Chapter 21

56 4 0
                                    

KAHIBANGAN

Nadya's POV

Tahimik kaming kumakain ng bulungan ko si Anthony.

"Tulungan mo naman ako na magkalapit silang dalawa."

Wala naman pakielam ang dalawa kaya tinuloy ko.

Nagkunot naman ng noo si Anthony.

"Bakit naman?"nagtatakang tanong niya

"May something kasi sa kanila eh. Ramdam ko na gusto nilang mapag-isa."

Nilingon naman ni Anthony ang dalawa at tumango.

"Sige anong gagawin natin?"

"Ganito."

"Uhh Keet, medyo masakit ang tiyan ko. Pwede bang umuwi na lang ako?" sabi ko sabay acting

"Huh? Bakit hindi mo kaagad sinabi? Tara ihahatid na kita." sagot niya

"Naku wag na! Anthony ikaw na maghatid sa akin please?" lumingon ako kay Anthony

Naintindihan naman niya ako.

"Sige, sir Keet ako na po bahala kay Nadya."

"Pero Nads-"

"I- we have to go! Babye! Enjoy your night!!" Paalam ko at hinatak na palabas si Anthony. Hindi naman mawari ang itsura ni Keet ng paalis na kami.

Narinig kong nagbuntong hininga lang siya.

Pagkalabas namin sa resto ay nakipag high five ako kay Anthony saka kami tumawa.

"Sigurado ka ba na ayos lang sila dun?" tanong niya

"Aba oo naman! Tingin ko nga pagkatapos ng gabing ito ay lalo silang magkakalapit na dalawa."

Natahimik kami ng ilang segundo.

"So saan na tayo ngayon?" tanong ni Anthony sabay kamot sa ulo

"May alam ka bang pwedeng pasyalan?"

Isinama ako ni Anthony sa isang park na tanaw ang napakaliwanag na Eiffel tower. This tower never fails to amaze me.

Kahit halos ngayon lang kami nagkakilala ni Anthony ay ganun na lang kalapit ang loob ko sa kanya. Parang nung unang kita ko kay Keet, magaan ang loob ko sa kanya.

"Dito ako madalas pumunta tuwing gusto kong marelax."

Ang tingkad ng kulay ng mga ilaw na nakapalibot sa buong lugar ay nakakamanghang talaga. Sang-ayon ako sa sinabi ni Anthony, marerelax ka talaga.

Wala akong masabi kay Anthony kaya nanatili na lang akong nakatanaw sa napakataas na tower.

Nakaupo kami sa damuhan na nilatagan ng puting tela. Tanaw na tanaw din ang mga kumikislap kislap na mga bituin.

Perfect na lahat. May isang kulang lang.....

"Ano sa tingin mo? Maganda di ba?" tanong no Anthony habang nakatingin sa mga bituin.

"Oo nga. Si Cyrus na lang kulang." di makapaniwalang nasabi ko yun

"Cyrus? Sinong Cyrus?" nagtatakang tanong ni Anthony

"Ah wala, isang taong hinahangaan ko."

"Could it be Cyrus Flores?"

"Tama ka. Pero may girlfriend kasi siya kaya...."

"And who's the lucky girl?"

"Allison. Allison Fajardo." matabang na sagot ko

I sighed. Nang hindi nakasagot si Anthony ay tinitigan ko na.

Yung reaksyon niya parang gulat na gulat. Hindi makapaniwala.

"Anyare?"

"S-si Allison? G-girlfriend ni Cyrus?" nauutal na tanong niya. Nakalagay pa ang dalawang kamay niya sa kanyang ulo.

"Oo si Allison Fajardo. Bakit? Kilala mo ba siya?"

Nagtataka na talaga ako kay Anthony. Ano bang mali sa sinabi ko?

"Pero girlfriend ko siya." mahinahon na sabi niya pero ramdam ko ang tensyong bumabalot sa kanya

Girlfriend niya si Allison?! Pero si Cyrus ang boyfriend niya! Hindi naman yata makatarungan iyon !!

"Kaya pala nang pinuntahan ko siya ay parang gulat na gulat siya. Kaya pala ganun na lang niya akong ipagtabuyan nang makita ko silang magkasama ni Cyrus. Hindi ko napagtuonan ng pansin yun dahil ang sabi niya sa akin may project silang dalawa...." medyo naiiyak na siya

"Iba ang course na kinuha ni Allison kay Cyrus. Kami ang magkaklase ni Allison." maging ako man ay naiiyak na. Hindi dahil galit ako, kundi dahil naaawa ako kay Allison.

Kaawa awa ang ugali niya! Hindi dapat tularan!

Paano niya natitiis na lokohin si Cyrus?? Mahal na mahal siya ni Cyrus! Kulang na lang sambahin niya si Allison tapos ganito ang igaganti niya sa kanya??!! Hindi yun tama!!

"I gave my all to her! Ipinagpalit niya ako sa isang milyonaryo! Alam kong hindi kami ganun kayaman pero mayaman ang pag-ibig ko sa kanya....Sinakrispyo ko ang pamilya ko para lang makapag-tapos ako dito at maibigay ang mga luho ni Allison sa araw na makapagtrabaho na ako!! Para maibigay pa ang mga bagay na gusto niya!" umiiyak na ngayon si Anthony. Galit na galit. Maging ako man ay hindi na makapagpigil!

Tumahimik kami.

"Paano niya nagawa sa akin 'to?" humupa na ang bosea niya pero naroon parin ang galit.

Kapalaran nga naman. Biruin mo at nasa kabilang banda sina Cyrus at Allison, naglalakad patungo sa direksyon namin. Ngiting ngiti pa naman si Allison. Pwes, papawiin ko ang ngiti niya!

Hindi ako maldita. Pero kung may mga taong tinatapakan na ang kapwa tao ay ibang usapan na iyon.

"Nandito sila."

"S-sino?"

"Ang magaling mong girlfriend."

"Huh??"

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Anthony. Dali dali akong tumayo para puntahan silang dalawa.

Mapapawi ang matamis na ngiti ng isang Allison Fajardo.

Napatingin silang dalawa sa akin. Si Cyrus na gulat na gulat at si Allison na may mapang-asar na ngiti.

"Look who's here!" nakangiting sabi ni Allison

Nakipag-beso siya sa akin. Tinanggap ko naman kahit labag sa kalooban ko.

"What are you doing here Nadya?" takang tanong ni Cyrus

"Di ba obvious? Nagbabakasyon!" Hindi ko sinasadyang maging pilosopo kay Cyrus but knowing na nandito si Allison sa harapan ko ay sapat na para mainis ako.

"How dare you speak like that to your

amo? Sabi ko na nga ba may tinatago kang kamalditahan sa loob!"

Ikaw pa talaga ang may ganang sabihin yan sa akin hah Allison?

Ngumiti lang ako ng nakakaloko.

"Just let her." utos naman ni Cyrus

"No Cyrus! I won't let her! Wala siyang respeto sa amo niya! How dare her talaga!!" hindi na makapagpigil si Allison

"Bakit ikaw? Wala ka bang tinatago huh?" saka ako ngumiti ng makahulugan

"What are you talking about?!"

Ang ngiti niya ay napalitan na ng inis.

"Ako pa ang sinasabi mong walang respeto? Eh anong tawag mo sa pagkakaroon ng dalawang boyfriend ng sabay? Makatarungan ba iyon? Karespe-respeto ba iyon? Ano hah? Sabihin mo!!" hindi ko na napigilan ang pagtataas ng boses. Nanggigigil na talaga ako!

"How dare you!!"

Sasampalin na sana ako ni Allison ng may narinig kaming tumawag sa kanya.

"Allison!!!!"

"Anthony??!"

---
A/N: Please vote and comment para malaman ko po kung maganda ang takbo ng story. Your opinions are important. Thanks :)

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon