The Past
Habang naglalakad ako palabas ng Willard, napansin ko si Keet na nakaupo sa bench na nag-iisa. Parang ang lalim ng iniisip niya, gulatin ko kaya? ;DPalapit na ako ng palapit....
Ayan na!
"BOOO!!! " sigaw ko sabay hawak sa magkabilang balikat niya"Ahhh!!"
Hinatak niya ako kaya natumba kami sa bench...
Nasa ilalim ako at nasa ibabaw siya.
Nagtitigan kami hanggang sa maging awkward kaya ako na maunang magsalita...
"Ahh, Keet... Pwede ka ng tumayo.. hehehehe"
"Uhm.. right. Sorry Nads." saka siya tumayo at hinawakan niya ang kamay ko para tulungan akong makatayo.
"Ako dapat ang mag-sorry. Sorry hah kung ginulat kita." sabi ko habang pinupunas ko yung damit ni Keet na nadumihan.
"It's okay." sabi niya sa malungkot na tono at umupo ulit sa bench
"May problema ka ba Keet?" tanong ko saka ako umupo sa tabi niya
"Sa totoo lang, oo meron. Alam mo ba na mahal ko si Allison?" simula niya
Mahal niya si Allison? Ang swerte naman niya, dalawa nagmamahal sa kanya.
Hinayaan ko lang ituloy ni Keet ang sasabihin niya.
"Pero mahal niya si Cyrus. Magkababata kaming tatlo nina Allison at Cyrus. Pinangakuan ni Cyrus si Allison na sila ang magkakatuluyan paglaki nila. Pero kalaungan ay umalis sina Cyrus at nagpunta sa Amerika para doon ituloy ang pag-aaral niya at kaming dalawa ni Allison ang naiwan. Sabay kaming lumaki ni Allison at minahal ko siya, pero si Cyrus pa rin ang nasa puso niya. Kaya nang bumalik si Cyrus galing Amerika ay hinanap siya ni Allison pero naaksidente si Cyrus nung nasa Amerika sila at nagka amnesia. Pero hindi matanggap ni Allison na hindi na siya maalala ni Cyrus kaya ginawa niya ang lahat para mapa-ibig niya si Cyrus." paliwanag ni Keet
Hindi ako makapaniwala sa kwento ni Keet. So childhood friends at lovers sila? Nagka amnesia si Cyrus? Kaya pala may saltik siya..... :P
"Ganun pala... Pero bakit nung hinatak ako ni Cyrus palayo sayo hindi mo siya nakilala?" tanong ko
"Kasi hindi ko alam na siya yung Cyrus na kababata ko noon, nalaman ko lang na siya yun nang hinatid kita sakanila." paliwanag niya
"Ahh... Parang koreanovela ang peg ng buhay niyo no..." pagbibiro ko
"Kaya kaninang umaga nung nadatnan mo ako na may hinahanap ako ay hinahanap ko talaga si Allison para kumpirmahin kung si Cyrus na kababata namin ay ang Cyrus na ex boyfriend niya."
"Kung ganun, bakit sila nagbreak ni Cyrus?" ano ba talaga ang dahilan ng break up nila??
"Hinala ko may kinalaman ang mommy ni Cyrus dito, kase noon pa man ayaw na talaga niya kay Allison kaya nga nagmigrate sila sa Amerika.""Bakit naman ganun?"
"Ganito yun, yung mommy ni Cyrus ay ayaw na makapangasawa si Cyrus ng mahirap. Gusto niya yung mayaman ay para sa mayaman lamang, kaya ganun....
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
Fiksi PenggemarPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...