Chapter 38

29 4 0
                                    

COMEBACK

"Yes po mama. Nasa airport na po ako." Finally! I'm back! Nakakamiss din pala ang Pilipinas, gusto kong pumunta sa beach!





"Wag na po ma, kaya ko naman pong mag-taxi na lang. Magkikita pa po kasi kami ni Anthony." Nung isang buwan pa sila nakauwi ng bansa. Ang kwento niya ay nakakatakot daw makatrabaho si daddy. Ang sabi ko ay seryoso si daddy pagdating sa business pero mabait naman siya.





Hindi na ako nagpasundo kay Anthony, ang sabi ko ay magkita na lang kami sa coffee shop malapit sa Willard.





"Okay po, see you later!" excited na rin akong umuwi sa bahay dahil ipinagluto ako ni mama! Namiss ko ang luto ni mama. Masarap din namang magluto si nana Lydia pero syempre hinahanap ng panlasa ko ang mga luto ni mama.

Sina Keet naman ay nakauwi na rin. Kasalukuyan silang nagbabakasyon ni Sandy sa Puerto Galera. Niyayaya rin nila akong sumunod doon, para daw ma-relax ako. Pinag-iisipan ko pa kung susunod ako o hindi. Ang sabi nila ay isama ko raw si Anthony para di ako lonely.





"Taxi!"





Habang nasa biyahe papunta sa coffee shop kung nasaan si Anthony ay pinagmasdan ko ang tanawin. Wala pa rin nagbabago sa siyudad ng Manila, ganun pa rin. Ang mga nagtataasang mga building ay tila inaabot na ang langit. Ang daming mga towers na nagsulputan, puro mga apartments at condominiums. Tinanaw ko rin ang mga billboards. Inabutan pa ako ng traffic.

Kinuha ko ang cellphone ko para paalalahanin si Anthony na baka mahuli ako ng konti dahil sa traffic.





Habang hinihintay kong sagutin ni Anthony ang tawag ay nakuha ng atensyon ko ang babaeng nasa billboard....




"Ah manong kilala niyo po ba yung babaeng nasa billboard?" sabay turo ko sa direksyon ng billboard.




"Si Mrs. Hannah Flores po ba miss? Siya po ang asawa ng isang sikat na businessman sa bansa. Si Mr. Cyrus Flores po." paliwanag ng driver.

Hindi ako nagkamali. Si Hannah nga iyon. Isa pala siyang model?




Simula kasi nung nalaman kong ikakasal na sila ay hindi na ako nagbukas ng facebook. Inatupag ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko. Kaya wala na akong balita tungkol kay Cyrus at Hannah.

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon