Checked Out
Nadya's POV
Pinilit ako ni Cyrus na matulog na lang sa apartment niya ypero hindi ako pumayag. Mahirap na baka ano pa ang mangyari.
Joke lang! Hindi ako pumayag kasi baka hanapin ako ni Keet.
Matagal din bago makauwi si Keet na sa tingin ko ay inenjoy ang date nila ni Sandy.
Nagkwento pa nga si Keet sa akin tungkol sa naging date nila.
"I'm so happy. Buti naisipan niyong iwan kami ni Sandy. That was the nicest idea you've ever had! Thank you!"
"Ano ka ba! Syempre alam ko na ang iniisip mo ng mga oras na iyon! Mga asungot lang kami ni Anthony doon, nakakahiya naman sayo bestfriend!"
Tumawa lang ng napakalakas si Keet sa sinabi ko. Mukhang tama nga na mga "asungot" kami ni Anthony.
Masaya ako para kay Keet. Buti at nakahanap na siya ng babaeng magpapasaya sa kanya. Nakapag-move on na rin siya kay Allison. Mukhang narealize niya na hindi nararapat ang pagmamahal niya sa kanya.
Totoo. Keet deserves someone better than Allison. Hindi ko sinasabing walang kwenta si Allison. I'm just stating a fact.
Bago ako matulog ay nakatanggap pa ako ng mensahe mula kay Cyrus. Binigay ko sakanya ang numero ko bago ako umalis sa apartment niya.
Psyrus❤: Good night love, see you in my dreams. :)
Hindi ako nakapagreply, natulog ako na panatag ang isip at may ngiti sa labi.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Keet para makapagsimba. Kasama syempre si Sandy.
Nagtext ako kay Cyrus at nagpaalam na magsisimba kami.
Ako: Good morning! Magsisimba lang kami ni Keet. Gusto mong sumama?
Kaagad naman siyang nagreply.
Psyrus❤: Good morning! I would love too. Puntahan kita sa apartment niyo?
Ako: okay!
Sasabihan ko na lang si Keet na pupunta dito si Cyrus.
"Keet!"
Tawag ko nang abutan ko siyang naghahain sa mesa para sa almusal.
"Yoh?"
"Uhmm... Papunta na si Cyrus dito, pwede ba siyang sumamang magsimba sa atin?"
Nabigla ko yata siya sa sinabi ko. Hindi nga pala niya alam na nandito sina Cyrus at Allison.
"Ikaw bahala. Buti nandito siya?"
"Bakasyon din." Tipid kong sagot. Hindi ko na binanggit na nandito rin si Allison. Baka masira ang araw ni Keet.
*tinggg
Baka si Cyrus na 'yun!
"Ako na Keet!" Sabi ko nang patungo din siya sa pintuan.
Laking gulat ko nang ibang tao ang nakita ko.
"Allison? Anong ginagawa-"
Hindi pa man ako natapos ay sinabunutan na niya agad ang buhok ko.
"Malandi ka!! Pati si Anthony nilandi mo na rin!!!"
Ang sakit! Kinalmot niya rin ang braso ko.
"Ano bang sinasabi mo??" Pilit kong tanong kahit na sobrang sakit na ang ginagawa ni Allison sa akin.
"Inakit mo siya! Malandi ka! P*kp*k !! "
"Allison! That's enough!" Hinihingal na awat ni Anthony. Mukhang tinakasan siya ni Allison.
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...