Willard University
Makalipas ang dalawang linggo ay pasukan na. Gumising ako ng maaga para makapag-handa ng maayos. Isang kulay brown na paldang lampas tuhod, kulay puting damit na may bulaklak na design at pink na dollshoes ang suot ko. Wala kase akong pambili ng mga magagandang damit, at mas maganda kung simple lang ang suot ko, mas sanay ako.
Kumain na rin ako at paalis na ng............
"O anak mag-iingat ka hah? Mag-aral ka ng mabuti." paalala ni inay sa akin
"Opo nay! Magiging Suma Cumlaude ako, magtiwala po kayo sa akin." pagmamayabang ko sa kanila ni itay.
"Kahit ano pang klasing cumlaude iyan anak, basta maayos ang pag-aaral mo. May tiwala kami sa'yo pinapaalala lang namin ng inay mo. sige na't baka malate ka pa." paalala rin ni itay at niyakap ko silang dalawa ni inay.
"Paalam po! Mag-ingat din po kayo!" masayang bati ko sa kanila
Nang nakalabas na ako sa pintuan ay tinawag ako ni sir Edward.......
"Nadya."
"Po?"
"Sumabay ka na kay Cyrus."
"Naku sir wag na. Nakakahiya po kasi kay sir Cyrus." paliwanag ko
"Hayaan mo siya, sumakay ka na. Medyo malayo dito yung Willard."
Pinilit ko na lang ngumiti kay sir Edward. Awkward kasi eh naalala ko nung muntik na akong mahalikan ni Cyrus nung nakaraang dalawang linggo.
"Salamat po!"
Nang nakasakay na ako sa kotse ay kinausap niya ako..........
"Anong course kinuha mo?" tanong niya
"Accountancy, gusto ko kasi maging CPA balang araw.... Ikaw ba ano kurso mo?"
"Business Management, ako kasi magmamana sa kumpanya namin." halos related naman pala ang mga kurso namin, bale nasa iisang department lang kami ni Cyrus. Ibig sabihin......lagi ko siyang makikita?? Hahahahaha!! Uhmmm.. wala lang gusto ko lang tumawa sa isip ko. :p
Pagkatapos nun ay hindi na siya ulit nagsalita buong byahe....
---
Sa wakas ay nakarating na kami! Ang ganda at ang laki ng Willard!!! Nang nasa parking-lot kami ay bigla na lang nagsalita si Cyrus..........."Allison."
"Nasaan siya?" tanong ko sa kanya
"You know her?" tanong niya pabalik sa akin
"Oo, nakwento lang ni manang Ising." sabi ko
"Haayyy...." sabay pasada sa kanyang buhok "si manang talaga..."
Pagkababa namin ng sasakyan ay dumapo ang mga mata ng mga taong nasa paligid namin pati na si Allison.
Biglang lumakad palapit sa akin si Cyrus at hinalikan ako sa pisngi!! Saka may binulong sa akin.........
"Sorry sa kiss, kailangan ko lang pag-selosin si Allison. Di bale, ililibre nalang kita mamaya."
T-teka....... hinalikan niya ba ako? Sa pisngi? Hindi naman ako choosy no.... perooo... first kiss ko yun galing sa ibang lalaki bukod kay itay kahit sa pisngi lang. Natulala ako sa ginawa niya......
"Magkita na lang tayo mamaya "babe"." sinigurado niyang maririnig ni Allison yung salitang "babe".
Saka siya umalis at dinaanan pa niya si Allison na tulala.....
Iniwan niya akong mag-isa kasama ang mga taong nakakita sa ginawa niya..... Pati na ang mga nanlilisik na mga mata ni Allison sa akin..................
CYRUS!! BUMALIK KA DITO!!! >O
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...