Chapter 27

33 3 0
                                    

Katotohanan

Nadya's POV

"Mauna na po ako. May pupuntahan pa po kasi ako. Pagaling ho kayo sir." Paalam ko.

"Sige Nadya, maraming salamat sa pagdalaw at sa mga bulaklak." Ngiti ni sir.

Kumaway na lang ako at nag bow kay mam Andrea, manang Ising at sa dalawang love birds na hindi man lang lumingon sa akin.....

Paglabas ko ng kwarto ay nakahinga ako ng maluwag....

Siguro hanggang dito lang talaga kami ni Cyrus. Amo ko siya at katulong lang ako.

Muli tumingin ako sa pintuan sa pagbabakasakaling sundan ako ni Cyrus. Kailangan ko ng paliwanang pero sa tingin ko ay nasagot na ito kaninang narinig ko  na magpapakasal na sila......

Isa

Dalawa

Tatlo

.....

"Cy-"

Yung nurse lang pala.

"Yes ma'am?" Tanong nung lalaking nurse.

"Ahh wala, pasensya na ..." nahihiyang tugon ko.

Umasa pa kasi ako na baka sundan niya ako.....

Umuwi ako ng mansyon na may mabigat na pasanin... Pero wala akong maramdaman. Gusto kong umiyak!!! Pero walang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.....

Siguro dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, wala ng dahilan pa para iyakan ko si Cyrus.

Wala naman ng mangyayari kung iiyak ako... Masasayang lang ang luha ko.

Kapag ba iniyakan ko siya, ay babalikan niya ako?

Hindi naman di ba?

Sana kausapin man lang niya ako. Closure kumbaga.

Ang tahimik sa mansyon.....

Kailangan ko ng ingay ngayon! Kung magiging tahimik lang ang paligid ay baka ano pa ang mga maisip ko!

"Paano mo nagawa iyon Selya!!?"

"Wala na akong ibang maisip nung mga oras na iyon Lukas!!"

Binabawi ko na ang nais kong ingay! Kung ang pag-aaway lamang ng mga magulang ko ang maririnig ko, mas mabuti pa na tahimik na lang! Di bale na kung ano maisip ko, huwag lang sila mag-aaway.....

"Pero mali ang ginawa mo!!!"

"Basta! Hindi ako papayag Lukas! Kung mawawala lang siya sa atin ay mas mabuti pa na mamatay ako!!!"

"Selya! Bumalik ka rito!"

Mabilis ang mga hakbang ni inay. Mabilis din ang agos ng kanyang mga luha..... Umiyak na lahat wag lang si inay.

"Nay bakit po?"

Napahinto si inay sa harapan ko. Mukhang di niya ako napansin sa kapal ng mga luha niya.

"N-Nadya??!" Pinunas niya ang kanyang mga luha. "Mabuti at nakauwi ka na. Kumain ka na ba?"

Hindi ako sumagot. Bagkus ay niyakap ko ng napakahigpit si inay. Niyakap niya rin ako pabalik at nagsimula ulit siyang umiyak.

"Mahal kita anak! Alam mo naman iyon di ba?" Humihikbing sabi ni inay.

"Opo naman. Mahal na mahal ko kayo ni itay, wala ng mas hihigit sa inyo." Sa totoo lang simula nung minahal ko si Cyrus pakiramdam ko siya ang pinakamahalagang tao para sa akin.

"Basta anak kahit anong mangyari hindi mo kami iiwan, ahh??"

Ano ba talaga ang nangyayari? May nabubuo ng konklusyon sa utak ko pero imposibleng mangyari iyon.

"Opo. Pangako."

Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko!

Baka si Cyrus na yung tumatawag!!

Dali dali kong kinuha sa aking bag ang aking cellphone.

"H-hello Cy-"

"Si Keet 'to Nads!!"

Si Keet pala. Hindi ko napansin.

"Oh bakit Keet napatawag ka?"

"Nadya kasi si mommy-"

Bigla na lang inagaw ni inay ang aking cellphone at dali daling pinatay ito.

"Nayy!! Bakit niyo po kinuha?" Naguguluhan na ako!!

"Anak! Simula ngayon wag ka ng makikipagkaibigan sa Keet na iyon!" Matigas na utos ni inay . Lumapit naman si itay sa kanya at hinawakan sa balikat.

"B-bakit naman po??"

"Masama silang tao! Maging ang ina niya! Hindi ko nga alam kung bakit pinayagan kitang makipagkaibigan dun! Kung nalaman ko lang ng mas maaga!!"

"Tama na Selya. Magpahinga ka na." Mahinahong tugon ni itay.

Kahit na gulung gulo na ang isip ko ay hindi na muli akong nagtanong kay inay. Sa ibang araw na lang, mukhang pagod siya.....

Ang daming nangyari sa  araw na ito.

Masakit man pero hindi ito panaginip. 

Ito ang katotohanan....

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon