Wrong decision
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Cyrus nang naitayo niya ako.
"Sinusundan ka. Akala ko naman importante ang lakad mo, makikipagkita ka lang pala sa kaklase mo..." pakiramdam ko may tampo siya sa akin
"Hindi ko alam na stalker na pala kita ngayon!" bwisit ko sakanya
"Nads!" biglang lumapit si Keet at sinuri akong mabuti "Nasaktan ka ba? Nasugatan ka ba?" sunud-sunod na tanong ni Keet
"Hindi Keet, ayos lang ako. Medyo sumakit lang ng konti yung paa ko pero okay lang ako." paninigurado ko sa kanya
"Kailangan ba nating ipatingin yung paa mo sa doktor?" tanong ulit ni Keet
"Hindi na, di naman ako napuruhan."
"Ano nga palang ginagawa mo dito Cyrus?" tanong ni Keet kay Cyrus
"Nothing, I'm just curious kung saan mo dadalhin si Nadya. Mukhang wala namang espesyal sa lugar na 'to kaya aalis na ako." sagot ni Cyrus
"That's what you think, but if you just knew...." dagdag ni Keet
"What are you talking about?" tanong ni Cyrus
"Nothing. You may go." walang emosyon na sabi ni Keet at hindi na nagdalawang isip si Cyrus na umalis.
"Bakit hindi mo sabihin sakanya ang totoo? " tanong ko kay Keet
"Kung tunay niya akong kaibigan ay maaalala niya rin ako..." paliwanag niya
"Hindi ka niya maaalala kung hindi mo siya tutulungan. Ang tunay na magkaibigan ay nagtutulungan." paliwanag ko
"I think it's better if I stay quiet about it..... Let's go?" yaya ni Keet, hindi na rin ako kumontra baka pag-awayan pa namin 'to.
"Tara."
---Mag-gagabi na nang nakauwi ako sa mansyon at nadatnan ko si Cyrus sa hardin, parang tulala at may iniisip.
Tahimik akong naglakad papunta sa kanya para gulatin sana siya pero mukhang naramdaman niya ang presensya ko.
"I know you're there Nadya."
"Paano mo nalaman na nandito ako? Ang lakas naman ng pakiramdam mo!"
"Instinct."
"Whatever! Pareho lang naman 'yon, in-english mo lang!" hinayaan ko na lang siya sa hardin at pumasok na ako sa kwarto.
"O anak, bakit ngayon ka lang? Nauna pang dumating sayo si sir Cyrus." tanong ni inay
"Kasi po niyaya ako ni Keet na mamasyal. Naaalala niyo po ba nung nawala ako? Sa lugar na puno ng mga bulaklak niyo ako nakita. Doon po mismo kami nagpunta ni Keet." kwento ko kay inay
"Talaga anak? Naku, naalala ko tuloy nung nawala ka. Akala namin ng itay mo ay tuluyan ka ng nawala, buti na lang may kakilala ako na nakakita sayo sa burol na 'yun."
Hindi ko na sinabi kay inay yung nangyari sa akin kanina na muntik na akong magpagulung gulong sa burol, baka mag-alala pa siya.
"Nay, nasaan nga po pala si itay?" tanong ko nang hindi ko nakikita si itay
"Kasama niya si sir Edward at ma'am Andrea, may pinuntahan na event." paliwanag ni inay
"Ganoon po ba.."
"Nadya iha!" tawag ni manang Ising
"Bakit ho?"
"Ikaw na muna maghanda ng hapunan kay Cyrus hah? Nag-day off kasi yung iba pang kasambahay, tayong tatlo lang ng inay mo ang naiwan..." paliwanag ni manang
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...