Chapter 29

33 4 0
                                    

Kailangan

Nag taxi na ko pauwi. Hindi ko na inalala ang pamasahe basta ang gusto ko ay makauwi ako kaagad.


Bakit sunud sunod na umaatake ang mga problema ko? Naging masama  ba akong tao? May inagrabyado ba ako? Sa pagkakaalam ko ay wala naman.

Ang hirap harapin ng mga nangyayari sa akin lalo na't wala akong karamay.....

Si Keet na bestfriend ko sinisiraan si inay. Si Cyrus naman na- matatawag ko pa ba siyang boyfriend kung may pinangakuan na siya ng kasal? Sa kasamaang palad ay hindi ako yung babaeng pinangakuan niya.

Panginoon, kayo lang po ang alam kong masasandalan ko..... Tulungan niyo po akong harapin at lampasan ang mga pagsubok sa aking buhay.... Alam ko po na nariyan kayo't nagbabantay sa akin, sa amin. Sana po kahit papaano ay bumalik po ang lahat sa dati nitong lugar....

Nung masaya at magkakasama kami ng pamilya ko. Masaya ang samahan namin ni Keet na bestfriend ko at kami ni Cyrus....


Sa kwarto na nina ate Alice ako natulog, baka kasi umiyak ako sa oras na maisip ko ang mga nangyayari ngayon. Ayoko naman na alalahanin pa ako nila itay....

Pero sasabihin ko na kay inay ang sinabi sa akin ni Keet. Lalo lang akong hindi matatahimik kung patatagalin ko pa ito. Kailangan ng maayos ang lahat bago pa lumala ng husto.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag sinabi ni inay na totoo ang lahat ng sinabi ni Keet..... Magagalit ba ako kay inay dahil sa ginawang pagtulak niya kay tita Ellaine? Magiging masaya ba ako kung si tita Ellaine nga ang tunay kong magulang?

Hindi ko na alam ang uunahin ko!!


Kung hindi ko pa sisimulan ang pakikipag usap kay Cyrus ay baka tuluyan ko na siyang hindi mabawi sa Hannah na iyon. Baka naguguluhan lang si Cyrus. Alam kong totoo niya akong mahal kaya't naguguluhan ako kung bakit pumayag siyang magpakasal sa Hannah na iyon....


Wala naman siyang ikinukwento  sa akin tungkol kay Hannah. Sigurado akong may dahilan siya. Tama. Basta magtiwala lang ako sa kanya.....

Maaga akong nagising kinaumagahan, pagkatapos kong maglinis ay kakausapin ko na si inay.....


Sa Lunes na nga pala ang pasukan, papasok naman siguro si Cyrus. Hindi naman niya siguro pababayaan ang pag aaral niya. Sa lunes ko na siya kakausapin.


Kailangan kong maging kampante. Babalik din si Cyrus sa akin, tiwala lang.

Habang nagdidilig ako sa mga halaman ay nilapitan naman ako ni inay.

"Nay-"


"Saan ka galing kagabi?" Matalim ang mga titig ni inay sa akin.

"Sa kina ano po, sa kaibigan ko ho. Tama. Sa kaibigan ko po, kaarawan niya po kasi kahapon-" bigla na lang akong sinampal ni inay!


Sinampal niya ako? Sinampal ako ni inay??

"B-bakit ho?" Hinawakan ko ang aking kaliwang pisngi. Masakit. Hindi ang pisikal na idinulot ng sampal sa akin ni inay kundi ang sakit sa aking dibdib. Ngayon ko lang nakitang magalit ng ganito si inay..... At ako ang dahilan.

"Sinungaling kang bata ka!" sigaw niya. "Hindi ba't sinabi kong wag ka ng makikipagkita pa sa Keet na yon at sa ina niya? At nagawa mo pang magsinungaling sa akin Nadya? Iyan ba ang tinuturo sayo ng Ellaine na iyon?!!"

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon