Chapter 20

66 3 0
                                    

I'm so proud.

Nadya's POV

Tulad nga ng sabi ni Keet ay maaga kaming aalis ngayon para bisitahin ang mga scholars ni tita Ellaine.

Onion soup with baguette ang kinain namin sa isang resto dito sa Glamour apartments. Hindi pa rin ako sanay sa mga pagkain nila dito pero masarap naman.

Di ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip na narito din sila Allison at Cyrus. Pati sa panaginip ko ay dinalaw pa ako!

"Are you okay? Bakit parang tulala ka? Hindi mo ba nagustuhan ang inorder ko?" nag-aalalang tanong ni Keet

"Nagustuhan! Uhmm, tinawagan ko si inay kagabi pero sandali lang. Kaagad niya kasing binaba yung linya, nag-aalala ako baka may nangyaring masama na wag naman sana."

"Don't worry, they'll be fine. Hayaan mo mamaya tatawagin ulit natin sila." may kasiguraduhan sa tono ng pananalita niya

"Sana lang talaga nasa mabuting kalagayan sila."

"Nads may itatanong lang sana ako kung maari?"

Tumigil din ako sa pagkain tulad niya at matamang nakikinig.

"Sigurado ka bang mga magulang mo sila?" tanong niya na may pag-aalinlangan

"Oo naman! Bakit mo naman naitanong iyan?" natatawang sagot ko

Bakit bigla na lang tinanong ni Keet yun? Medyo na offend ako sa tanong niya pero hindi ko na lang pinahalata.

"Parang hindi mo sila kamukha, although pareho ang kulay ng balat niyo."

Nilalait ba ako ni Keet o nagbibiro lang?

"Ikaw naman! Marami ng nakapagtanong niyan sa akin noon pero ang sabi lang ni inay ay kamukha ko daw yung lola ko sa tuhod." yun ang laging sagot ni inay sa tuwing magtatanong ako sa kanya kung sino kamukha ko

"Ganun ba? Wag mo na lang pansinin yung tanong ko, ubusin na natin 'to ng makaalis na tayo."

Nagtungo kami ni Keet sa eskwelahan kung saan nag-aaral ang mga scholar ni tita Ellaine.

Manghang mangha ako sa istraktura ng building nito parang sa Harry Potter. Makaluma ang disenyo ng gusali ngunit may class ang dating. Kung aalukin ulit ako ni tita na mag-aral dito ay hindi na ako tatanggi!!

"Bonjour Mr. Marquez, naghihintay na po ang mga scholar. Sumunod po kayo sa akin." anang isang ale na naka bun ang buhok at may pagka sopistikada ang dating.

Pumasok kami sa isang silid di kalayuan sa may fountain sa gitna ng eskwelahan.

"Bonjour Mr. Marquez." bati ng mga estudyante sa loob ng silid.

Marami din pala ang mga pinag-aaral ni tita, tantsa ko mga labing lima. Ang sabi ni Keet ay libre lahat ng mga gastusin nila at may allowance pa silang natatanggap linggo linggo.

"Bonjour! Matataas ang mga nakuha niyong grado sa semester na ito kaya binibigyan kayo ng pagkakataon ni Mrs. Ellaine Marquez na makapasyal sa mga landmarks dito sa France syempre kasama kami." sabay akbay ni Keet sa akin

"Siya nga pala ang kaibigan kong si Nadya Dela Cruz."

"Uhmm, Hello! Masaya akong makilala kayo!" naiilang na bati ko

Ngumiti naman sila.

Napansin ko na kanina pa hindi maalis ang titig ng isang lalaking scholar din ni tita. Parang pamilyar nga ang mukha niya eh. Saan ko nga ba siya nakita....

"Alam ni mommy na nag-aaral kayong mabuti kaya kayo may premyo. Ayun lang, let's all have fun!" ani Keet

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga estudyante na agad namang tumigil nang tapunan sila nung ale ng tingin.

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon