, pinapunta niya ako dito kasi may sasabihin siya.
"Oo, mom told me that I can take you with me. Para daw may makasama ako papunta doon. Kailangan ko kasing tingnan ang takbo ng negosyo doon. Para na rin kamustahin ang mga designers na pinag-aaral ni mom." paliwanag niya
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanficPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...