Chapter 11

67 4 0
                                    

Matagal Na

Nakaka stress ang week na 'to! Buti na lang may lakad ako mamayang 7:00 pm. Niyaya ako ni Keet na mag dinner sa kanila, ipapakilala daw niya ako sa mama niya. Parang girlfriend lang no? Pero hindi eh, dahil bestfriend ko lang siya at masaya ako dun.  Nakapag-paalam na din ako kina inay at pinayagan naman ako.

Ano kayang magandang isuot? Wala kasi akong damit na medyo pormal tingnan.... Puro pants lang saka mga baduy na palda.  Oo medyo old fashion ako, yun kasi style ko eh.

Habang nag-iisip ako kung ano ang susuotin ko ay nag-text si Keet.

KeetyKeet:

"Alam ko na wala kang susuotin kaya may pinadala ako diyan kina Cyrus, I think hawak na nung guard ngayon. Babagay sayo yun trust me! See you later! "

Alam na alam talaga ni Keet na wala akong maisusuot. Di ko lang siya bestfriend at protector, savior ko din siya!

Pumunta ako kay manong guard para tanungin kung natanggap na ba niya yung damit na pinapabigay ni Keet.

"Manong, may pinadala po ba sa akin?" tanong ko

"Ahh oo, kaso kinuha ni sir Cyrus eh. Pasensya ka na, pinapasabi niya na puntahan mo daw siya sa kwarto niya kung gusto mong makuha yung package." paliwanag ni manong

Naku!! Bakit ba napunta kay Cyrus yun? Napaka tsismoso naman niya, kitang hindi sakanya nakapangalan pero kinuha parin niya. Tsskk!!

Pumunta na ako sa kwarto ni Cyrus para kunin yung binigay ni Keet.

"Knock knock!" sigaw ko saka kinatok yung pinto "Sir Cyrus si Nadya po ito, may kukunin lang po ako!" naiiritang sigaw ko.

"Come in!"

Pumasok na ako at humalukipkip sa harap niya.Tinitigan ko siya ng seryoso at nilahad ko ang kanang palad ko bilang pahiwatig na kinukuha ko na yung package.

"Saan ka pupunta? Sinong ka date mo?" seryosong tanong ni Cyrus

"Paki mo ba! Asan na nga yan!" inabot ko sa kanya pero nilayo niya naman.

Gusto mo palang makipaglaro hah? Pwes, hindi kita uurungan!!

"Yaahhh!!" sigaw ko saka ko siya sinugod at inaagaw ko yung package pero mailap siya at mabilis!!

"Ang bagal mo naman, can't you make it fast?" pang-iinis niya pa

"Humanda ka sa akin kapag nahuli kita! Makikita mo ang bagsik ni Nadya!!" hinabol ko ulit siya at oo naghahabulan kami sa loob ng kwarto niya. Di bale malawak naman yung kwarto niya at wala namang mababasag, yung mukha lang!!

"So slow.....  Babagalan ko na nga lang!" nang bigla niyang binagalan ang takbo niya ay sakto naman na binilisan ko yung takbo ko kaya ayun nag-umpugan kami at napa-upo kami pareho sa sahig

"Aray ko!" inda ko sa sakit ng ulo ko

"Screw this! It hurts you know!? Hindi ka kasi nag-iingat!" pagtataray ni Cyrus.

"Anong hindi? Ikaw nga 'tong nagpapahabol eh, ayaw mo pa kasi na ibigay yung package hindi naman sa'yo yun!" sigaw ko

Bigla namang natahimik si Cyrus at parang nahiya pa.

"Ehemm... Uhh... Paki-sara naman y-yung ano mo...." ani Cyrus habang nakatingin si gilid niya

"Yung alin?" sabi ko habang hinihimas yung ulo ko na mangingitim pa yata

"Your skirt is open! I-I can see y-your underwear...." nauutal na sabi niya

Teka yung alin daw? Napatingin ako sa palda ko at napansin ko na separated yung legs ko.... Yung legs ko!!

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon