Chapter 25

40 4 0
                                    

Uneasy Feeling

Pagkalapag pa lang ng Pilipinas ay namiss ko agad ang cold weather sa France. I know someday makakabalik din ako doon.

Dumiretso muna kami kina Keet para bisitahin si tita Ellaine.


"Ell- Nads!" Niyakap ako ng napakahigpit ni tita.

Yumakap ako pabalik. Bigla kong naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Baka namimiss ko lang si inay.

Niyakap din niya si Keet.


"Im so glad you're finally here! Pinaghanda ko kayo ng masasarap na Filipino Cuisine!!" Nakangiting sabi ni tita.

"Wow tita! Namiss po namin ang pagkaing pinoy! The best po kayo talaga!"

"Salamat anak- Nadya." Nagtaka naman ako sa sinabi ni tita Ellaine. "Anak ang turing ko sayo di ba?"

Oo nga pala parang ina ko na rin siya eh.

"Tara pumasok na tayo!" Aya ni Keet.

Masaya ang naging hapunan ko kasama sina Tita Ellaine at Keet.

Hinatid na ako ni Keet sa mansyon.

Kinabahan ako bigla. Napansin naman ako ng guard at tinulungan pa ako sa mga dala ko.

"Maraming salamat po. Nandyan po ba sina inay??"

"Ah wala eh, kaaalis lang pero yung itay mo nandyan."

"Ganun po ba. Sige po salamat! Ayy may pasalubong din nga po pala kayo." May dinukot ako ng sumbrero galing Paris at inabot ko kay manong.

"Salamat Nadya, nag-abala ka pa. Magagamit ko to sa date namin ni darling." Tuwang tuwa si manong.

"Wala pong anuman. Mag enjoy po kayo!"

Nang nasa sala na ako ay dali daling tumakbo sina ate Koring.

"Nadya!!" Masayang salubong nila at niyakap ako.

"Namiss ka namin!" Ani ate Myra.

"Uyy Nadya excited na ako sa pasalubong mo!" Sabi naman ni ate Alice.

"Ayy opo nandito po." Binahagi ko na sakanila ang mga pasalubong. Mga damit, desserts at figurine.

"Maraming salamat! Ang bait mo talaga Nadya!"

"Si manang Ising po?"

"Nagbabantay sa hospital, ilang mag-iisang linggo na rin sila doon." Kwento ni ate Koring

"Kawawa nga si Sir Eduard, masyado kasing masipag sa kompanya nila." Dagdag ni ate Alice.

"Uhmmm.... Sige po, ate Myra pakitago na lang po nung kay manang ah." Pakiusap ko

"Aba oo naman. Ako na bahala."

"Salamat po."

"Tay! Nandito na po ako!"

"Oh anak!" Sinalubong ako ni itay ng may ngiti sa labi. Pero kakaibang ngiti.... Anong meron?

Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Si inay po?"

"Ahhh.... Ano may pinuntahan sila ng ninang mo."

Ginabi pa sina inay. Saan kaya sila pumunta....

"Mukhang napapadalas po ang pagkikita ni ninang at inay ah." Nagtatakang tanong ko.

"Ahhh-Oo anak, may inaasikaso lang sila." Hindi makatingin ng diretso si itay.

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon