You're Back
"Allison? Anong ginagawa mo dito?"
Lubos ang pagkabigla ko sa pagkakakita kay Allison. I never thought na magkukrus pa ang landas namin. At mas lalong hindi ko inaasahan na sa mismong kumpanya ni Cyrus siya nagtatrabaho. Pero ako nga rin pala ay magtatrabaho kay Cyrus. Well, joint project lang naman ito.
"Can't you see I'm the head of the HR department? Ikaw anong ginagawa mo dito? I thought you are through with Cyrus?"
"Nandito ako para magtrabaho, I don't care about Cyrus." Mataman kong sagot.
"Talaga? That's good then. So you want this joint project?" Simula niya.
"Yes I would love to be part of it." Diretsong sagot ko.
"Then you're in."
"Huh?"
"I said you're in! You can approach Cyrus' secretary at the 40th floor. I'll tell him that we have found the interior designer." Paliwanag niya.
Hindi naman ako makagalaw sa aking kinauupuan. Hinihintay kong ma-proseso sa aking utak ang sinabi niya.
"So.... I'm in?" Di siguradong tanong ko. Tumango naman siya. "Do I have to see Cyrus then?"
"Of course! I will need his judgements about you. Kung magugustuhan ka niya ay siguradong sayo na ang trabaho. Pero kung hindi, then I guess I have to find another."
Bakit ganun?
Kaya ko ba? Kaya ko ba siyang harapin pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin?
Kaya ko 'to! Naka-move on naman na ako di ba?
Talaga ba?
"Alright. I'm heading at the 30th floor..."
"It's 40. 40th floor." Pagtatama niya.
"Right!"
"You know, hindi mo naman kailangang pahirapan pa ang sarili mo. You see, Cyrus is married. Why do you have to be martyr?"
"I'm no martyr. I don't have feelings for him anymore. I am a professional. " Tugon ko bago ako lumabas sa kanyang opisina.
Huminga ako ng malalim pagkalabas ko sa opisina ni Allison.
And now it's time to see Cyrus.
Mabagal lang akong naglakad patungo sa elevator. Nanginginig kasi ang mga tuhod ko. Para bang alam nila na kinakabahan talaga ako.
Pagkapasok ko sa elevator ay hindi ko mapindot ang tamang numero sa floor kung nasaan si Cyrus. Mabuti na lang ay may magtanong sa akin kung saan ako patungo.
"Thank you."
Nang tumunog ang bell ng elevator ay hudyat iyon na nasa 40th floor na ako.
Parang hindi ko yata kayang umalis sa loob ng elevator. Lalo na't napakatahimik dito.
Namataan ko na ang sekretarya ni Cyrus sa loob dahil salamin lamang ang pagitan nito mula sa elevator.
Tumungo na ako at binuksan ang glass door. Napansin naman ako ng sekretarya kaya sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.
"Good morning! Kayo ba yung interior designer na sinasabi ni ma'am Allison?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...