Warning: SPG. Please be open minded.
Together Again
Nauna akong lumabas sa unit. Baka kasi may makapansin sa amin at pagdudahan pa kami kahit na kaduda-duda naman talaga ang nangyari kanina.
Nasabi ko ba talaga yun? Na mahal na mahal ko pa siya? Hindi ko talaga inasahan na mangyayari iyon. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang halik niya sa akin.
Alam ko na matagal akong nangulila sa kanya at tingin ko ay hindi pa sapat ang halik na iyon...
Tama na Ella! May asawa na siya for god's sake!!
Pero mahal na mahal ko pa rin siya at ganun din ang nararamdaman niya sa akin.
Kumaway sina Rose sa akin.
"Saan kayo nanggaling at ang laki ng ngiti niyo?" Nakangising tanong ni Sheila.
"I'm just happy with the units, they amazed me too much." Pagsisinungaling ko. Abot langit ang ngiti ko dahil sa halik ni Cyrus.
I know they're not buying it kaya hinayaan ko na lang.
Habang nagkukwentuhan ang aking team ay natanaw ko naman si Cyrus na malaki ang ngisi at kumindat pa sa akin! Oh no! Butterflies inside my stomach! Hindi ko alam kung paano kiligin ng hindi nahahalata!!
Gosh Cyrus! What's in you?
Tinawag kami ng architech na mag merienda sa may tabi ng infinity pool na wala pang tubig pero makikita mo talaga na maganda na ito. May ilalagay pa na mga ilaw sa pool para kapag gabi ay colorful daw ito.
Puno ng mga nagtataasang mga halaman at puno ang garden ng tower na ito. Magaganda rin ang mga nakatanim na bulaklak. Feels like heaven.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang sumulyap kay Cyrus na nakatingin din pala sa akin. Kaagad akong tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko kasi matagalan ang mga titig niya, it send shivers to my skin. Also baka may makahalata na talaga.
Kilala ko si Rose, she's like spy or something. Sabi niya kasi sa akin nung isang araw ay marunong siyang magbasa ng kilos ng isang tao. Nalaman nga niya na may iba ang kanyang boyfriend at sobrang nasaktan siya rito. I wonder kung interior designer ba talaga siya? She's like a psychologist!
Tumingin ako kay Rose at mukhang abala siya sa kanyang pagkain habang nakikinig sa mga kwento ni Shiela ay Lanz. Nagkunwari na lang din akong nakikinig sa kanila kesa naman sa makipagtitigan ako kay Cyrus buong araw....
Ilang sandali pa ay natapos din ang sight seeing namin sa tower at kailangan ko pang dagdagan ang mga designs ko sa mga units.
Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay biglang lumapit si Jenna sa akin. Nagtaka naman ang mga kasama ko.
"Ms. Marquez, pinapatawag po kayo ni Sir Cy." Sabi niya sabay ngiti.
Hindi naman ako mapakali habang inaayos ang mga gamit ko. Nakita ko pa ang mga mapanuring mga mata ni Rose. Muntik pa nga na mahulog yung portfolio na hawak ko. Mabuti na lang at kaagad ko itong nasalo.
"Uhmm- mauna na kayo, see you tomorrow for the finalization of the designs." Paalala ko sakanila.
"Okay ma'am Ella, see you tomorrow." Paalam nila.
Mukhang wala pang balak umalis si Rose kung hindi lang siya hinila ni Sheila.
Huminga akong malalim bago puntahan si Cyrus sa may parking lot.
Nadatnan ko siyang nakasandal sa kanyang kulay black na Fortuner at nakapamulsa pa. Angas mo talaga kahit kailan pero mahal kita.
"Bakit?" Hindi ako makatingin ng maayos sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
Hayran KurguPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...