Chapter 5

94 3 0
                                    

Mission Accomplished

Okay class, don't forget to read chapter one of your book. I'm going to discuss it tomorrow and will have a short quiz about it." sabi ng prof namin sa Philippine History

"Yes sir!" sabay sabay na sigaw namin

Haayy sa wakas natapos din ang tatlong subjects! Boring nga kasi puro pagpapakilala ang mga ginawa namin tapos kinukwento pa ng mga prof. namin ang talambuhay nila na pang MMK.

Na memorize ko pang wala sa oras ang mga talambuhay nila. Katulad ng childhood lovers daw sila ng asawa niya  tapos nagkahiwalay mag-aral ng highschool at college tapos nagkita sila sa isang party tapos dun uli nagsimula ang pagmamahalan nila hanggang sa kinasal sila at nagkaanak.

Yung isang teacher ko naman, sobrang hirap daw nila dati at nagpursigi siya na mag-aral mabuti hanggang sa gumraduate siya bilang suma cumlaude sa batch nila at nag take ng board exams tapos naging CPA siya at guminhawa ang buhay nila.

Yung isa pang teacher ay napariwara daw ang buhay niya noong kabataan niya tapos muntik pa daw siyang maimpluwensya ng mga barkada niya na mag-drugs pero natauhan siya sa ginagawa niya. Nag-aral na lang siya ng mabuti dahil nahihirapan na daw ang mga magulang niya na kumayod kaya nag working student din siya hanggang sa maging successful na public defendant at naging teacher.

Ohh diba, na memorize ko >o

"Nads, sabay na tayo mag-luch kung pwede sana. Libre ko, muntik na kasi kitang masagasaan kanina." sabi ni Keet

"Okay lang yun! Sige libre mo naman eh."

"Yes! Let;s go!"

Nang nakalabas na kami sa room ay nakita kong nakasandal sa pader si Cyrus sabay tingin sa malayo..... Naramdaman niya siguro ang yapak namin ni Keet kaya napatingin siya sa amin.

"Come with me." sabi niya

"Pero sabay kami maglulunch ni Keet!" sagot ko

"I don't care. Just go with me."

"Teka lang pare, she's with me. Ano mo ba siya?" tanong ni Keet

"Boyfriend niya." matalim na sagot ni Cyrus sabay hila sa kamay ko palayo kay Keet

"Sorry Keet, next time na lang." sigaw ko, dahil nakalayo na kami

"Ok! Next time hah? Wala ng excuse excuse sa susunod" sigaw niya pabalik

"Bakit mo ba ako sinasama ha? Saan tayo pupunta? Nagugutom na ako"  sabi ko kay Cyrus

"Lilibre kita diba?" sagot niya

"Yun lang ba? Ililibre din ako ni Keet eh!"

"Ano  ba meron sainyo  nung Keet na yun?" tanong niya

"Hayy....boyfriend ko siya!" kahit hindi naman

"Boyfriend mo rin ako! Unang araw palang natin nag tu'two time kana?" wow ha parang totoo kaming may relasyon eh fake lang naman.

"Di naman totoong tayo no! Saka amo lang kita!"

"Ano sabi mo?"

"Wala sabi ko tara na, gutom na ako!"

"Allison is in the canteen." sabi ni Cyrus

"And so? Anong kinalaman niya dito??

"Are you out of your mind?" turo niya pa sa utak ko "We're going there to make her jealous." paliwanag niya

"Are you on drugs? Bakit ba kasi kailangan natin siyang pagselosin?"

"Para balikan niya ako...."

"Kaya nga siya nakipag break diba, kasi ayaw na niya sayo..."

"I don't believe it. Wala naman kaming pinag-awayan nung araw na nakipag break siya sa akin. And besides, we love each other so much. Nangako kami sa isat' isa na hindi kami maghihiwalay kahit kailan. You know, forever..."

"Walang forever! Walang permanente sa mundong ito kundi ang pagbabago. Lahat nagbabago walang hindi nababago ang panahon..."  paliwanag ko

"Meron, kung mahal niyo ang isat isa, walang magbabago. Pwede ba wag mo na akong pagsabihan, alam ko ang ginagawa ko!"

"Okay." tinaas ko pa ang dalawa kong kamay bilang pahiwatig na naiintindihan ko na. Mukhang mahal na mahal niya nga talaga si Allison, kung ano man ang rason kung bakit nakipag break si Allison ay malamang malalim na dahilan iyon para ibreak si Cyrus ng ganun ganun na lang.

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay panay pa rin ang titig ng mga tao sa amin. Pero parang walang pakielam si Cyrus sa mga titig ng mga tao.

"Hindi mo ba napapansin yung mga titig ng mga tao?" tanong ko

"Sanay na ako. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil gwapo ang kasama mo." pagmamayabang niya

"Kapal.."

"What did you say?"

"Ang kapal ng ozone layer sabi ko!"

"Hindi mo ba nararamdaman na mainit ang panahon? Ibig sabihin nun ay panipis na ng panipis ang ozone layer. Stupid."

"Oo na!"

Pumasok na kami sa canteen at nakita ko nga si Allison with her friends. Hindi siya mukhang social pati na ang mga kasama niya. Parang katulad ko lang siya na kasama sa social welfare, yun nga lang mas maganda ako.....

Biro lang........ baka magalit kayo. Mas maganda siya. Okay?

"Dito na lang tayo umupo." umupo kami malapit kina Allison. "Let the show begin!" bulong ni Cyrus sa akin

"What do you want for lunch babe?"

Kaloka 'to....kenekeleg eke!! Hmmmm.... Nadya stay put ka lang, wag ka papahalata! >o

"I want chicken cooked with soy sauce and vinegar." sabi ko

"Ano ba yun?" tanong niya

"Edi adobong manok! Pinasosyal ko lang!" napasigaw pa ako. Nagtinginan naman ang mga taong nakarinig sa akin.

Kalma ka lang Nads!

"I mean adobo babe! Samahan mo na rin ng Iced tea!" request ko sa kanya  "And one more thing" pahabol ko "Buy me also a banana coated with caramel sugar in a stick" napakunot ang noo ni Cyrus sa akin.  "I mean banana cue! That's all! Thanks babe!"

At umalis na siya para umorder..........

Pagkalipas ng ilang minuto ay dala na niya ang mga inorder niya.

"Eatwell babe." sabi niya

"Thank you babe, ikaw din!" tugon ko naman

Naka-ilang subo pa lang ako ng inalok ako ni Cyrus na subuan ako.

"Say ahh.." sabi niya

"Ano ba?! May kamay ako!" pabulong kong sigaw sa kanya

"Bilis na, habang nakatingin si Allison!" pabulong niya ring sigaw sa akin

No Choice!

"Ahh....ang sarap naman babe! Ikaw naman!" sabi ko

Pinanlakihan ako ni Cyrus ng mga mata niya.

It's payback time! Wala rin siyang choice kundi isubo ito! Dahil hindi parin natitinig ang mga tingin ni Allison sa amin!

"You're dead!" sabi niya ng walang tunog, binasa ko lang sa galaw ng kanyang mga labi.

At sinubo na niya......

"Ang sarap no?" sabi ko na may halong pang-aasar sa tinig ng pananalita ko. Tumango naman siya at ngumiti ng pilit.

Kala mo ha, kung marunong kang mag-acting pwes mas marunong ako!

"Allison wait! Where are you going?"

Dinig naming sigaw ng isa sa mga kasama ni Allison.

Nag walk-out si Allison! Benta yung plano ni Cyrus! Pati yung acting ko! Yesss!

Nag high five kaming dalawa ni Cyrus sa ilalim ng mesa for a Mission Accomplish!

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon