Officially
Pinangako ni mommy sa akin na bibigyan niya ng sustento sina inay. Sana lang ay tanggapin nila, para may dagdag sila sa mga pangangailangan nila.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil buo na ang pamilya ko. Ang nais ko na lang ay maging masaya si Cyrus.....
Masaya naman na siguro siya, mukhang mahal naman niya si Hannah....
"Ella! Tulala ka nanaman, iniisip mo ba si Cyrus?" Bulong ni Keet. Nasa sasakyan na kami papuntang airport. Si daddy ang nagdadrive pero may nakasunod namang mga bodyguards sa amin para iuwi ang suv pagka-alis namin ng bansa.
"Hindi no. Sina inay ang inaalala ko...." hanggang kailan ba ako magsisinungaling sa sarili ko? Hindi ko naman maiwasang hindi isipin si Cyrus dahil mahal ko pa rin naman siya.....
"Okay, sabi mo eh." Alam kong may pagdududa si Keet kaya hinayaan ko na lang.
Pagbaba namin sa airport ay pinaalalahanan kaagad ni daddy ang mga bodyguards tungkol sa mga gagawin nila habang wala pa kami....
Sandali lang naman sina mommy at daddy sa Paris. Hindi naman nila maiiwan ang mga negosyo at ang kompanya sa Pilipinas. Kaming dalawa ni Keet lang ang maninirahan doon. Kasama naman namin ang mga scholars ni mommy kaya okay lang. May mga pinsan din kaming nasa Paris pero hindi ko pa sila nakikilala.....
Tinawag na ang flight number namin kaya pumasok na kami sa loob ng eroplano...
Goodbye Philippines! Goodbye memories! Bye Cyrus.
Hello again Paris!! It's good to be back!
Sinalubong kami ng mga scholars ni mommy kasama syempre sina Anthony at Sandy. May dala silang bouquet of flowers para kay mommy. Masaya namang tinanggap ito ni mommy.
Kumunot ang noo ng iba sa kanila nang makita ako.
Medyo nagtataka siguro sila kung bakit kasama ako.
"We will have a program later at the Resto de Paris. I hope to see you all." Paalala ni mommy.
Ngumiti at nagsitanguan sila. May narinig pa akong bumulong, tinatanong kung anong meron mamayang lunch.
"Nice to see you again!" Medyo nakaramdam ako ng kaba.
Ngumiti silang lahat sa akin. Kumaway pa sina Anthony at Sandy sa akin.
Dumiretso na kami sa condo na binili ni dad para sa amin ni Keet. Habang nandito pa sila ay sa condo na rin muna sila mamamalagi kasama namin.
Komportable ang condo. Kumpleto rin sa mga gamit. Umaga na at medyo inaantok pa rin ako kahit na nakatulog naman ko sa biyahe.... Naninibago ulit ako sa takbo ng oras dito.... Malamig na rin dito dahil ber-months na.
Hanggang pasko lang sina mommy dito. Pagkatapos ay babalik na sila ng Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil sandali palang kaming magkakasama pero kaagad din silang aalis. Pero papasyal daw sila paminsan minsan para matignan ang lagay namin....
Nagpa-reserve pala si mommy sa isang resto dito sa Paris isang maliit lang na salu salo kasama ang mga scholars at mga relatives namin na taga rito. Ipapakilala niya raw ako!
Isang simpleng white dress ang pinasuot ni mommy sa akin pero detalyado ang disenyo nito.
I sighed. Kinakabahan ako! Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nila na ako ang nawawalang anak ni mommy?
Sigurado magugulat ang iba.
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay nakangiting nilapitan ako ni mommy.
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...